13/06/2026
๐ฌโจ TAOS-PUSONG PASASALAMAT โจ๐ฌ
Isang matagumpay na proyekto ang naisakatuparan ng MAMBOG CHAPTER sa pamamagitan ng isang Film Showing. Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng gawaing ito at sa kanilang walang sawang suporta at pakikiisa.
Higit sa lahat, tunay na nakakataba ng puso na makita ang napakaraming batang masaya, nakangiti, at nag-enjoy sa simpleng programa at palaro na inihanda para sa kanila.
Maraming salamat kay SK Chairwoman Janna Ordoรฑez sa kanyang pakikipag-ugnayan at koordinasyon sa HOA President Jun Villanueva ng Mambog Village, na naging malaking tulong upang maging maayos at matagumpay ang ating programa.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat kay Kap. Narcing De Guzman sa pagpapahintulot na magamit ang Disaster Building sa Mambog 1 bilang venue ng ating film showing. Salamat din po kay BNS Maโam Jocelyn Agustin at kay Brgy. Councilor Ante Laureta sa pagbisita.
Salamat din kay ate Sab Mendiola sa pangunguna ng opening prayer.
Sa lahat, maraming salamat sa bawat miyembro at bumubuo ng Mambog Chapter. Ang tagumpay na ito ay bunga ng ating pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit sa komunidad.