16/03/2026
Buong pagmamalaking ipinagdiriwang ng Candelaria School of Fisheries ang National Women’s Month 2026 na may temang “Lead Like the Babaylans, Filipinas.”
Ang programang ito ay pinangunahan ng Barkada Kontra Droga Officers, na patuloy na nagsusulong ng positibong pamumuno, pagkakaisa, at pagpapahalaga sa kakayahan ng kababaihan sa loob ng paaralan at komunidad.
Tulad ng mga Babaylan noong sinaunang panahon na nagsilbing lider at gabay ng kanilang pamayanan, hinihikayat ang bawat Filipina na ipakita ang kanilang lakas, talino, at kakayahang mamuno para sa mas maliwanag at makatarungang kinabukasan.
Sa pagdiriwang na ito, kinikilala at ipinagdiriwang natin ang mahalagang papel ng kababaihan sa paghubog ng ating lipunan.
💜 Mabuhay ang kababaihang Pilipino!
💜 Lead Like the Babaylans, Filipinas!
📸:Miguel Andrei Atrero ,Iverzon Marquez
✍️ :Chezka Nicole Pabulayan