08/06/2026
Pagbubukas ng Taong Panuruan 2026–2027..
Masayang sinalubong ng Brooke's Point Central School ang pagbubukas ng Taong Panuruan 2026–2027. Mainit na tinanggap ng ating mga SELG Officers ang mga mag-aaral at magulang upang simulan ang panibagong taon ng pagkatuto nang may sigla at pananabik.
Nagsimula ang araw sa isang makabuluhang Pagtataas ng Watawat na dinaluhan ng mga g**o, mag - aaral at kawani ng paaralan. Sinundan ito ng mga gawaing
panghalagahan
(Values Formation) sa pangunguna ng Values Education focal persons Mam Lucille Apundar at Mam Cristina Manglicmot , mga trivia na nagpatalas ng kaalaman, at mga gawaing pagninilay (Reflection) na nagbigay-daan sa mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa sarili at kapwa.
Nagbigay din ng mensahe ng pagtanggap ang Punungg**o ng BPCS, Dr. Wennie Laguisma Lorzano.
Nawa'y maging makabuluhan, masaya, at matagumpay ang ating paglalakbay sa bagong taong panuruan.
Sama-sama nating hubugin ang kinabukasan sa pamamagitan ng pagkatuto, disiplina, at pagkakaisa.
Maligayang pagbabalik sa paaralan mga Batang Centralites !