03/11/2025
Upang masig**o ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, ayon na rin sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), KANSELADO NA PO ANG PASOK BUKAS (November 04, 2025) mula Elementary hanggang Senior High School sa LAHAT NG PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN sa lalawigan.
Para po sa mga Kolehiyo at Empleyado ng Pamahalaan, intayin po natin ang 8:00PM weather forecast para sa aking anunsyo.
INGAT PO MGA KABABAYAN!
03/11/2025
Nakataas na sa Signal No. 1 ang ilang bayan sa lalawigan ng Oriental Mindoro. Ito ay ayon sa inilabas na Weather Bulletin ng PAGASA as of 11:00 A.M., ika-03 ng Nobyembre 2025.
10/07/2023
Graduation 2023
SAES Teàching force
17/11/2022
ANG NOBYEMBRE AY PAMBANSANG BUWAN NG PAGBASA! 📖
Sa selebrasyon ng Pambansang Buwan ng Pagbasa, ating ipakita ang pagmamahal sa panitikan at pagbabasa!
Sa pangunguna ng Kagawaran ng Edukasyon, nilalayon ng selebrasyon na mas paghusayin pa ang kasanayan sa pagbasa ng mga Pilipinong mag-aaral upang mas mapabuti pa ang kanilang pagkatuto.
Bilang tugon sa layuning ito, maaaring lumahok ang mga mag-aaral sa iba't ibang reading and writing activities na inihanda ng mga rehiyon na siyang ipatutupad sa mga paaralan.
05/10/2022
Pagpupugay sa mga dakilang g**o!
Not all heroes wear capes. In fact, they're found inside our classrooms- shaping us to make a difference.
Happy World Teacher's Day!
Salamat po, Titser! ♥️
22/08/2022
Balik Eskwela na sa San Antonio Elementary School!
Welcome back to face-to-face classes kids♥️
DepEd Tayo Oriental Mindoro
27/07/2022
ANNOUNCEMENT
Halina at makiisa sa OPLAN BALIK- ESKWELA para sa SY 2022-2023!
July 25, 2022 (Lunes), ang opisyal na simula ng pagpapalista ng mga mag-aaral para sa susunod na taong panuruan. Ito ay tatagal hanggang August 22, 2022.
Kaya inaanyayahan po namin ang aming mga mahal na magulang/tagapag-alaga na ipatala na ang kani-kanilang mga anak.
Pinaaalalahanan din po namin ang mga pupunta sa paaralan na panatilihin pa din po natin ang pagsunod sa safety health protocols:
*pagsusuot ng face mask
*social distancing
*mag-alcohol/hand sanitizer
*magdala ng sariling ballpen
Inaasahan po namin ang inyong pakikiisa sa gawaing ito.
Nawa ay manatili pong ligtas ang lahat🙏🏻
25/07/2022
May we all have peace of mind and strength as we face each day this new week brings. Happy Monday, Ka-DepEd! 🙏
24/07/2022
MARK YOUR CALENDARS!
Narito na ang mga mahahalagang petsa na dapat tandaan para sa SY 2022-2023 na magsisimula ngayong Agosto 22, 2022 at magtatapos sa Hulyo 7, 2023.
Ang nasabing SY ay binubuo ng 203 school days.
Para sa iba pang detalye kaugnay ang opisyal na school calendar ngayong SY 2022-2023, basahin ang DepEd Order No. 34, s. 2022: https://bit.ly/DO34S2022
13/05/2022
EXPANDED FACE-TO-FACE CLASSES SISIMULAN NA SA SAN ANTONIO ELEMENTARY SCHOOL
VICTORIA - Matapos dumaan sa iba't ibang masusing evaluation at validation process gamit ang School Safety Assessment Tool (SSAT), inaprubahan na ni Dr. Nicolas T. Capulong, DepEd MIMAROPA Regional Director, ang muling pagbubukas ng klase sa San Antonio Elementary School sa Mayo 16, 2022, Lunes.
Magiging katuwang ng paaralan ang LGU, stakeholders, Barangay Health Response Team (BHERT), Barangay Health Workers (BHW), Barangay Tanod at Barangay Officials upang tiyaking ligtas at maayos ang pagbubukas ng klase.
Tinatayang nasa 240 mag-aaral ang pinayagan ng mga magulang sa muling pagbabalik sa paaralan.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na ito na makipag-ugnayan sa kanilang class advisers para sa ginagawang paghahanda sa kanilang muling pagpasok.
Kitakits kids sa Lunes! (Mayo 16, 2022)