20/07/2017
JUST A THOUGHT
Sabi ng karamihan ang dami ng "plastik" ngayon o di kaya ay "sus, pakitang tao lang yan eh". Anuna? Wala namang ganyan dati ah. Baka naman kasi hindi plastik tawag dun.
Well for me, first and foremost. May mga tao kasing iba iba ang pinapakita or may nililimit sila sa ugali nila kapag nasa ganitong lugar or kasama sila. Halimbawa kapag kasama mo ung mga kabarkada mo, napakabalbal ng salita, namumura ka, nagbabad finger ka at impormal ang pamamaraan ng pag-uusap niyo. Pero yan, try mo dalhin sa simbahan yan. Panigurado, lilimitahan niya ung paggamit ng bad words niya and hindi siya gaanong nagiging maligalig. Bakit naman po ganun?
Kasi po nirerespeto niya ang simbahan. Pero hindi naman porket minunura na niya ung mga kaibigan niya wala na siyan respeto sa tropa niya. Hindi po ganun. Isa pang halimbawa is kapag mag-aapply ka ng work. Hindi mo naman pwedeng tropahin kaagad ung HR. Hindi mo siya pwedeng sabihan ng, "tang*** kailangan ko po talafa ng trabaho" meron bang ganun? Syeprr wala, or kung meron man edi meron hahahahaa!
PLASTIK - binaback stab ka.
PAKITANG TAO - gumagawa siya ng image na magugustuhan siya ng mga tao, kahit di naman niya talaga gusto gawin ung bagay na iyon.
PROFESSIONAL - ito po ung taong kayang mag-adjust sa environment na kinalalagyan niya. It's not called "pakitang tao", siya pa rin 'to. Pero alam niya kasi kung paano ilulugar ung ugali niya.
P.s. wag niyo po ako ibash haha! OPINION KO LAMANG PO ITO. Kahit walang nagbabasa dito πΉ
-cy