10/04/2026
📣📣 ANNOUNCEMENT 📣📣...
Para po sa mga nagnanais na maagang makapaghanda ng kanilang Enrollment Form, maaari na pong kumuha ng opisyal na kopya ng Enrollment Form simula April 20, 2026 at sagutan na ito sa inyong mga tahanan.
Maaari ring idownload ang opisyal na Enrollment Form at Behavior Contract (attached file) upang inyong maiprint at masagutan sa inyong tahanan bago po ang araw ng inyong iskedyul para sa enrollment.
Tandaan po ang mga sumusunod sa pagfill-out ng form:
1. Basahing mabuti ang bawat bahagi ng form bago magsimulang magsulat upang maiwasan ang pagkakamali.
2. Gumamit ng itim o asul na ballpen at isulat nang malinaw at maayos ang lahat ng detalye upang madaling mabasa ng enrollment personnel.
3. Maingat na isulat ang mga wasto at kinakailangang impormasyon at siguraduhing may pirma ng magulang o guardian at mag-aaral ang dokumento.
6. I-attach ang mga kinakailangang dokumento.
7. Sa itinalagang petsa kung kailan ang enrollment ng inyong Baitang, maaari na pong dumiretso sa STEP 2 upang matsek ang inyong Accomplished Enrollment Form at iba pang dokumento.
Karagdagang paalala...
* Para sa mga In-coming Grade 7, kailangang kasama po ang magulang ng mag-aaral sa araw ng Enrollment.
* Para naman sa mga In-coming GRADE 8 - GRADE 10, inaasahang kasama po ang mga magulang sa pag-eenroll. Sa pagkakataong HINDI makakasama ang magulang siguraduhing napirmahan nila ang form at HUWAG kalimutang magdala ng PHOTOCOPY ng I.D NA MAY PIRMA ng mga magulang bilang katibayan na sila ang pumirma sa Enrollment Form.
Maraming salamat po!
Magpunta, Magpatala at Magpa-enroll sa itinakdang petsa!
Enroll na!