08/04/2024
Canumay West Elementary School
The guiding principle of Canumay West Elementary School ,
C commitment
W work with
E excellence and
08/04/2024
Para sa Kaalaman ng Lahat ng mga Magulang, Mag-aaral at ng Buong Komunidad na Sumasakop sa Paaralang Elementarya ng Canumay West para sa taong panuruan 2020-2021
Ang CANUMAY WEST ELEMENTARY SCHOOL, sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa Kagawaran ng Edukasyon at sa tulong ng ating barangay at pamahalaang lokal, ay walang tigil sa paghahanap ng
mga kaparaanan at sa pagsasagawa ng mga bagay na kinakailangan upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng serbisyong pampaaralan. Katulad ninyo pong mga magulang, ang unang isinasaalang-alang ng ating paaralan ay ang kaligtasan at kalusugan ng lahat ng ating mga anak. Ang layunin po natin ay maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga bata at huwag maputol ang daloy ng edukasyon para sa kapakinabangan at kapakanan ng bawat mag-aaral.
1. Alinsunod sa itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon, ang pagbubukas po ng klase ay sa darating na Agosto 24, 2020. HINDI po ito nangangahulugan na papasok sa paaralan ang mga mag-aaral.
2. Tayo po ay gagamit ng tinatawag na "distance learning modality". Sa pamamaraang ito ng pag-aaral hindi po natin ire-require na pumasok sa ating paaralan ang ating mga mag-aaral. Mananatili po sila sa loob ng tahanan habang nag-aaral.
Sa pamamagitan po ng mga ipamamahaging learning packets, modules, activity sheets o gagamiting video sa bawat kabahayan ay sisikapin po ng ating mga g**o na maituro sa mga bata ang lahat ng mga kaalaman at kakayahang nakabatay sa Most Essential Learning Competencies (MELC). Ang MELC po ay listahan ng mga kaalamang dapat matutuhan at makamit ng mga mag-aaral na nakabatay sa antas o baitang ng kanilang pag-aaral.
3. Sa ngayon, dahil po sa COVID Pandemic, ay hindi po nakasama sa ating programa sa pag-aaral ang "face to face (F2F) learning modality" kaya't inuulit po natin mananatili po ang mga bata na nag aaral sa loob ng kani-kanilang tahanan.
4. Maaring gumamit po ang mga g**o ng tinatawag na virtual or online learning sa pamamagitan ng facebook, video chats o messenger, upang makipag ugnayan sa mga batang may access sa internet.
5. Sa mga wala pong internet access o mobile data ngunit may magagamit na cellphones o anumang gadget ay maaring makipag-ugnayan sa mga g**o pamamagitan ng mga mensahe sa text o pagtawag sa telepono o cellphones.
6. Sakali naman po na walang cellphone o gadget na magagamit, sisikapin po ng ating mga g**o na gumawa ng paraan upang mabigyang daan ang pakikipag-ugnayan sa kani-kanilang mga mag-aaral katulad ng pagbisita sa tirahan ng mga bata kung kinakailangan at pahihintulutan ng kasalukuyang kondisyon sa ilalim ng pagsunod sa mga health standards at COVID protocols.
7. Hintayin lamang po ang pakikipag uganayan sa inyo ng ating mga g**o na magsisimula sa LUNES, HUNYO 1, 2020 upang masimulan ang enrolment o pagpapatala sa mga nais pumasok sa ating paaralan. May form pong ipagagamit sa bawat nais mag-enroll. Maaari pong sagutin ng mga g**o ang inyong mga katanungan para sa kaliwanagan ng lahat.
Maraming Salamat po...
STAY SAFE EVERYONE 😊
GOD BLESS US ALL.....
21/06/2019
soon2be. CWES Eco- Park
02/04/2019
20/12/2018
Wishing you a merry Christmas
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
San Diego Street Canumay West, Valenzuela City
Valenzuela
1442