ONHS Main Junior High School

  • Home
  • ONHS Main Junior High School

ONHS Main Junior High School Mabuhay! Maligayang pagdating sa Orani National High School- ang pinakaunang pambansang mataas na paaralan sa Orani!

14/04/2026

Dahil po sa ilang technical difficulties dito sa facebook, minabuti po ng ating paaralan na maggawa ng bagong page. Hinihikayat po namin ang buong komunidad na i-follow at i-like ang ating bagong opisyal na page. Maraming salamat po sa inyong pang unawa.

https://www.facebook.com/share/1Ck2wywX6z/?mibextid=wwXIfr

Mabuhay!

📢 ANNOUNCEMENT | ORANI NATIONAL HIGH SCHOOLAng Second Batch ng Special Program in the Arts Exam and Audition (SPAEA) ay ...
14/04/2026

📢 ANNOUNCEMENT | ORANI NATIONAL HIGH SCHOOL

Ang Second Batch ng Special Program in the Arts Exam and Audition (SPAEA) ay gaganapin sa Abril 20, 2026 (Lunes) sa ganap na 10:00 AM sa ONHS SPA Building.

👉 Lahat ng examinees at auditionees ay inaanyayahang dumating nang maaga at nasa oras.
👉 Mangyaring dalhin ang original copy ng inyong card at photocopy ng birth certificate.

ℹ️ Paalala: Tuloy pa rin ang Orientation at Enrolment ng lahat ng nakapasa sa Unang Audition sa parehong araw, Abril 20, 2026 (Lunes) sa ganap na 8:00 AM sa ONHS SPA Building.

Mahigpit na paalala: Ang pagiging maagap ay mahalaga upang maging maayos ang daloy ng mga gawain.

📢 UPDATED SCHEDULE OF ENROLMENTMalugod na inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral na mag-enrol sa Orani National High School...
14/04/2026

📢 UPDATED SCHEDULE OF ENROLMENT

Malugod na inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral na mag-enrol sa Orani National High School. Narito ang opisyal na updated na iskedyul ng ENROLMENT para sa lahat ng grade level:

đź—“ Bagong Iskedyul ng Enrolment

Abril 20, 2026 – Incoming Grade 7 (SPA – Special Program in the Arts)

Mayo 11–14, 2026 – Lahat ng incoming Grade 7 & Grade 11

Mayo 18–20, 2026 – Lahat ng incoming Grade 8 & Grade 12

Mayo 21 at 25, 2026 – Lahat ng incoming Grade 9

Mayo 26–28, 2026 – Lahat ng incoming Grade 10

Hunyo 1–3, 2026 – Lahat ng Transferees at Balik-Aral

📌 Mga Paalala:

Dalhin ang ORIGINAL REPORT CARD (at kopya ng Birth Certificate para sa Grade 7, 11, Transferees, at Balik-Aral).

Ang mga mag-eenrol ay dapat may kasamang magulang o guardian.

Magdala ng sariling ballpen.

PAALALA: Walang On-Site Transaction tuwing Biyernes ayon sa DIVISION MEMORANDUM No. _162__,s. 2026

PAALALAENROLMENT PARA SA INCOMING GRADE 7 Special Program in the Arts (SPA)đź“… Abril 20, 2026  đź•— Magsisimula ang Orientati...
14/04/2026

PAALALA

ENROLMENT PARA SA INCOMING GRADE 7 Special Program in the Arts (SPA)

đź“… Abril 20, 2026
đź•— Magsisimula ang Orientation sa ganap na 8:00 AM
➡️ Susundan agad ng enrolment pagkatapos ng orientation.

👉 Mga Paalala:

Siguraduhing dumating sa tamang oras.

Kumpletuhin ang mga kinakailangang dokumento.

Ang mga mag-eenrol ay dapat may kasamang magulang o guardian at magdala ng sariling ballpen.

📍 ONHS SPA Building

Congratulations, Ma'am Angie.Pagbati sa ating g**o na si Angelyne E. Pedron mula sa Departamento ng Matematika sa kanyan...
14/04/2026

Congratulations, Ma'am Angie.

Pagbati sa ating g**o na si Angelyne E. Pedron mula sa Departamento ng Matematika sa kanyang approved ECP.

Mabuhay!

📢 **ANUNSYO**Bilang pakikiisa sa pagtitipid ng enerhiya dulot ng krisis sa gasolina, ang mga opisina ng Orani National H...
10/04/2026

📢 **ANUNSYO**

Bilang pakikiisa sa pagtitipid ng enerhiya dulot ng krisis sa gasolina, ang mga opisina ng Orani National High School ay magpapatupad ng **Work-From-Home arrangement tuwing Biyernes**, mula **Abril 10 hanggang Hunyo 5, 2026**.

📌 Ipinapaalala na ang **onsite na transaksyon ay tatanggapin lamang mula Lunes hanggang Huwebes**.

Hinihikayat ang lahat na planuhin nang maayos ang inyong pagpunta.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon at pag-unawa.

"Lupang MinamahalDuyan ng MagigitingSa unos at digma,'Di susuko't pasisiil"-Pito at Bandila, 2026Kaisa ang buong komunid...
08/04/2026

"Lupang Minamahal
Duyan ng Magigiting
Sa unos at digma,
'Di susuko't pasisiil"
-Pito at Bandila, 2026

Kaisa ang buong komunidad ng Orani National High School sa paggunita ng ika-84 Araw ng Kagitingan.

📢 ORANI NATIONAL HIGH SCHOOL ENROLMENT ANNOUNCEMENT 2026 📢Maligayang pagdating at pagbabalik sa Orani National High Scho...
08/04/2026

📢 ORANI NATIONAL HIGH SCHOOL ENROLMENT ANNOUNCEMENT 2026 📢

Maligayang pagdating at pagbabalik sa Orani National High School.

Narito ang opisyal na iskedyul ng ENROLMENT para sa lahat ng grade level:

đź—“ Schedule of Enrolment

April 20, 2026 – Incoming Grade 7- SPA (Special Program in the Arts)

May 11–15, 2026 – Lahat ng incoming Grade 7 & Grade 11

May 18–20, 2026 – Lahat ng incoming Grade 8 & Grade 12

May 21, 22, 25, 2026 – Lahat ng incoming Grade 9

May 27–29, 2026 – Lahat ng incoming Grade 10

June 1–3, 2026 – Lahat ng Transferees at Balik-Aral

📌 Mga Paalala:

Dalhin ang ORIGINAL REPORT CARD (at Kopya ng Birth Certificate para sa Grade 7, 11, Transferees, at Balik-aral).

Ang mga mag-eenrol ay dapat may kasamang magulang o guardian.

Magdala ng sariling ballpen.

Maligayang pagbabalik sa Distrito ng Orani, Sir Francis Bautista!Mabuhay!
08/04/2026

Maligayang pagbabalik sa Distrito ng Orani, Sir Francis Bautista!

Mabuhay!

Mensahe ng PasasalamatPara sa Tagumpay ng “ANG HATOL 2026”Isang taos-pusong pasasalamat mula sa Orani National High Scho...
03/04/2026

Mensahe ng Pasasalamat
Para sa Tagumpay ng “ANG HATOL 2026”

Isang taos-pusong pasasalamat mula sa Orani National High School Special Program in the Arts Theater Arts at Bayan Sining Ensemble, Inc. ang aming ipinapaabot sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagtatanghal ng “ANG HATOL 2026.” Ang produksyong ito ay patunay ng sama-samang lakas ng sining, kabataan, at komunidad.

Sa kauna-unahang pagkakataon, naitanghal ang “ANG HATOL” sa loob mismo ng Orani Multipurpose Gym—isang makasaysayang tagumpay na matagal nang inaasam-asam ng ating mga kabataang artista. Ngayong ikaapat na taon ng pagtatanghal, bukod sa bagong pook-tanghalan, naisakatuparan din ang mga bagong kanta sa tulong nina Wilson B**g Billones at Raul Alfonso—isang patunay ng patuloy na pag-unlad at pagyabong ng ating sining.

Maraming salamat sa lahat ng mga magulang na patuloy na nagtitiwala sa hiwaga ng tanghalan at ng sining. Ang inyong suporta ang nagsisilbing matibay na pundasyon ng tagumpay na ito.

Sa aming mga kabataang artista—maraming salamat sa walang sawang paglalaan ng inyong oras, talento, at lakas para sa pagpapatuloy ng sining, kultura, at pagtatanghal. Kayo ang tunay na puso ng “ANG HATOL.”

Lubos din ang aming pasasalamat sa mga g**o at mga ulongg**o na walang humpay na sumusuporta sa ating mga kabataan, at higit lalo sa aming butihing punong-g**o na si Dr. Glecie Castro Mateo sa kanyang patuloy na paggabay at suporta sa lahat ng ating programa at palabas.

Higit sa lahat, taos-puso kaming nagpapasalamat kay Honorable Mayor Jon Arizapa at kay Sir Jelo R. David sa kanilang walang sawang suporta—hindi lamang sa ating mga kabataan kundi sa patuloy na pagpapalaganap at pagpapaliwanag ng sining sa ating bayan.

At sa aming mga tahimik na tagasuporta at sa lahat ng patuloy na naniniwala at sumusuporta—maraming, maraming salamat po!
Mabuhay po kayong lahat!

Ang tagumpay ng “ANG HATOL 2026” ay tagumpay nating lahat!

Espesyal na pasasalamat kay Sir Aldrine Teleron pati na rin kina Sir Rhonick Mallari Tayag, Ma'am Marianne Lao Ramos, at Jared Peña para mga magagandang litrato.

SEE YOU, MGA KASINING SA ANG HATOL 2027!

Kita kits ngayong 5pm sa Orani Multi-Purpose Gym.Ito po ay LIBRE at bukas sa LAHAT ng nais manood.Ito na ANG HATOL!
31/03/2026

Kita kits ngayong 5pm sa Orani Multi-Purpose Gym.

Ito po ay LIBRE at bukas sa LAHAT ng nais manood.

Ito na ANG HATOL!

31/03/2026

Mula sa Orani National High School, maraming salamat po, Hon. Mayor Antonio “Jon” F. Arizapa Jr. Mabuhay!

Address

Sitio Kawayan

2112

Opening Hours

Monday 09:00 - 17:00
Tuesday 09:00 - 17:00
Wednesday 09:00 - 17:00
Thursday 09:00 - 17:00
Friday 09:00 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ONHS Main Junior High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your school to be the top-listed School/college?

Share