Aftercare Program for RPWUDs under CSWDO-Valenzuela

Aftercare Program for RPWUDs under CSWDO-Valenzuela

Share

CSWDO-Aftercare Unit's Official page. To share our activities and achievements to the world.

Photos from Aftercare Program for RPWUDs under CSWDO-Valenzuela's post 27/04/2026

💙 Kapag Pinabayaan, Buhay ang Naaapektuhan 💙

Depression. Anxiety. Addiction — kapag hindi naagapan, maaaring maapektuhan ang kabuuang buhay, ngunit may pag-asa sa tamang kaalaman at suporta.

Noong Abril 26, 2026, matagumpay na isinagawa ng CSWDO–Aftercare Unit, katuwang ang National Center for Mental Health (NCMH), ang buwanang group session para sa Recovering Persons Who Used Drugs (RPWUDs) na may temang Mental Health Awareness. Ginanap ito sa AVR, CESO Building, Action Center, Dalandanan, Valenzuela City mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN.

Sa pangunguna ni Dra. Kristella M. Draheim, mas naunawaan ng mga kalahok ang pagkakaiba ng anxiety—labis na pag-aalala at takot—at depression—matinding kalungkutan at kawalan ng interes—kasama ang mga maagang senyales at tamang paraan ng pag-alalay.

Sa kabila ng hamon, naging kapansin-pansin ang aktibong partisipasyon, pagbabahagi, at kooperasyon ng mga RPWUDs—isang malinaw na patunay na sa tamang gabay, sama-samang pagkilos, at patuloy na suporta, posible ang pagbangon at mas maliwanag na kinabukasan.

Photos from Valenzuela City's post 25/03/2026

LOOK!

Photos from Aftercare Program for RPWUDs under CSWDO-Valenzuela's post 25/02/2026

🌿 Yakap Bayan Session 2: Pabuo ng Mas Malusog na Pamumuhay 💚

Matagumpay na naisagawa noong February 22, 2026 (Sunday) ang Yakap Bayan Program – Pampersonal na Modyul: Session 2 para sa ating Recovering Persons Who Used Drugs (RPWUDs) sa AVR, CESO Building, Action Center, Valenzuela City.

🕗 Oras: 8:00 AM – 12:00 NN
📍 Lugar: AVR, CESO Building, Action Center, Valenzuela City

Layunin ng session na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok tungo sa mas malusog, matatag, at drug-free na pamumuhay.

🎥 Mga Tinalakay sa Video Modules:
✅ Effects of SAD: Sigarilyo, Alak, at Droga
✅ Triggers of Use
✅ Addiction and Its Signs
✅ 4M's: Magpigil ng Iniisip, Magpalipas, Maglibang, Magdesisyon

⭐ Tampok din sa programa ang pagbabahagi ng isang panauhing tagapagsalita mula sa CSWDO Aftercare Program Graduate, na naglahad ng kanyang tunay na karanasan — bago, habang, at matapos ang kanyang rehabilitation journey.

Ang kanyang kwento ng pagpili sa tama sa kabila ng mga hamon at triggers sa buhay ay nagsilbing malakas na inspirasyon sa ating mga RPWUD clients upang manatiling abstinent at ipagpatuloy ang kanilang CLEAN at makabuluhang recovery journey. 💪💚

✨ Sa Yakap Bayan, sama-sama sa tuloy-tuloy na pagbangon at pagbabago ng buhay.












Photos from Aftercare Program for RPWUDs under CSWDO-Valenzuela's post 02/02/2026

🌿 Bayanihan sa Kalinisan: Sama-samang Paglilinis, Sama-samang Pagbangon 🌿

Matagumpay na naisagawa ang Aftercare Monthly Group Session: Clean Up Drive ng mga Recovering Persons Who Used Drugs (RPWUDs) sa Valenzuela City na may temang “Bayanihan sa Kalinisan.” 💚

Noong Enero 31, 2026, mula 7:30 AM hanggang 9:30 AM, nagkaisa ang aming mga kasapi sa Villa Barreto Phase 1, 2 at 3, Barangay Canumay West upang ipakita na ang recovery ay hindi lamang personal na pagbabago, kundi kolektibong aksyon para sa kapakanan at kaayusan ng komunidad.

Sa pamamagitan ng Bayanihan sa Kalinisan, naipamalas ang:
✨ aktibong community service at malasakit sa kapwa
✨ pagiging hindi makasarili, responsable, at disiplinado
✨ malusog at makabuluhang alternatibong gawain sa proseso ng recovery
✨ sama-samang pagpapanatili ng malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran

Ang aktibidad na ito ay patunay ng patuloy na suporta sa holistic recovery, kung saan ang paglilingkod, pakikiisa, at pananagutan ay mahalagang bahagi ng tunay na pagbangon. 🌍

Bayanihan sa Kalinisan.
Serbisyo sa Kapwa.
Pagbangon para sa Komunidad.









Photos from Aftercare Program for RPWUDs under CSWDO-Valenzuela's post 11/09/2025

SIPAG Program Module 1: Disenyo ng Diyos sa Pamilya

"At nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Diyos siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae. At sila’y binasbasan ng Diyos, at sinabi sa kanila, Kayo’y magpalaanakin at magpakarami, at inyong punuin ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa’t bagay na may buhay na gumagalaw sa ibabaw ng lupa." - Genesis 1:27 to 28

Noong Setyembre 7, 2025, ginanap ang Unang Module ng SIPAG Program sa Valenzuela City Alert Center kasama ang mga RPWUDs at kanilang pamilya. Ang paksa: “Disenyo ng Diyos sa Pamilya”—isang paalala na ang pamilya ay bahagi ng banal na plano ng Diyos.

🌿 Ito ang simula ng 12 Spiritual Sessions katuwang ang Jesus Our Life (JOL) Christian Church. Ang mga susunod na sesyon ay ONLINE sa Zoom, upang maihatid ang mensahe ng Diyos ng pag-asa, paggaling, at panibagong layunin sa bawat tahanan. 🙏

21/08/2025

🚦 Every choice leads somewhere — which road will you take? 🚦

Addiction may feel like the easy path, but it leads to pain, broken relationships, and lost opportunities. Sobriety, on the other hand, is the harder road — but it leads to healing, growth, and freedom.

As Lao Tzu once said: “If you do not change direction, you might end up where you are heading.”

Today is the perfect time to choose the road that leads to life, recovery, and hope. 💜

19/08/2025

⏳ Huwag mong hayaang matapos ang araw na wala kang nagawa para sa pagbangon mo mula sa adiksyon.

Alam ko, mahirap. Pero bawat maliit na hakbang—kahit simpleng pag-iwas sa tukso o pakikipag-usap sa taong handang makinig—malaking panalo na ‘yon para sa sarili mo.

Kung palagi mong sasabihing “bukas na lang,” darating ang araw na puro “sayang” lang ang maaalala mo. Kaya kumilos ka ngayon—hindi bukas, hindi sa susunod na linggo.

Ang recovery ay hindi sprint—pero kailangan mong simulan bago matapos ang araw na ito.

19/08/2025

😔 Not all smiles can fix a broken home.

Some smiles hide the deepest scars. Behind them may be nights filled with needles, lies, and a slow fading of the bonds that once held a family together. Addiction doesn’t just take from you—it takes from everyone who loves you.

That momentary high can cost you trust that may never return, and love that may never heal. No forced smile can cover the damage done to a home torn apart by drugs.

But there’s still a choice. Recovery can stop the cycle and begin the rebuilding. One day of honesty. One step toward healing. That’s where real smiles—born from peace, not pain—begin.

Your home, your family, your life are worth more than the next hit. 💙

18/08/2025

📢 August 17, 2025 | 8AM–12NN — The Aftercare Program for RPWUDs under CSWDO-Valenzuela successfully held its Quarterly Family Session at the ALERT Center, Malinta. With the topic “Growing Family in Recovery” from the DSWD Yakap Bayan Module, Ms. Kyla facilitated a heartfelt discussion where families shared observed changes and improvements of their loved ones after rehab, fostering openness, support, and healing. 👐

18/08/2025

💧 Maging ang maliliit na patak ng tubig ay nakabubutas ng bato — keep going.
Kahit maliit lang ang hakbang mo araw-araw, may epekto ‘yan. Ang mahalaga, tuloy-tuloy ka.

Hindi kailangan ng malalaking pagbabago agad. Sa bawat araw na nagpupursige ka—umiwas sa tukso, humingi ng tulong, o magpahinga para lumakas—unti-unting nababasag ang pader ng adiksyon.

Sa una, parang walang nangyayari. Pero tandaan, ang patak-patak na effort mo ang magdadala sa’yo sa kalayaan.
Huwag tumigil. Dahil sa dulo, ikaw ang panalo. 💙

17/08/2025

🎲 PAANO MAKALAYA SA GAMBLING ADDICTION — with Pastor Jun Colis 🎲

Gambling isn’t just about luck—it rewires your brain’s reward system, hijacking your dopamine pathways and turning short-lived highs into persistent cravings. In this moving video from Ready To Answer, Pastor Jun Colis shares how gambling addiction takes root in the mind, why it becomes so hard to stop, and how faith, awareness, and community offer a way out.

In this video:

What happens in your brain when gambling lights up your dopamine system—and why that "rush" keeps coming back

Signs you or someone you love might be sliding into gambling dependency

Real-life strategies for breaking free—drawing from both spiritual insight and science-backed recovery methods

Buenissima for anyone passionate about mental health, addiction recovery, or simply wanting to understand the science behind self-control and resilience.

** Watch “PAANO MAKALAYA SA GAMBLING ADDICTION?” on Ready To Answer’s YouTube**

📹 Credits to ReadytoAnswer YouTube Channel — Bisitahin ang video dito: https://www.youtube.com/watch?v=V6cVOT9Bw9E

Want your school to be the top-listed School/college in Valenzuela?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

CSWDO, 2nd Floor, ALERT Center, Brgy Malinta
Valenzuela
1440

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm