DepEd Tayo Rizal ES-Quezon

DepEd Tayo Rizal ES-Quezon

Share

Rizal Elementary School is located at Brgy. Rizal Panukulan Quezon.

Photos from Municipality of Panukulan's post 12/06/2026
Photos from DepEd Tayo Rizal ES-Quezon's post 11/06/2026

Isang malaking karangalan para sa buong pamunuan at kaguruan ng Rizal Elementary School ang pagbisita at pagsasagawa ng isang komprehensibong monitoring para sa Pagbubukas ng Paaralan ng ating masipag na District Supervisor ng Panukulan, Doc John Mark Marasigan.
​Ang gawaing ito ay naglalayong masig**o na ligtas, maayos, at naaayon sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagtanggap natin sa ating mga mag-aaral ngayong bagong taon ng panuruan.
​Maraming salamat, Doc John Mark, sa inyong walang-sawang paggabay, mahahalagang puna, at patuloy na suporta upang mas mapataas pa ang kalidad ng serbisyo at edukasyon sa Rizal ES! 🫡✨

Photos from DepEd Tayo Rizal ES-Quezon's post 11/06/2026

Isang makabuluhang pagsisimula!
Pormal nang nagbukas ang klase sa Rizal Elementary School noong nakaraang Lunes,
Hunyo 8, 2026.
​Kasabay ng ating lingguhang Flag Ceremony, buong-giting na idinaos ang SOLGA na pinangunahan ng ating aktibo na Pangulo ng SELG na si John Michael "JM" Morilla.
​Maligayang pagbabalik-paaralan, mga minamahal naming Rizaleño!
Sama-sama nating abutin ang ating mga pangarap ngayong School Year!🏫

Photos from DepEd Tayo Rizal ES-Quezon's post 11/06/2026

||Tingnan: 🤝🏫

​Matagumpay na isinagawa ang kauna-unahang General PTA Meeting ng Rizal ES para sa school year na ito, 2026-2027.
Tampok sa pagpupulong ang pagtalakay sa Three-Term Policy, na pinangunahan ng ating katuwang sa pamumuno, ang ating Head Teacher II,Bb. Maria Aileen S. Solleza. Kasama ang ilang nga kaguruan.
​Pasasalamat sa lahat ng mga magulang at opisyal na naglaan ng oras at nakiisa sa talakayan. Ang inyong aktibong suporta ang susi sa maayos na pagpapatupad ng mga programa ng ating paaralan.
​Samahan ninyo kami sa pagbuo ng isang mas matatag na ugnayan para sa tagumpay ng ating mga mag-aaral! 🎓✨



Photos from DepEd Tayo Rizal ES-Quezon's post 11/06/2026

Lubos ang pasasalamat ng Rizal ES sa isang mabuting puso na nag-abot ng tulong at nagregalo ng mga gamit-pang-eskwela para sa ating mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 3.
​Bagamat pinili ninyong manatiling lihim ang kanyang pangalan, ang inyong kabutihan ay mag-iiwan ng malaking marka at ngiti sa mga bata ngayong pasukan. Pagpalain po kayo ng Maykapal! 🙏✨

Photos from DepEd Tayo Rizal ES-Quezon's post 11/06/2026

Lubos ang pasasalamat ng pamunuan at mga g**o ng Rizal Elementary School sa lahat ng nakiisa, tumulong, at nagbayanihan para sa paghahanda ng ating paaralan ngayong Pagbubukas ng Klase sa taong panuruang 2026-2027.
​Dahil sa inyong suporta—mga magulang, barangay officials, volunteers, AFP,at mga stakeholders—handang-handa na ang ating mga silid-aralan para sa ating mga mag-aaral. Mabuhay po kayong lahat!

Photos from DepEd Tayo Rizal ES-Quezon's post 08/06/2026

Taos-pusong pasasalamat po kay Brgy. Captain Dodgie Benaid sa pagbibigay ng mga panlinis para sa Rizal Elementary School. Ang inyong suporta ay lubos naming pinahahalagahan. 🙏🤗

31/05/2026

📣 OPLAN BALIK ESKWELA 2026
School Year 2026–2027

Public Assistance Command Center (PACC)

Ang OBE-PACC Committee ng Rizal Elementary School ay handang maglingkod para sa ligtas, maayos, at matagumpay na pagbabalik-eskwela!

Para sa inyong mga katanungan tungkol sa:
✅ Enrollment
✅ School Opening
✅ School Policies
✅ Requirements
✅ At iba pang mga nais linawin tungkol sa pag-aaral

Maaari po kayong makipag-ugnayan sa OBE-PACC Committee na makikita sa larawan. 📞

📌Enrollment Period: June 1–5, 2026
📌OBE Operation: June 1–11, 2026
📌Start of Classes: June 8, 2026

30/05/2026

Rizal Elementary School Teachers and Staff for School Year 2026- 2027.

For JHS ( grade 7- grade 9 ) Please await further announcements regarding the Teachers.☺️🥰

Want your school to be the top-listed School/college?

Website