08/28/2026
OPLAN KONTRA BOBO AT KORAP SA 2028.
Hindi ito personality contest.
Hindi ito talent portion.
Hindi ito apelyido Olympics.
At lalong hindi ito search for the next national nuisance.
Bago tayo bumoto ng senador, linawin muna natin ang basic: ano ba talaga ang trabaho niya?
Ang senador ay hindi binoboto para maging artista sa hearing, mascot ng dynasty, tagapagtanggol ng kaalyado, o dekorasyon ng partido.
Trabaho ng senador ang gumawa at mag-ayos ng batas.
Trabaho niyang bantayan ang budget. Oo, sa House nagsisimula ang money bills, pero may kapangyarihan ang Senado na suriin, amyendahan, at kuwestiyunin kung saan napupunta ang pera ng bayan.
Trabaho niyang mag-imbestiga in aid of legislation—hindi para mag-grandstanding, kundi para ilantad ang butas ng sistema at gumawa ng mas maayos na batas.
Trabaho niyang i-check ang mahahalagang tratado at kasunduan ng bansa.
Trabaho niyang umupong hukom kapag may impeachment.
At higit sa lahat, trabaho niyang maging tagabantay ng public trust—dahil ang public office ay hindi mana, hindi negosyo ng pamilya, hindi reward sa pagiging sikat, at hindi safehouse ng makapangyarihan.
Kaya sa 2028, huwag tayong boboto dahil lang kilala ang apelyido.
Huwag dahil maingay sa social media.
Huwag dahil nakakatawa sa hearing.
Huwag dahil may jingle, billboard, ayuda, o scripted galit.
Tanungin natin:
May alam ba siya sa batas?
May integridad ba siya?
May malinaw ba siyang paninindigan?
Humaharap ba siya sa trabaho at pananagutan?
O ginagamit lang ang Senado bilang protection plan, family business, at political retirement package?
Ang Senado ay hindi tambayan ng sikat.
Hindi refuge area ng mga may baho.
Hindi call center ng propaganda.
Hindi family corporation na may government funding.
Ang Senado ay dapat utak ng batas, mata ng bayan, bantay ng kaban, at konsensya ng Republika.
Bumoto ng may alam.
Hindi ng nadadala.
Ang senador ay bantay-bayan, hindi bantay-sarili.