Riyaa (Pagpapakitang-tao)
Sabi ng Sugo ni Allah:
βAng bagay na pinangangambahan ko sa lahat para sa inyo ay ang maliit na shirk.β
Sabi nila: "O Sugo ni Allah, ang ang maliit na shirk?" sabi Niya:
βRiyaa (pagpapakitang-tao), sasabihin ni Allah sa Araw na ang mga tao ay hahatulan sa kanilang mga gawa: 'Pumunta kayo sa kung saan kayo ay nagpakitang-tao para sa kanila para sa inyong mabuting gawa sa mundo, at tingnan ninyo kung anong biyaya ang makukuha niyo sa kanila.ββ (Ahmad)
Riyaa ay ang pagsasagawa ng pagsamba upang makita at purihin ng mga tao. Ang Riyaa ay inaalis ang saysay ng gawain; ang tao ay umaani ng kasalanan imbes na gantimpala kay Allah, at ito ay magdadala sa kanya sa kaparusahan.
Ang mga tao, likas na gusto niya na siya ay pinupuri, at hindi pabor na pinupuna siya, at ayaw ng kapintasan sa anumang paraan. Sa pananaw ng Islam ang mga gawaing pangrelihiyon na ginagawa upang magpasikat sa iba kaysa sa ikakalugod ni Allah - na ang marapat na para lamang kay Allah ay gagawin para sa tao - ay shirk. Ang Sugo ni Allah ang nagsabi,
βSi Allah (Luwalhatiin at purihin Siya) ay nagsabi: 'Ako ay walang-pangangailangan na hindi ko na kailangan pa na magkaroon ng katambal. Kaya naman doon na siyang gumawa ng kilos para sa iba at para sa Akin ay hindi ko tatanggapin ang gawaing ito na itinambal niya Ako.ββ (Saheeh Muslim)
Malaki ang posibilidad sa isang mananampalataya na mahulog sa riyaa dahil sa ito ay tago, Ito ay nakatago sa puso, dinudumihan ang intensyon, at dapat na ang isang tao ay maging mapagbantay upang itama ito. Si Ibn Abbas, isa sa mga kasamahan ng Propeta ay nagsabi,
βAng Shirk sa bansang Muslim ay mas lingid kaysa sa itim na langgam na gumagapang sa itim na bato sa kalagitnaan ng gabi na walang buwan.β[2]
Ang intensyon ay isang simpleng bagay, pero minsan ang baguhin ito ay mahirap. Ang isang tao ay marapat na pakinggan ang kanyang puso at tignan kung ano ang nag- uudyok sa kanyang mga pagkilos. Ang Muslim ay dapat na maging maingat, tignan na ang kanyang intensyon ay mapanatili niyang dalisay sa tuwing siya ay gaganap ng mabuting gawain tulad ng salah (dasal), pagbibigay ng kawanggawa, pag-aayuno, pagsisilbi sa mga magulang at kahit sa pagngiti. Marahil ito ang dahilan ng pagbigkas ng pangalan ng Allah sa bawat pang araw araw na mahahalagang bagay sa ating buhay tulad ng -pagkain, pagtulog, pagpunta sa palikuran, paggising at bago matulog. Ang pag-alala kay Allah ay magpapanatili sa puso na maging maingat sa pag-alala kay Allah at dalisay na intensyon.
Ating unawain kung paanong ang riyaa ay makakaapekto sa ating mga pagsamba:
(a) Sabihin na natin na ang iyong motibo sa pagtayo ng dasal ay para sa tao na makakakita sayo, o makapapansin sa inyong pagdarasal, o nais ng papuri. ito ay nakapagwala ng saysay ng iyong pagsamba.
(b) Sabihin na natin na nagismula kang magdasal nang may sinseridad, ang iyong intensyon ay para kay Allah, ngunit ng simulan mo na isipin ang tungkol sa ikalulugod ng tao, unti- unti ang intensyon mo ay nagbabago. Gawin mo ang isa sa dalawang bagay. Kapag nilabanan mo ang tukso na huwag kang mapansin, ay hindi ito makakasama sa iyo sapagkat ang Propeta sumakanya nawa ang pagbati at kapayaan ay nagsabi: "Ipinagbawal ni Allah (ang kaparusahan) sa aking ummah sa kung anuman ang dumaan sa kanilang isipan, hangga't hindi nila ito ginawa o sinabi.β Ngunit kung walang ginawa tungkol dito at hindi nilabanan ang tukso na gawin ang pagsamba upang mapansin lamang; bagkos sinimulang pagandahin ang salah (dasal) para mapansin, kung gayun ang buong pagsamba ay mawawalan ng saysay.
(c) Ang hindi sadyang papuri ay hindi makakasama. Ang Propeta ay natanong dito at kanyang sinabi:"Iyon ang unang mabuting balita para sa mga mananampalataya." Hindi rin pagpapakitang tao na kapag ang isang tao ay masaya kapag nakakagawa siya ng pagsamba; bagkos, ito ay tanda ng pananamalataya. Ang Propeta sumakanya nawa ang pagbati at kapayapaan, ay nagsabi:
βSinuman ang maging masaya dahil sa kanyang mabubuting gawa at nalulngkot para sa kanyang masasamang gawa, ito ay isang mananampalataya.β
Ang Propeta ay nagbigay sa atin ng salit laban sa lingid na shirk na maaring bigkasin anumang oras ng araw. Isang araw ay nagbigay ng sermon ang Propeta at ang sabi,
βO mga tao, katakutan niyo ang shirk, sapagkat mas tago ito sa gumagapang na langgam.β (At-Tabarani)
Sinuman ang nais ni Allah ay magtanong, 'At paano namin ito maiiwasan kung mas tago pa ito sa gumagapang na langgam, O Sugo ni Allah?' Sumagot sya,
βAllah-humma inna na-uudhu-bika an nush-rika bika shay-ann naa-lamu, wa nas-tagh-fi-ruka limaa laa naa-lam.β
βO Allah, nagpapakupkop kami laban sa sinasadyang shirk laban sa Iyo ay kapatawaran para sa hindi namin nalalaman.
ππππππ ππππ πΌπππΌ πΌπ½πΏππππΌπ
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ππππππ ππππ πΌπππΌ πΌπ½πΏππππΌπ, Jeddah.
Pagtakip sa Sarili Pagkatapos ng Tawbah
Si ImΔm Ibn Rajab Ψ±ΨΩ
Ω Ψ§ΩΩΩ ay nag sabi
"Ang karamihan sa mga Scholar ay pinahahalagahan na ang pinagmulan tungkol sa isang taong nagsisi mula sa isang kasalanan ay ang pagtakip niya sa kanyang sarili at hindi pagtatapat na gumawa ng kasalanan sa sinuman. Sa halip, nagsisisi siya sa paraang nasa pagitan niya at ng AllΔh."
[Fath Al-BΔrΔ« 1/76]
βAng makasalanan ay hindi nakakaramdam ng anumang pagsisisi sa kanyang mga kasalanan. Iyon ay dahil patay na ang kanyang puso.β
- Ibn Qayyim (raαΈ₯imahullΔh)
Imam Ibn Al-Qayyim (raαΈ₯imahullΔh) ay nag sabi
"Ang pag-aaksaya ng oras ay mas masahol pa kaysa sa kamatayan,
Dahil tulad ng pag-aaksaya ng oras na ilalayo ka mula sa Allah at sa hinaharap, habang ang kamatayan ay inilalayo ka mula sa dunya (makamundong buhay) at sa mga tao."
β’ Pinagmulan: Al-Fawaaid
Ang bawat sakit, bawat pagpapala, bawat paghihirap, bawat pagbabago sa buhay ay dumating upang turuan ka lamang nito: La ilaha illa Allah (Walang tunay na diyos maliban kay Allah).
02/08/2021
Tunay na Pagsisisi (Ψ§ΩΨͺΩΨ¨Ψ©)
Sinabi ni Shiehk Bin BΔz Ψ±ΨΩ
Ω Ψ§ΩΩΩ:
Kung ang isang tao ay nagagampanan ng 3 kondisyong ito kung gayon siya ay totoo sa kanyang pagsisisi;
β’ Magsisi sa kasalanang nagawa (Ψ§ΩΩΨ―Ω
)
β’ Pag-iwas sa paggawa ng masamang gawain (Ψ§ΩΨ₯ΩΩΨ§ΨΉ)
β’ Matibay na resolusyon upang hindi bumalik sa kasalanan (Ψ§ΩΨΉΨ²Ω
)
[Ω
Ψ¬Ω
ΩΨΉ Ψ§ΩΩΨͺΨ§ΩΩ Ω¦\Ω’Ω©Ω¨]
02/08/2021
Allahumma a"inni a'la dhikrika,
wa shukrika,
wa husni ibadatik
O Allah tulungan mo po ako sa pag -alaala sa yo,
at sa pag-papasalamat ko sayo,
at pagpapabuti ng pagsamaba ko sa iyo
02/08/2021
Sinabi ni Al-ImΔm ibn al-Qayyim (Nawa'y kalugdan siya ng Allah) ay nagsabi:
βAng isang lingkod ay darating sa Araw ng Paghuhukom na may mabubuting gawa na katulad ng mga bundok, subalit nakikita niya na ang kanyang dila ay sumira sa lahat ng kanyang mabubuting gawa."
Ad-DΔ'u wad-DawΔ'u | Pahina 188 | Al-ImΔm ibn al-Qayyim [nawaβy maawa sa kanya si AllΔh]
02/08/2021
Huwag mananabik nang labis para sa isang relasyon na kahit gaano pa karami ang nais ng iyong puso.
Ang kapayapaan ay hindi kailanman matatagpuan sa kung ano ang ipinagbabawal.
Matatagpuan mo lamang ito na kasiyahan sa iyong Puso sa Halal na Pamamaraan.
Click here to claim your Sponsored Listing.