29/03/2026
๐๐๐๐๐๐, CNHS-SSF!
Matapos ang panibagong taon ng dedikasyon, pagtitiyaga, at sama-samang pagkilos, muling ipinagmamalaki ng ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ญ๐ซ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ang pagkilala bilang Outstanding Organization sa ginanap na Ika-75 na Gabi ng Pagkilala ng CNHS noong ika-25 ng Marso 2026. Ang karangalang ito ay hindi lamang patunay ng aming mga nagawa, kundi salamin ng puso at adhikain ng bawat kasapi na patuloy na naglilingkod at nagsusulong ng kahusayan.
Sa bawat proyektong naisakatuparan at hamong napagtagumpayan, pinatunayan naming ang lakas ng isang organisasyon ay nagmumula sa pagkakaisa, sipag, at pagmamahal sa layunin. Hindi naging madali ang lahat, ngunit sa tulong ng isaโt isa at gabay ng maykapal, patuloy kaming umangat at nagbigay-inspirasyon.
Ang tagumpay na ito ay alay sa bawat miyembro, sa mga alaalang nabuo, at sa bawat hakbang na aming tinahak bilang isang pamilya. Patunay lamang na kapag puso ang pinairal, walang imposible. ๐โจ