03/10/2025
Happy Teacherβs Day, Bb. Ching! π₯³
Sa araw na ito, taos-puso po naming pinasasalamatan ang inyong walang sawang pagturo, paggabay, at pagpayo sa aming mga mag-aaral. Lagpas pa sa wika, tinuturuan niyo pa po kami ng kagandahang asal, kahalagahan ng pagdarasal, at umuuwi kami na mayroong napulot na mabuting aral. π€
Hiling po namin na sanaβy hindi ka magsawa sa pagiging isang mabuting g**o, sa pagiging huwaran at inspirasyon naming mga kabataan. Panalangin po namin nawaβy mas pagpalain ka pa ng Poong Maykapal, bigyan ng mahabang buhay at mabuting kalusugan, at matupad ang inyong mga pangarap para sa sarili, mga minamahal sa buhay, at sa bayan, sa malapit na kinabukasan. π
Hindi po sa araw na ito nagtatapos ang aming pasasalamat sa inyo, ngunit nagpapatuloy sa bawat araw na kayoβy nagtuturo at kamiβy natututo. π
Muli, Happy Teacherβs Day po sa inyo, Bb. Ching, at sa lahat ng mga g**o! π§βπ«
29/09/2025