16/05/2026
Bilang bahagi ng pagpapanatili ng kaayusan, disiplina, at respeto sa ating paaralan, hinihikayat ang lahat ng K' Felixians, mga g**o at kawani, mag-aaral, magulang, at bisita na magsuot ng angkop at wastong kasuotan sa loob ng paaralan.
TANDAAN
Iwasan ang pagsusuot ng hindi angkop na damit tulad ng:
❌ Sando, sleeveless, tubes, spaghetti straps o walang sleeves
❌ Maikling shorts o palda
❌ Tsinelas (maliban kung pinahihintulutan)
❌ Low waist o ripped jeans
❌ Damit na may hindi angkop na disenyo o mensahe
Inaasahan ang pakikiisa ng lahat upang mapanatili ang maayos at propesyonal na kapaligiran sa ating paaralan.
Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta! 💙
15/05/2026
Lubos na pasasalamat sa ating mga K Felixians Non-Teaching Personnels sa kanilang patuloy na pagaayos, paglilinis, at pagpapaganda ng ating Paaralan bago ang pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo.
K' gagaling, K' sisipag! K' Felixians
11/05/2026
Kilalanin ang bagong Simbolo ng FRANCISCO P. FELIX KARANGALAN NATIONAL HIGH SCHOOL.
11/05/2026
Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas matatag na pagkakakilanlan!
Matagumpay na naisagawa ang Presentation and Approval of the NEW LOGO ng Francisco P. Felix Karangalan National High School (dating Francisco P. Felix Memorial National High School – Karangalan Annex) sa harap ng ating School Governing Council (SGC).
Ang gawaing ito ay dinaluhan ng iba’t ibang sektor ng komunidad—mga magulang, g**o, mag-aaral, at iba pang stakeholders—na patuloy na sumusuporta sa pag-unlad ng ating paaralan. Ang bagong logo ay sumisimbolo sa ating panibagong yugto bilang isang hiwalay at ganap na paaralan, na may malinaw na bisyon, matibay na adhikain, at nagkakaisang komunidad.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nagbigay ng kanilang suporta at pananaw. Sama-sama nating isulong ang kahusayan at patuloy na pag-angat ng Francisco P. Felix Karangalan National High School!
06/05/2026
📢 ANNOUNCEMENT | ENROLLMENT SCHEDULE 📢
Magandang araw, mga mag-aaral at magulang!
Ipinapaalam po sa lahat ang nalalapit na Enrollment para sa School Year 2026–2027. Inaanyayahan namin ang lahat ng mga bagong mag-aaral at magbabalik na magpatala ayon sa itinakdang iskedyul.
📌 Mga Paalala:
✔️ Dalhin ang mga kinakailangang dokumento (Report Card, PSA Birth Certificate, at iba pa)
✔️ Sumunod sa itinakdang schedule upang maiwasan ang siksikan
✔️ Magsuot ng maayos at sumunod sa health and safety protocols
✔️ Siguraduhin na nagfill-out ng enrollment form online upang mapadali ang proseso
link ng Enrollment Form: https://tinyurl.com/EF26-27
Tara na at maging K' Felixians na! Sama-sama nating ihanda ang isang makabuluhan at matagumpay na taon ng pag-aaral. 💙📚
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa aming tanggapan.
15/04/2026
Congratulations!
The entire community of Francisco P. Felix Memorial National High School – Karangalan Annex proudly congratulates Mam Ria Vanessa I. Mellendrez for being recognized as one of Outstanding Teachers in the province of Rizal! 🌟
Your unwavering dedication, passion for teaching, and commitment to shaping young K' Felixian minds continue to inspire both learners and fellow educators. Your hard work truly reflects excellence in education and service.
May this achievement motivate you to continue making a difference and touching more lives through your noble profession. We are truly proud of you! 💙💛
Padayon sa paghubog ng kinabukasan! Galing ng K' Felixians
06/04/2026
ONSITE JOINT EVALUATION, VALIDATION, AND INSPECTION COMPLETED!
Ngayong araw, ika-6 ng Abril 2026, matagumpay na isinagawa ang Onsite Joint Evaluation, Validation, and Inspection sa Francisco P. Felix Karangalan National High School.
Sa pangunguna ng ating mga katuwang mula sa Division at Regional Office, masusing sinuri at tiniyak ang kalidad ng mga programa, pasilidad, at mga dokumento ng paaralan upang mapanatili ang mataas na antas ng edukasyon na ating inihahatid sa mga mag-aaral.
Ang gawaing ito ay patunay ng ating patuloy na pagsisikap na mapabuti ang serbisyo publiko sa edukasyon at masig**ong ang bawat mag-aaral ay nabibigyan ng dekalidad, maayos, at ligtas na kapaligiran sa pagkatuto.
Taos-pusong pasasalamat kina Dr. Doris DJ. Estalilla, Schools Division Superintendent, Dr. Van Russel A. Robles, PSDS, Dr. Maria Cristina S. Marasigan, Principal IV ng FPFMNHS-Rosepack Main at sa lahat ng bumubuo ng paaralan— mga g**o, kawani, mag-aaral, at mga stakeholder—sa kanilang kooperasyon, dedikasyon, at suporta sa tagumpay ng gawaing ito.
Sama-sama nating itaguyod ang kahusayan sa edukasyon para sa kinabukasan ng kabataan!
K' Felixians