Gabay sa Islam

Call Contact the school

Gabay sa Islam جمعية الدعوة و الإرشاد و توعية الجاليات بالدلم

Ang Salah (ang pagdarasal sa Islam) ay binubuo ng mga sumusunod na hakbang, simula sa paghahanda hanggang sa pagtatapos:...
12/10/2026

Ang Salah (ang pagdarasal sa Islam) ay binubuo ng mga sumusunod na hakbang, simula sa paghahanda hanggang sa pagtatapos:

1. Paghahanda (Wudu / Pagpapakadalisay)

• Bago mag-salah, kinakailangan muna magsagawa ng Wudu (paghuhugas ng mukha, mga kamay hanggang siko, pagpapahid sa ulo, at paghuhugas ng mga paa hanggang bukung-bukong).
• Siguraduhing malinis ang katawan, damit, at lugar na pagdarasalan, at humarap sa direksiyon ng Qiblah (Kaaba sa Mecca).

2. Pagsisimula ng Salah (Step-by-Step)

• Niyyah (Intensyon): Magkaroon ng taos-pusong layunin sa puso para sa partikular na salah na isasagawa (Fajr, Dhuhr, Asr, Maghrib, o Isha).
• Takbeeratul Ihram: Tumindig nang tuwid, itaas ang dalawang kamay sa tapat ng mga balikat o tainga, at bigkasin ang: “Allahu Akbar” (Ang Allah ay Dakila).
• Qiyam (Pagtayo at pagbigkas): Ilagay ang kanang kamay sa ibabaw ng kaliwang kamay sa tapat ng dibdib. Bigkasin ang Dua Al-Istiftah (pambungad na panalangin kung naisin), pagkatapos ay basahin ang Surah Al-Fatihah (ang unang kabanata ng Qur'an) na susundan ng anomang maikling surah mula sa Qur'an.
• Ruku (Pagyukod): Yumuko nang 90 degrees ang ulo at likod habang nakahawak sa mga tuhod, at banggitin ang “Subhana Rabbiyal Azeem” (Luwalhati sa aking Panginoon, ang Dakila).
• It'i-dal (Pagbalik sa pagtayo): Tumindig muli nang tuwid at sabihin ang “Sami'allahu liman hamidah” (Dinirinig ng Allah angumuri sa Kanya), kasunod ang “Rabbana wa lakal hamd” (O aming Panginoon, sa Iyo ang papuri).
• Sujud (Pagpapatirapa): Magpatirapa sa sahig kung saan nakadikit ang noo, ilong, dalawang kamay, mga tuhod, at dulo ng mga paa. Bigkasin ang “Subhana Rabbiyal A'la” (Luwalhati sa aking Panginoon, ang Kataas-taasan).
• Pag-upo sa pagitan ng dalawang Sujud: Umupo nang bahagya sa iyong kaliwang paa at bigkasin ang “Rabbigh fir li” (Panginoon, patawarin Mo ako).
• Ikalawang Sujud: Magsagawa muli ng pangalawang pagpapatirapa katulad ng nauna.

3. Pagpapatuloy at Tashahud

• Ang bawat yunit o Rak'ah ay inuulit ayon sa bilang ng salah (Fajr: 2, Dhuhr: 4, Asr: 4, Maghrib: 3, Isha: 4).
• Sa katapusan ng ikalawang rak'ah (at sa huling rak'ah ng salah), uupo para sa Tashahud (pagbigkas ng patotoo ng pananampalataya at pagdalangin para kay Propeta Muhammad - Ash-shalawatul Ibrahimiya).

4. Tasleem (Pagtatapos)

• Pagkatapos ng huling Tashahud, tapusin ang salah sa pamamagitan ng paglingon ng mukha pakanan at pagsasabing: “Assalamu alaykum wa rahmatullah” (Ang kapayapaan at awa ng Allah ay sumainyo), at pagkatapos ay lumingon sa kaliwa at sabihin din ang pareho.

Sunnah
11/10/2026

Sunnah

Yung nagagalit ka sa anak mo dahil nakasira sila ng gamit pero hindi ka nagagalit na hindi sila nagsasalah.
08/10/2026

Yung nagagalit ka sa anak mo dahil nakasira sila ng gamit pero hindi ka nagagalit na hindi sila nagsasalah.

Ang Mga Kahigtan ng Pag-uugali sa Islam:Ang Mga Katangian ng Pag-uugali na Matatagpuan Lamang sa Relihiyong Islam at ang...
06/10/2026

Ang Mga Kahigtan ng Pag-uugali sa Islam:
Ang Mga Katangian ng Pag-uugali na Matatagpuan Lamang sa Relihiyong Islam at ang ilan mga ilan dito ay:

1. Ang magandang ugali ay hindi natatangi sa isang uri ng mga tao.
Bagaman nilikha ng Allah ang mga tao sa iba’t ibang anyo, kulay at wika, sa Timbangan ng Allah, Kanyang itinakda na sila ay magkakapantay-pantay, hindi nakalalamang ang isa sa kanila mula sa iba maliban sa sukat ng kanyang Eeman, antas ng Taqwa [o takot sa Allah] at pagkamatuwid. Batay sa sinabi ng Makapangyarihan at Kataas-taasang Allah: {O sangkatauhan, kayo ay Aming nilikha mula sa lalaki at babae, at kayo ay Aming ginawang mga pamayanan at mga tribu, upang kayo ay mangagkakilala. Katotohanan, ang pinakamarangal sa inyo sa [paningin ng] Allah ay ang may [taglay na] takot [sa Kanya].} Al-Hujurat (49): 13

At ang magandang ugali ang nagbibigay ng kaibahan sa pakikipag-ugnayan ng isang Muslim sa lahat ng tao, walang pagkaiba sa pagitan ng isang mayaman sa isang mahirap, ng mataas sa mababa, gayundin ng itim sa puti, at ng isang arabo sa isang banyaga (hindi arabo).

>>Ang Ugali [na Dapat Ilarawan] sa mga Hindi Muslim:
Ipinag-uutos sa atin ng Allah – [ang Ganap na Makapangyarihan at Tigib ng Karunungan], na magpakita ng kahusayan sa ugali sa lahat, sapagka’t ang pagiging makatarungan, pagiging mabait at pagkamahabagin ay paglalarawan ng isang tunay na Muslim na siyang nagbibigay halimbawa sa kanyang pag-uugali at pananalita sa kapwaMuslim at hindi Muslim. At ang magandang pag-uugaling ito ang siyang magiging daan upang mahikayat ang mga hindi Muslim [na yakapin at kilalanin] ang dakilang pananampalataya [o relihiyong] ito.

Ang Kataas-taasang Allah ay nagsabi: {Hindi kayo pinagbabawalan ng Allah na makipag-ugnayan nang mahinusay at makatarungan sa kanila – sila na hindi nakikipaglaban [o umuusig] sa inyo nang dahil sa inyong relihiyon at hindi nagtataboy sa inyo mula sa inyong mga tahanan. Katotohanang minamahal ng Allah ang mga mapaggawa ng katarungan}. Al-Mumtahanah (60): 8

Ang ipinagbawal lamang ng Allah sa atin ay ang maging tagapagtanggol [o ang makipag-ugnayan] sa mga hindi Muslim [laban sa kapwa-Muslim] at ang pagmamahal sa anumang kanila ginagawang Kufr (pagtakwil sa pananampalataya) at Shirk (pagtatambal sa Kaisahan ng Allah). Batay sa sinabi ng Kataas-taasang Allah: {Ang ipinagbabawal lamang sa inyo ng Allah ay yaong mga nakipaglaban [umusig o tumuligsa] sa inyo nang dahil sa inyong relihiyon at nagtaboy sa inyo mula sa inyong mga pamamahay at yaong mga nakipagtulungan sa iba upang kayo ay maitaboy - [ipinagbabawal] na kayo ay makipagkaibigan sa kanila. At sinumang [kabilang sa inyo] ang nakikipagkaibigan sa kanila, sila yaong mga mapaggawa ng kamalian}. Al-Mumtahanah (60): 9

2. Ang Kagandahang-asal [at Pag-uugali] ay Hindi Natatangi sa Tao.

• Ang Kagandahang-asal sa Mga Hayop:
Samakatwid, ipinababatid sa atin ng Sugo ng Allah ﷺ ang isang kasaysayan tungkol sa isang babae na nakapasok sa Apoy ng Impiyerno nang dahil sa kanyang pagkulong sa isang pusa at ito ay namatay sa gutom, sa kabilang dako, ipinababatid sa atin ang tungkol sa isang lalaki na ang kanyang mga kasalanan ay pinatawad sa kanya ng Allah nang dahil sa kanyang pagpapainom sa isang aso na dumanas ng labis na pagka-uhaw. Gayundin, siya ﷺ ay nagsabi: “Nakapasok ang isang babae sa Apoy ng Impiyerno nang dahil sa isang pusa na kanyang tinalian at hindi pinakain at hindi niya hinayaan makawala [upang] manginain mula sa mga kulisap [o mga halaman] ng lupa”. (Al-Bukhari: 3140 – Muslim: 2619).

hindi niya hinayaan makawala [upang] manginain mula sa mga kulisap [o mga halaman] ng lupa”. (Al-Bukhari: 3140 – Muslim: 2619). At sinabi niya – [sumakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan]: “Habang ang isang lalaki ay naglalakad sa isang daan, siya ay nakaranas nang matinding pagkauhaw, at siya ay nakatagpo ng isang balon. Siya ay bumaba rito at uminom, pagkatapos, siya ay muling umahon at lumabas at kanyang namataan ang isang aso na humihingal habang kinakain ang buhangin sa lupa nang dahil sa tinding uhaw nito, at ang lalaki ay nagsabi: Katotohanang inabot ng matinding uhaw ang asong ito tulad ng inabot kong pagka-uhaw, kaya siya ay muling bumaba sa balon at kanyang pinuno ng tubig ang kanyang sapatos, pagkatapos ay dinala niya ito [kinagat ang gilid ng sapatos na may tubig at itinaas] sa pamamagitan ng kanyang bibig hanggang siya ay makaahong paakyat at pinainom ang aso. Dahil dito, kinalugdan [at kinilala] ng Allah [ang kanyang ginawang kabutihan] kaya naman [bilang gantimpala], siya ay pinatawad ng Allah. Sila [mga nakikinig na kasamahan ng Sugo] ay nagsabi: O Sugo ng Allah! Tunay bang mayroon kaming tiyak na gantimpala sa [pakikitungo namin sa] mga hayop? Siya ay nagsabi: “Sa bawa’t buhay [na hayop na inyong tinutulungan] may nakalaang katumbas na gantimpala [para rito]”. (Al-Bukhari: 5663 – Muslim: 2244)

• Ang Kagandahang-asal [at Pag-uugali] Upang Mapangalagaan ang Kapaligiran:
Kaya ipinag-uutos sa atin ng Islam na pagyamanin ang paglinang [o pagsulong] sa lupa - ang ibig sabihin ay ang paggawa nito, pagpapaunlad nito, pagyabong at pagbuo rito ng isang makabuluhang kabihasnan kalakip ng pangangalaga nito upang mapanatili ang pagpapalang ito at ang pagbabawal sa pagsira nito at pagmamalabis sa mga [likas-yamang] mapagkukunan mula rito, maging ito man ay paninira na magdudulot ng kasamaan sa tao, sa hayop o sa mga pananim, sapagka’t ito ang gawain na itinatakwil at kinamumuhian ng Islam,
samakatwid ang Allah – [Tigib ng Kaluwalhatian] ay hindi kinalulugdan [o hindi minamahal] ang mga katiwalian sa lahat ng mga aspeto ng buhay. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang Allah: {Datapuwa’t ang Allah ay hindi nagmamahal sa [lahat ng uri ng] katiwalian}. Al-Baqarah (2): 205
At umaabot ang pagpapahalaga na ito hanggang sa sandaling nagawang ipayo ng Propeta ﷺ sa mga Muslim ang paggawa ng kabutihan – [halimbawa ay] ang pagtanim ng halaman sa lupa maging sa mga pinakamahirap na kalagayan at sa mga sandali ng labis na pagkabahala, kaya siya ay nagsabi: “Kapag dumating na ang Oras at nasa inyo pang kamay ang isang Fasilah (sanga ng punong-kahoy na pinutol), magkagayon kung magagawa pa ninyong huwag tumindig hanggang sa inyong maitanim [ang sangang] ito, ito ay nararapat ninyong gawin”. (Ahmad: 12981).

3. Ang Kagandahang-asal [at Magandang Pag-uugali] sa Lahat ng Aspeto ng Buhay:
>Ang Pamilya:
Binibigyang-diin ng Islam ang kahalagahan ng ugali sa larangan ng pagtataguyod [at pakikitungo] sa pamilya sa bawa’t miyembro nito, kaya siya ﷺ ay nagsabi: “Ang pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa inyo sa [pakikitungo sa] kanyang pamilya, at ako ang pinakamabuti sa inyo sa [pakikitungo sa] aking pamilya”. (At-Tirmidi: 3895)

• At siya ﷺ ang pinakamainam sa lahat ng tao na nagtataguyod ng mga gawaingbahay at tumutulong sa kanyang pamilya sa bawa’t maliit at malaking gawain. Batay sa isinalaysay ng kanyang asawa na si Aishah – [sumakanya nawa ang lugod ng Allah], siya ay nagsabi: “Siya [ang Sugo ng Allah] ay lagi nang nasa gawain [ng pagaasikaso] sa kanyang pamilya”. (Al-Bukhari: 5048) Ibig sabihin siya ay tumutulong sa kanyang pamilya at kanyang itinataguyod ang anumang kanilang itinataguyod na mga gawaing-bahay.

• At siya ay nakikipagbiruan at nakikipaglaro sa kanyang pamilya. Minsan ay nagsalaysay ang kanyang asawang si Aishah – [sumakanya nawa ang lugod ng Allah], siya ay nagsabi: “Lumabas ako kasama ng Propeta ﷺ sa ilan niyang paglalakbay at ako ay isa pang dalagita noon na wala pang laman [o payat] at hindi mataba, at siya ay nagsabi sa mga tao: Magsilapit kayo, kaya sila ay nagsilapit. Pagkatapos ay nagsabi sa akin: Halika at magpaligsahan tayo, kaya nakipagpaligsahan ako sa kanya at siya ay aking natalo, at siya ay nagsawalang-kibo sa akin hanggang nang ako ay magkaroon ng laman at tumaba, at nakalimutan ko na, ako ay lumabas kasama niya sa ilan niyang paglalakbay, siya ay nagsabi sa mga tao: magsilapit kayo, kaya sila ay nagsilapit. Pagkatapos, siya ay nagsabi [sa akin]: Halika at magpaligsahan tayo, kaya nakipagpaligsahan ako sa kanya, at natalo niya ako, kaya siya ay natawa habang sinasabi niya: Ito ay katumbas niyaon”. (Ahmad: 26277)
>Ang Kalakalan:
At maaaring ang pagkahumaling sa kayamanan ay mag-uumapaw sa tao, kaya siya ay maaaring lumagpas sa hangganan [ng katarungan] at siya ay masadlak sa ipinagbabawal, kaya dumating ang Islam upang bigyang-diin ang kahalagahan ng pagpigil dito sa pamamagitan ng magandang ugali, at ang ilan sa mga pagbibigay-diin na ito ay:

• Ipinagbabawal ng Islam ang pagmamalabis at pandaraya sa mga timbangan at binabalaan ang sinumang gumawa nito ng napakatinding kaparusahan. Batay sa sinabi ng Tigib sa Pagpapala at Kataastaasan: {Kasawian sa mga mandaraya, sila, na kapag tumatanggap ng sukat sa mga tao, ay kanilang hinihingi ang tamang sukat, datapuwa’t kapag sila naman ang nagbibigay ng sukat o timbang sa kanila, sila ay hindi nagbibigay ng kaukulang timbang}. Surah Al-Mutaffifin (83): 1-3

• Hinihimok nito ang pagpaparaya at pagiging mahinahon sa pagbibili at pamimili. Batay sa sinabi niya ﷺ : “Kinahabagan ng Allah ang isang lalaki na mahaba ang pagpapaumanhin kapag nagbibili at kapag namimili at kapag nagbayad”. (Al-Bukhari: 1970)

>Ang Pagsisikap-Pangkabuhayan [o Industriya]:
Binibigyang-diin ng Islam sa mga manggagawa ang ilang mga ugali at pamantayan. Ang ilan dito ay:

• Ang kahusayan sa gawain at ang mailabas [maihango] ito sa pinakamagandang anyo. Batay sa sinabi niya ﷺ : “Katotohanang kinalulugdan ng Allah na kapag ang isa sa inyo ay gumawa, ito ay kanyang pinaghuhusay”. (Abu Ya`la: 4386 – Al-Bayhaqi fi Shu`abil Iman: 5313)

• Ang pagiging maagap [sa pagpapatupad] ng mga kasunduan na pinagtibay sa mga tao. Siya ﷺ ay nagsabi: “Ang palatandaan ng isang Munafiq (mapagkunwari) ay tatlo” at nabanggit niya rito: “At kapag siya ay nangako, siya ay hindi tumutupad”. (AlBukhari: 33)

4. Ang Magandang Ugali sa Lahat ng Mga Kalagayan:
Kaya walang kinaliligtaan [o nilalaktawang] anupaman ang Islam tungkol sa [kahalgahan ng] pag-uugali, at ang isang Muslim ay pinag-uutusang magpatupad [at tumupad] sa Batas ng Allah at magpairal ng magandang ugali maging sa mga panahon ng digmaan at sa mahirap na kalagayan, samakatuwid ang kadakilaan ng layunin at mithiin nito ay hindi nagbibigay ng kapahintulutan na gumamit ng karahasan at masamang pamamaraan [upang maisakatuparan ang magandang layunin] at hindi nito pinagtatakpan ang anumang pagkakamali nito.
At dahil dito ang Islam ay naglagay ng mga malilinaw na tuntunin na siyang batayan sa paghatol ng isang Muslim at sa pagsasaayos ng kanyang mga kilos maging sa sandali ng pakikipag-away at pakikipagdigma, upang ang bagay na iyon ay hindi maging sanhi upang lunurin ang sarili sa pagbibigay kasiyahan sa pagnanasa ng p**t [o galit], ng kalupitan, at ng pagkamakasarili.

> Nakikitungo ang isang Muslim sa pamamagitan ng pagpapakita ng magandang ugali sa lahat ng mga tao sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga lahi at mga pananampalataya [relihiyon].

>>Ang Ilang Pag-uugali ng Islam sa [Panahon ng] Digmaan:
1- Ang pag-uutos na maging makatarungan at maging makatuwiran sa mga kaaway, at ang pagbabawal sa mga gawaing paniniil at pag-aabuso sa kanila:
Batay sa sinabi ng Kataas-taasang Allah: {At huwag hayaan na ang inyong p**t sa ibang tao ay maghatid sa inyo upang kayo ay maging di-makatarungan. Maging makatarungan kayo; ito ang pinakamalapit sa kabanalan}. Al-Maidah (5): 8 Ibig sabihin ay huwag kayong magpadala sa inyong p**t o galit sa inyong mga kaaway upang kayo ay masadlak sa pagmamalabis at gawaing di-makatarungan, bagkus panatiliin ninyo ang pagiging makatarungan sa inyong mga salita at mga gawa.

2- Ang Pagbabawal sa Kataksilan at Pagtataksil sa Mga Kaaway:
Samakatwid, ang kataksilan at pagtataksil ay ipinagbabawal maging sa mga kaaway. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {Katotohanang ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga taksil}. Al-Anfal (8): 58

3- Ang Pagbabawal sa Labis na Pagpapahirap at ang Pagputul-putol sa katawan ng bangkay:
Magkagayon, ipinagbabawal sa [relihiyon ng Islam] ang pagputul-putulin ang katawan ng mga patay. Batay sa sinabi niya ﷺ : “At huwag ninyong pagputul-putulin [ang katawan ng patay]”. (Muslim: 1731)

4- Ang Pagbabawal sa Pagpatay sa Mga Karaniwang Mamamayan na Hindi Sangkot sa Mga Digmaan, at sa Pagpapalaganap ng Kasamaan sa Kalupaan at Kapaligiran.
At ito si Abu Bakr As-Siddiq – [sumakanya nawa ang lugod ng Allah], siya ang kinilalang Khalifah (tagahalili ng Propeta) para sa mga Muslim, at siya ang pinakamabuti [pinakamarangal] sa mga Sahabah (kasamahan ng Propeta), na naghabilin kay Usamah ibn Zayd nang siya ay suguin nito bilang pinuno ng mga sundalong patungo ng Sham: “..Huwag kayong pumatay ng paslit [na batang lalaki], ni matandang lalaki, ni babae, gayundin ay huwag kayong mambuwal ng puno ng datiles [o palmera] at manunog nito, at huwag kayong pumutol ng isang kahoy na namumunga, at huwag kayong magkatay ng tupa, ni baka o kamelyo maliban para sa inyong pagkain, at maaaring sa inyong [paglalakbay ay] inyong maraanan ang isang lipon ng tao na taimtim sa kanilang sarili sa silid-dasalan ng hermitanyo, magkagayon, sila ay inyong hayaan at ang anumang kanilang pinagkakaabalahan sa kanilang mga sarili”. (Ibn Asakir: 50/2)

📚 Gabay para sa Bagong Muslim

“Walang anumang halaga ng pagsisisi ang makapagbabago sa nakaraan, at walang anumang dami ng pag-aalala ang makapagbabag...
05/10/2026

“Walang anumang halaga ng pagsisisi ang makapagbabago sa nakaraan, at walang anumang dami ng pag-aalala ang makapagbabago sa hinaharap.”

“No amount of guilt can change the past and no amount of worrying can change the future.”

Umar ibn Al-Khattab (رضي الله عنه)

Muhammad (ﷺ) at basahin ang Surah Al-kahf.
01/10/2026

Muhammad (ﷺ) at basahin ang Surah Al-kahf.

Sunnah ang magayuno bukas ng Huwebes huwag palampasin ang reward nito mula sa Allah,Ang Saum (Fasting) ay magiging taga ...
30/09/2026

Sunnah ang magayuno bukas ng Huwebes huwag palampasin ang reward nito mula sa Allah,
Ang Saum (Fasting) ay magiging taga pamagitan mo sa kabilang buhay.

Ang panunumbat sa bagay na ibinigay o itinulong mo sa iba ay nakakasira ng gantimpala tulad ng gawain na pakitang tao na...
29/09/2026

Ang panunumbat sa bagay na ibinigay o itinulong mo sa iba ay nakakasira ng gantimpala tulad ng gawain na pakitang tao na walang gantimpala makukuha sa Allah.

Huwag sirain ang reward ng mabuting gawain dahil lang sa panunumbat.

Address

Dilam

Telephone

+966555104712

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gabay sa Islam posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Gabay sa Islam:

Shortcuts

Share