09/04/2026
Ngayong ika-9 ng Abril, makiisa sa paggunita sa ika-84 na anibersaryo ng Araw ng Kagitingan. Sa temang "Giting ng Bayani, Pamana sa Salinlahi," ating binibigyang-pugay ang alab ng puso ng bawat Pilipinong hindi sumuko sa gitna ng digmaan.
Hindi nagtatapos sa mga pahina ng kasaysayan ang kabayanihan. Ngayong Araw ng Kagitingan, ating sariwain ang katapangan ng mga beteranong nagbuwis ng buhay para sa ating kasarinlan. Ang kanilang sakripisyo ay isang hamon sa bagong henerasyon na maging matapang sa harap ng kawalan ng katarungan at maging tapat sa panunungkulan sa bayan.
Pagpupugay sa mga bayani noon at ngayon!
_____
Graphics by Limuel Amihan | Amaranth