05/08/2026
ππππ ππππ! πππππππ ππ,πππ πππππππππππ πππππ ππππ ππ πππ ππ πππ ππ ππππππ, πππππππππ, πππππππππ ππ ππππππππππ β ππππππ
Magandang balita ulit para sa ating mga marino!
Mahigit 13,000 appointment slots para sa pagproseso ng Seafarer's Identity Document (SID) at Seafarer's Record Book (SRB) ang available pa sa iba't ibang MARINA processing centers sa buong bansa para sa mga buwan ng Agosto at Setyembre.
Kasabay nito, nanawagan ang Maritime Industry Authority (MARINA) sa mga seafarer na agad na i-reschedule ang kanilang appointment kung hindi ito madadaluhan, upang mabigyan ng pagkakataon ang iba pang marino na magamit ang mga bakanteng schedule.
Ayon sa MARINA, tinatayang 500 aplikante sa buong bansa ang hindi sumisipot sa kanilang nakatakdang appointment bawat linggo, dahilan upang maraming appointment slots ang nasasayang.
Sa kasalukuyan, may 3,791 appointment slots pang available para sa Agosto at 9,392 slots naman para sa Setyembre para sa SID at SRB processing sa buong bansa.
"We appeal to our seafarers to help us maximize every appointment slot. Kung hindi po kayo makakadalo, maaari pong i-reschedule agad ang inyong appointment para magamit ito ng iba nating seafarers," ani MARINA Administrator Sonia B. Malaluan.
Hinihikayat din ng MARINA ang mga seafarer na samantalahin ang mga available na appointment slots at gamitin ang online appointment system sa pamamagitan ng eGovPH App, kung saan maaari silang pumili ng petsa at processing center na pinakaangkop sa kanilang iskedyul.
Ayon sa ahensya, ang maagap na pagre-reschedule ng mga appointment na hindi madadaluhan ay makatutulong upang mapabilis ang serbisyo, mabawasan ang mga nasasayang na appointment slots, at mas maraming seafarer ang mapaglingkuran.