DepEd Dalandanan National High School - Valenzuela City

DepEd Dalandanan National High School - Valenzuela City Official page of Dalandanan National High School - SDO Valenzuela Welcome to the official page of Dalandanan National High School.

This page shares important advisories, highlights school features, and celebrates student and school achievements. It provides timely and informative updates for all stakeholders—PTCA, SSLG, teachers, industry partners, LGU, and the school administration. For inquiries or collaborations, please refer to the contact details provided.

🚨 DAIG NG MAAGAP ANG MASIKAP! 🛡️Sa pangunguna ni Dr. Cesar Villareal, patuloy na inuuna ng Dalandanan National High Scho...
24/08/2026

🚨 DAIG NG MAAGAP ANG MASIKAP! 🛡️

Sa pangunguna ni Dr. Cesar Villareal, patuloy na inuuna ng Dalandanan National High School (DNHS) ang kaligtasan at seguridad ng bawat mag-aaral at kawani.

Isinagawa ang isang urgent meeting ng DNHS SDRRM Team kasama ang PNP Valenzuela Sub-Station 6, Head of Security, at PB Marvin M. Marcelo upang paghandaan ang isasagawang Active Shooting Incident Drill.

Ang paghahanda ay hindi tanda ng pangamba...ito ay tanda ng pagiging responsable, maagap, at handang tumugon sa anumang sitwasyon.

Manatili po tayong alerto sa lahat ng oras. Patuloy tayong magmasid, matuto, at makiisa sa mga programa para sa kaligtasan.

Dahil sa panahon ng panganib, ang kaalaman at kahandaan ay maaaring makapagligtas ng buhay.

📢 MAGMASID. MAG-ARAL. MAGING HANDA.

Dahil laging…

“LAMANG ANG MAY ALAM!” 💙🛡️

23/08/2026
21/08/2026

May pinagdaraanan o concern tungkol sa kaligtasan? Hindi mo kailangang harapin ito nang mag-isa.

Sa Learners TeleSafe Contact Center Helpline, mas madaling makahingi ng tulong ang mga mag-aaral at magulang. Pinalalakas din ng DepEd ang counseling, tamang referral, at propesyonal na tulong, katuwang ang National Center for Mental Health.

May malalapitan ka. May makikinig. At may handang tumulong.

📢 MAHALAGANG ANUNSIYO | AGOSTO 20, 2026📌 Walang Face-to-Face Classes ngayong araw, Agosto 20, 2026.Sa halip, hinihikayat...
20/08/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSIYO | AGOSTO 20, 2026

📌 Walang Face-to-Face Classes ngayong araw, Agosto 20, 2026.

Sa halip, hinihikayat ang lahat ng learners na manatiling alerto at abangan ang mga panuto at learning activities na ipagkakaloob ng inyong mga g**o sa pamamagitan ng angkop na learning modality.

Ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mag-aaral ang ating pangunahing prayoridad. 💙

Manatili po tayong ligtas, maging maingat, at patuloy na matuto saanman tayo naroroon.

🙏 Stay safe, everyone!

🏫 SAFE SPACE ANG PAARALAN | DNHSSa gitna ng patuloy na pag-ulan at pagbaha sa ilang mabababang lugar, muling binuksan ng...
19/08/2026

🏫 SAFE SPACE ANG PAARALAN | DNHS

Sa gitna ng patuloy na pag-ulan at pagbaha sa ilang mabababang lugar, muling binuksan ng Dalandanan National High School (DNHS) ang ating paaralan bilang evacuation center para sa mga pamilyang nangangailangan ng ligtas na masisilungan.

Higit pa sa pagiging evacuation center, naghanda rin ang DNHS ng isang Safe Space para sa mga kabataan...isang lugar kung saan maaari silang magbasa, matuto, maglibang, at makapaglaan ng makabuluhang oras habang nananatiling ligtas sa panahon ng tag-ulan. 📚💙

Taos-puso ang aming pasasalamat sa LGU, PNP Valenzuela, CSWD, at Barangay Dalandanan sa kanilang agarang pagtugon at patuloy na suporta sa pangangailangan ng ating mga evacuees.

Lubos din naming pinasasalamatan ang pagbisita ni Assistant Regional Director ng DepEd NCR Dr. Rita Riddle, CESO V, na personal na tumingin sa kalagayan ng ating paaralan at mga evacuees.

Maraming salamat din sa aming SDS, Mr. Noel D. Noel Bagano , kasama si Sir Eilas, sa patuloy na pagmo-monitor at pagtitiyak na maayos ang kalagayan ng DNHS.

Saludo rin kami kay Kapitan Marvin Marcelo at sa mga Kagawad ng Barangay Dalandanan sa kanilang pagbisita at pagtiyak sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga evacuees.

Hindi rin nagpahuli ang ating mga kabataan sa pangunguna ni SK Chairperson Brianna Ivy De Guzman, kasama ang Dalandanan Rescue Volunteers, na buong pusong naglilingkod at tumutulong sa ating komunidad. 🤝

Sa panahong may pagsubok, pinatutunayan natin na ang paaralan ay hindi lamang lugar ng pagkatuto...ito rin ay tahanan ng malasakit, pagkakaisa, at pag-asa.

🙏 Hinihikayat ang lahat ng evacuees na panatilihin ang kalinisan, kaayusan, at disiplina sa loob ng paaralan upang manatiling ligtas at maayos ang ating temporaryong tahanan.

DNHS: Safe Space. Safe Haven. A School That Cares. 💙🏫







📢 MAHALAGANG ANUNSIYOSUSPENSION OF CLASSES IN ALL MODALITIES — “HINTO”Dulot ng hindi magandang lagay ng panahon na nagre...
19/08/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSIYO

SUSPENSION OF CLASSES IN ALL MODALITIES — “HINTO”

Dulot ng hindi magandang lagay ng panahon na nagresulta na sa pagbaha sa ilang mabababang lugar, ilalagay na po sa “HINTO” ang lahat ng klase at gawain sa anumang modalities.

Ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad. Manatili po tayong alerto, maingat, at ligtas.

Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso at makipag-ugnayan sa kinauukulan kung kinakailangan.

🙏 Kaligtasan muna bago ang lahat. Mag-ingat po tayong lahat!

PUBLIC STATEMENTMagalang na ipinababatid sa lahat na ginagawa ng pamunuan ng Dalandanan National High School ang lahat n...
17/08/2026

PUBLIC STATEMENT

Magalang na ipinababatid sa lahat na ginagawa ng pamunuan ng Dalandanan National High School ang lahat ng nararapat na hakbang upang makumpirma ang pinagmulan at mapatunayan ang nilalaman ng isang Facebook post na umano’y naglalaman ng pagbabanta.

Ngayong araw, personal nang nagtungo ang Guidance Coordinator at ang ilan sa pamuan ng SPTA ng DNHS sa PNP Valenzuela at sa NBI upang pormal na idulog at maipaabot sa mga kinauukulan ang nasabing insidente para sa kaukulang imbestigasyon at aksyon.

Mariing kinokondena ng paaralan ang anumang uri ng bullying, pananakot, pagbabanta, o anumang gawaing maaaring maglagay sa panganib sa ating mga mag-aaral, g**o, at kawani. Ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mag-aaral ay nananatiling pangunahing prayoridad ng paaralan.

Hinihikayat ang lahat na manatiling mapagmatyag at responsable sa paggamit ng social media. Kung may nalalaman kayong impormasyon tungkol sa nasabing insidente o anumang katulad na pangyayari, mangyaring ipagbigay-alam agad sa pamunuan ng paaralan upang ito ay maaksiyunan nang maayos at naaayon sa batas.

Magtulungan po tayo para sa isang ligtas, mapayapa, at bullying-free na Dalandanan National High School.

Manatili po tayong ligtas at mapagmatyag. Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikipagtulungan.

🇵🇭 Makibahagi sa Pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Wika 2026! 🇵🇭Ang DNHS Kagawaran ng Filipino ay buong pusong nakikiis...
01/08/2026

🇵🇭 Makibahagi sa Pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Wika 2026! 🇵🇭

Ang DNHS Kagawaran ng Filipino ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Wika 2026 na may temang:

"Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."

Sa makabagong panahon, patuloy na pinagtitibay ng ating wikang pambansa ang ugnayan ng kaalaman, teknolohiya, at kultura. Ang Wikang Filipino ay hindi lamang daluyan ng ating pagkakakilanlan, kundi isa ring makapangyarihang kasangkapan sa pananaliksik, pagkatuto, at responsableng paggamit ng Artificial Intelligence.

📚 Inaanyayahan at hinihikayat ang lahat ng mag-aaral na aktibong makilahok sa iba't ibang patimpalak at gawaing inihanda ng Kagawaran ng Filipino. Ipakita ang inyong husay, pagkamalikhain, at pagmamahal sa ating sariling wika.

Makiisa. Makilahok. Magpamalas ng galing.
Sama-sama nating ipagdiwang ang Wikang Filipino...ang tulay ng kaalaman, pagkakaisa, at kinabukasan!




Maraming salamat po FUMC Careers!Dalandanan National High School extends its heartfelt gratitude to the Nursing Service ...
29/07/2026

Maraming salamat po FUMC Careers!

Dalandanan National High School extends its heartfelt gratitude to the Nursing Service Office of Fatima University Medical Center Valenzuela and the dedicated Family Medicine Doctors for the successful conduct of the Medical Mission held on July 17, 2026, in celebration of our 30th Foundation Anniversary.

Your generosity, compassion, and unwavering commitment to public service made it possible for our students, teaching personnel, and non-teaching staff to receive quality healthcare and medical consultation. This meaningful initiative not only promoted wellness within our school community but also reflected the true spirit of collaboration and social responsibility.

Your invaluable partnership has made our Foundation Anniversary more meaningful and impactful. Dalandanan National High School sincerely appreciates your dedication to improving lives through service. We look forward to strengthening this partnership in our future endeavors.

Maraming salamat po sa inyong malasakit at patuloy na paglilingkod para sa isang mas malusog at mas matatag na pamayanan.

Address

25 G. Lazaro Street , Dalandanan
Valenzuela
1443

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Dalandanan National High School - Valenzuela City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share