22/09/2025
Ang tapang ay hindi nasusukat sa lakas ng katawan ,kundi sa lakas ng loob. Bilang mag-aaral natutunan naming maging matapang sa simpleng paraan- sa pagtatanong kahit nahihiya, sa pagsubok kahit may takot, at sa pagtanggap ng pagkakamali para matuto. Hindi madaling humarap sa bagong hamon, pero bawat hakbang na may tapang ay hakbang patungo sa tagumpay. Kahit bata pa kami, kaya naming ipakita na may puso, may pangarap, at may lakas ng loob kami. Dahil sa bawat batang matapang, may kinabukasang maganda na naghihintay. Grade 6-🌻
Batang Batangueño
Rosie Caborbias
Ermie Du Rado