04/09/2026
Mga ka-critter… medyo mabigat ‘to para sa’kin 😞
Sa ngayon, pansamantala muna akong titigil sa paggawa ng tarantula vlogs at content. Dahil sa bagong assignment ko sa work, mapupunta ako sa malayong lugar at hindi ko na mabibigyan ng sapat na oras at atensyon ang mga alaga ko at ang paggawa ng content.
Hindi naging madali ‘tong desisyon na ‘to (at wala naman akong ibang choice para hindi matuloy to 😞) Alam niyo kung gaano ko kamahal ang hobby na ‘to at kung gaano ako kasaya sa pag-share ng journey ko kasama kayo—mula sa feeding, rehousing, hanggang sa simpleng pagmamasid sa kanila.
Pero sa ngayon, kailangan ko munang unahin ang responsibilidad ko sa trabaho at siguraduhin na maayos ang kalagayan ng mga alaga ko.
Hindi ito paalam—pause lang muna. Babalik ako. 🖤
Maraming salamat sa lahat ng sumuporta, nanood, nag-comment, at naging parte ng maliit nating community. Sana nandiyan pa rin kayo pagbalik ko.
Stay safe, mga ka-critter. 🕷️