Welcome to DOÑA MARIA LAUREL PLATON MEMORIAL SCHOOL🥰
DepEd Tayo Doña Maria Laurel Platon Memorial School - Batangas
DepEd Tayo Doña Maria Laurel Platon Memorial School - Batangas
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo Doña Maria Laurel Platon Memorial School - Batangas, School, Aya, Talisay, .
10/06/2026
💖 Taos-pusong Pasasalamat mula sa Doña Maria Laurel Platon Memorial School 💖
Lubos po kaming nagpapasalamat sa mga taong nagbigay ng suporta at kabutihang-loob sa ating paaralan. Ang ipinagkaloob na bluetooth speaker ay malaking tulong sa pagsasagawa ng mga programa, pagpupulong, pagdiriwang, at iba pang gawaing pampaaralan.
Ang inyong bukas-palad na pagtulong ay nagbibigay inspirasyon at nagdudulot ng higit na sigla sa aming mga mag-aaral at g**o. Nawa’y pagpalain pa kayo ng Poong Maykapal ng masaganang biyaya, mabuting kalusugan, at tagumpay sa buhay.
Maraming salamat po sa inyong pagmamahal at suporta sa Doña Maria Laurel Platon Memorial School! 🎤🔊✨
09/06/2026
📚 OPENING OF CLASSES MONITORING 2026–2027 ISINAGAWA SA PAARALAN 📚
Bilang bahagi ng pagtitiyak ng maayos at matagumpay na pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026–2027, nagsagawa ng monitoring visit ang Division Monitoring Team sa pangunguna ni Dr. Macaria Carina C. Carandang.
Sa kanyang pagbisita, personal niyang sinuri ang kahandaan ng paaralan, kabilang ang mga pasilidad, kaligtasan ng mga mag-aaral, at iba pang mahahalagang aspeto ng implementasyon ng mga programa sa pagbubukas ng klase. Nagbigay rin siya ng mahahalagang obserbasyon at rekomendasyon upang higit pang mapabuti ang kalidad ng serbisyo at edukasyong naihahatid sa mga mag-aaral.
Ipinahayag ng pamunuan at mga g**o ng paaralan ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa suporta, paggabay, at dedikasyon ni Dr. Carandang sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon. Ang kanyang pagbisita ay nagsilbing inspirasyon at gabay sa patuloy na pagpapaunlad ng mga programang pang-edukasyon para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral at ng buong komunidad ng paaralan.
Patuloy na nagsisikap ang paaralan na mapanatili ang isang ligtas, maayos, at makabuluhang kapaligiran sa pagkatuto para sa lahat.
08/06/2026
📚🎒 UNANG ARAW NG PASUKAN 2026-2027 🎒📚
Maligayang pagbabalik-eskwela sa lahat ng ating mga mag-aaral!
Ngayong unang araw ng pasukan sa Doña Maria Laurel Platon Memorial School, muling nabuhay ang sigla at saya sa ating paaralan sa pagdating ng mga mag-aaral, g**o, at mga magulang. Nawa'y maging makabuluhan, masaya, at puno ng mga bagong kaalaman at karanasan ang taong panuruan na ito para sa bawat isa.
Maraming salamat sa mga magulang, g**o, at mga katuwang ng paaralan na patuloy na sumusuporta upang maging ligtas, maayos, at matagumpay ang pagbubukas ng klase.
Sama-sama nating tahakin ang panibagong taon ng pagkatuto tungo sa mas maliwanag na kinabukasan!
💙 Welcome back, learners!
💛 Ready to learn, grow, and succeed!
07/06/2026
📚🎒 WELCOME BACK TO SCHOOL! 🎒📚
Isang panibagong taon ng pagkatuto, paghubog ng kakayahan, at pagtupad ng mga pangarap ang muling magsisimula!
Malugod na tinatanggap ng Doña Maria Laurel Platon Memorial School ang lahat ng mag-aaral para sa School Year 2026–2027. Nawa’y maging puno ng inspirasyon, kaalaman, pagkakaibigan, at tagumpay ang ating pagbabalik-eskwela.
Sa ating mga magulang, g**o, at mga katuwang sa edukasyon, maraming salamat sa patuloy na suporta upang maging matagumpay ang bawat hakbang ng ating mga mag-aaral.
✨ Sama-sama nating simulan ang taong panuruan na may sigla, disiplina, at determinasyong matuto.
Tara na at sabay-sabay nating abutin ang tagumpay!
06/06/2026
Nagpasalamat ang Pamunuan ng DMLPMS sa mga Nagkaloob ng Tulong para sa Bagong Sound System
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng DMLPMS sa mga indibidwal na nagbigay ng kaukulang halaga upang makabili ng bagong sound system para sa paaralan.
Matatandaang isang araw bago ang idinaos na graduation ceremony ay nanakaw ang dating sound system ng paaralan, bagay na nagdulot ng pangamba sa paghahanda para sa mahalagang okasyon. Sa kabila nito, agad na nakatanggap ng tulong ang paaralan mula sa mga mapagkawanggawang indibidwal na nagmalasakit sa kapakanan ng mga mag-aaral at ng buong komunidad ng paaralan.
Kabilang sa mga nag-ambag ay si Kon. Henry C. De Leon, si Sir Jefferson Padilla, at isang alumni na kasalukuyang nasa ibang bansa na mas piniling huwag nang magpakilala.
Ayon sa pamunuan ng DMLPMS, malaking tulong ang kanilang mga donasyon upang agad na mapalitan ang nawalang kagamitan at magamit sa mga susunod pang programa at aktibidad ng paaralan.
Muling ipinaabot ng paaralan ang taos-pusong pasasalamat sa mga tumulong at nagpakita ng malasakit. Nawa’y maging inspirasyon ang kanilang kabutihang-loob sa iba upang patuloy na suportahan ang mga programang pang-edukasyon para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral.
05/06/2026
📢 PARENTS ORIENTATION 2026
Matagumpay na naisagawa ang Parents Orientation ng Doña Maria Laurel Platon Memorial School bilang paghahanda sa pagbubukas ng panuruang taon 2026–2027.
Nagpapasalamat ang paaralan sa lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dumalo at nakiisa sa mahalagang gawaing ito. Naging daan ang pagtitipon upang maibahagi ang mga programa, polisiya, at mga inaasahan para sa darating na pasukan, gayundin ang pagpapatibay ng ugnayan ng paaralan at tahanan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
Ang inyong pakikiisa at suporta ay mahalagang sangkap sa paghubog ng isang ligtas, maayos, at dekalidad na kapaligiran sa pagkatuto.
💙 Sama-sama nating itaguyod ang tagumpay ng bawat batang mag-aaral!
05/06/2026
💙 Taos-pusong Pasasalamat 💙
Ang pamunuan ng Doña Maria Laurel Platon Memorial School ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga indibidwal at katuwang na nagbigay ng kanilang suporta at tulong para sa ikauunlad ng ating paaralan.
📌 Taos-pusong pasasalamat din kay KON. NOLI MENDOZA sa kanyang ipinagkaloob na mineral water, na malaking tulong sa ating mga gawain sa paaralan.
📌 Lubos din kaming nagpapasalamat kay ENGR. MARIO BALAZON para sa kanyang donasyong dalawang (2) drum at Pintura, na magagamit sa iba't ibang programa at pangangailangan ng paaralan.
📌 Gayundin, maraming salamat sa BARANGAY AYA, sa pamamagitan ng inisyatiba ni KON. CLIFFORD CARANAY, para sa ipinagkaloob na "Slow Down" signage, na makatutulong upang mapanatili ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at mga magulang sa paligid ng paaralan.
Ang inyong mga kabutihan ay patunay na ang diwa ng Bayanihan para sa Paaralan ay buhay at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa ating komunidad. Nawa'y patuloy kayong pagpalain at pagyamanin ng Poong Maykapal sa inyong walang sawang pagsuporta sa edukasyon.
04/06/2026
📣 Taos-Pusong Pasasalamat! 💙
Lubos po kaming nagpapasalamat sa Talisay Association of Manitoba sa kanilang taos-pusong suporta at donasyon para sa Brigada Eskwela 2026 ng Doña Maria Laurel Platon Memorial School.
Ang inyong ipinagkaloob na mga kagamitan at cleaning supplies ay malaking tulong upang maging mas ligtas, malinis, at handa ang ating paaralan para sa panibagong taong panuruan. Ang inyong kabutihang-loob ay patunay ng malasakit at pagkakaisa para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
Maraming salamat sa inyong walang sawang pagsuporta sa edukasyon at sa patuloy na pakikiisa sa adhikain ng paaralan. Nawa’y pagpalain pa kayo ng Poong Maykapal at patuloy na maging instrumento ng kabutihan sa komunidad.
Sama-sama para sa mas maayos at matagumpay na Brigada Eskwela 2026!
04/06/2026
📢 DAY 4 | BRIGADA ESKWELA 2026
Patuloy ang sama-samang pagkilos at bayanihan para sa paghahanda ng ating paaralan para sa nalalapit na pasukan. Sa ikaapat na araw ng Brigada Eskwela, muling ipinamalas ng ating volunteer ang kanilang malasakit at dedikasyon sa edukasyon ng ating mga mag-aaral.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating mga katuwang mula sa Talisay Bible Baptist Church (TBBC) sa kanilang oras, lakas, at walang sawang suporta. Ang inyong pagtulong ay malaking ambag upang maging malinis, maayos, at ligtas ang kapaligiran ng ating paaralan.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa at suporta!
#𝘗𝘈𝘙𝘈𝘚𝘈𝘒𝘈𝘉𝘈𝘛𝘈𝘈𝘕
Contact the school
Telephone
Opening Hours
| Monday | 09:00 - 17:00 |
| Tuesday | 09:00 - 17:00 |
| Wednesday | 09:00 - 17:00 |
| Thursday | 09:00 - 17:00 |
| Friday | 09:00 - 17:00 |