26/06/2026
π Maligayang Kaarawan, Sir Reymark M. Mapa! ππ
Sa ngalan ng buong Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng Collat Integrated School, taos-puso po naming binabati ang aming masipag, mabuting, at inspiradong tagapayo, Sir Reymark M. Mapa, ng isang Maligayang Kaarawan!
Maraming salamat po sa inyong walang sawang paggabay, suporta, at dedikasyon sa aming samahan. Dahil sa inyong pamumuno at malasakit, patuloy kaming nahuhubog bilang mga responsableng lider at mabubuting mag-aaral. Kayo po ang aming inspirasyon upang maglingkod nang may integridad, pagmamahal, at malasakit sa kapwa.
Dalangin namin na patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at mas marami pang biyaya. Nawa'y matupad ang lahat ng inyong mga pangarap at hangarin sa buhay at sa inyong marangal na propesyon.
Muli, Maligayang Kaarawan, Sir Reymark! π
Maraming salamat po sa inyong dedikasyon at pagmamahal sa mga mag-aaral.
-Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Officersβ€