Y'Talu- Ang Boses

Y'Talu- Ang Boses Opisyal na pahayagan ng Bololmala Elementary School

ANNOUNCEMENT!We are inviting everyone to join us tomorrow for the Inauguration Ceremony of our New Stageat Bololmala Ele...
26/03/2026

ANNOUNCEMENT!

We are inviting everyone to join us tomorrow for the Inauguration Ceremony of our New Stage
at Bololmala Elementary School. Your presence will make this event even more meaningful as we celebrate a new beginning and continue our commitment to serving the community.
see you bukas ...

7th Grand Alumni Homecoming ng BES, Gaganapin Bukas!       Inaasahang magsasama-sama bukas, Disyembre 13, 2025, ang mga ...
12/12/2025

7th Grand Alumni Homecoming ng BES, Gaganapin Bukas!

Inaasahang magsasama-sama bukas, Disyembre 13, 2025, ang mga dating mag-aaral ng Bololmala Elementary School para sa 7th Grand Alumni Homecoming na may temang “Reconnecting Hearts, Rekindling Memories.”
Layunin ng pagtitipon na muling pagdugtungin ang samahan ng mga alumni at sariwain ang mga alaala ng kanilang kabataan sa paaralan.

Tampok sa programa ang pagbati ng mga dating g**o, maikling presentasyon, at simpleng salu-salo na magbibigay-daan sa mas makabuluhang kuwentuhan at muling pagkilala sa isa’t isa.

Ipinahayag ng BESAA na ang pagdiriwang ay hindi lamang selebrasyon, kundi pagkakataon upang palakasin ang suporta para sa mga proyekto ng paaralan at ipagpatuloy ang tradisyon ng pagkakaisa sa komunidad.

Ang lahat ng alumni ay inaanyayahang makibahagi sa makasaysayang araw ng pagbabalik at muling pag-uugnay ng puso at alaala.

Rosepea Cove Resort, naging sentro ng makabuluhang seremonya para sa pagreretiro ni Sir Rodel       Naging mainit at mak...
07/12/2025

Rosepea Cove Resort, naging sentro ng makabuluhang seremonya para sa pagreretiro ni Sir Rodel

Naging mainit at makabuluhan ang ginanap na retirement program para kay Sir Rodel nitong nagdaang weekend sa Rosepea Cove Resort, kung saan sama-samang nagtipon ang kanyang mga katrabaho upang parangalan ang kanyang serbisyo at dedikasyon.

Si Sir Rodel, na magdiriwang ng kanyang ika-65 taong kaarawan sa darating na Enero 18, ay kilala sa kanyang tapat na paglilingkod, propesyonalismo, at malasakit sa komunidad at mga taong kanyang nakatrabaho. Marami ang nagbigay-pugay sa kanya sa pamamagitan ng mensahe, kanta, at mga presentasyong inihandog ng mga kasamahan.

Sa programa, ibinahagi ng ilan sa kanyang mga kasama ang kanilang mga alaala—mula sa mga simpleng biro at kwentuhan sa trabaho hanggang sa mga panahong si Sir Rodel ang naging sandigan sa mga mahihirap na sitwasyon. Ayon sa kanila, hindi lamang siya naging mahusay na g**o kundi naging inspirasyon at gabay din.

Labis ang naging kasiyahan at emosyon ng pagtitipon habang pinagmamasdan si Sir Rodel na tinatanggap ang mga regalo, plake, at sertipikong pagkilala para sa kanyang natatanging kontribusyon. Nagpasalamat din siya sa lahat ng dumalo at nagbahagi ng kanyang mensahe, kung saan binigyang-diin niya ang pagpapahalaga sa pagsasama, pagkakaisa, at patuloy na paglilingkod sa komunidad kahit nasa yugto na ng pagreretiro.

Nagtapos ang programa sa masayang salu-salo sa tabi ng dalampasigan ng Rosepea Cove Resort—isang simbolikong pagdiriwang ng bagong kabanata sa buhay ni Sir Rodel.

Maligayang pagreretiro, Sir Rodel, at maligayang ika-65 kaarawan sa Enero 18!

Lucky Nicole Galindez, Pambato ng Tupi sa Tawag ng Tanghalan!        Isang karangalan ang muling bumalot sa Bololmala El...
04/11/2025

Lucky Nicole Galindez, Pambato ng Tupi sa Tawag ng Tanghalan!

Isang karangalan ang muling bumalot sa Bololmala Elementary School matapos mapabilang si Lucky Nicole Galindez bilang pambato ng Tupi, South Cotabato sa sikat na singing competition na Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime.
Si Lucky Nicole ay isang proud alumni ng paaralan at anak ni Teacher Celia Mac I. Galindez dating g**o rito, kaya’t lalong tumingkad ang suporta ng buong komunidad.
Bata pa lamang ay nahilig na si Lucky Nicole sa pagkanta. Sa mga school programs at barangay events unang nasilayan ang kanyang talento. Ngayon, dala niya ang pangarap hindi lamang para sa sarili kundi para sa kanyang bayan at paaralang pinagmulan.
Ayon sa ilang g**o, si Lucky Nicole ay hindi lamang mahusay sa musika kundi isa ring mabait at masipag na mag-aaral noon. “Talagang may potensyal na siya noon pa. Nakakatuwang makita siyang umaangat,” wika ng isa sa mga dating g**o.
Ang kanyang ina, na dating g**o sa BES, ay nagsilbing inspirasyon at gabay sa kanyang paglalakbay. Sa bawat nota na kanyang binibigkas, ramdam ang pagmamahal at dedikasyon sa sining ng musika.
Buong suporta ang ipinapaabot ng Bololmala Elementary School kay Lucky Nicole. Sa kanyang tagumpay, muling napatunayan na ang talento ng mga kabataan mula sa Tupi ay maaring umangat sa pambansang entablado.

🎤 Mabuhay ka, Lucky Nicole! Ang Bololmala ES ay lubos na proud sa’yo!

📷 taken from Municipal Government of Tupi

BES, nakiisa sa 2025 Global Handwashing Day     Isang Hakbang Patungo sa Mas Malusog na Kinabukasan             Aktibong...
15/10/2025

BES, nakiisa sa 2025 Global Handwashing Day

Isang Hakbang Patungo sa Mas Malusog na Kinabukasan

Aktibong nakiisa ang Bololmala Elementary School sa pagdiriwang ng 2025 Global Handwashing Day ngayong Oktubre 15 sa pagkampanya para sa kalinisan at kalusugan sa pamamagitan ng isang masayang aktibidad ng paghuhugas ng kamay.

Ang Global Handwashing Day ay taunang selebrasyon na layuning itaguyod ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay bilang pangunahing hakbang sa pagpapanatili ng kalusugan. Sa pakikiisa ng BES, ipinakita ng komunidad ang kanilang suporta sa pandaigdigang adbokasiya para sa mas malinis at mas ligtas na pamayanan na siyang hakbang patungo sa mas malusog na kinabukasan.

Bakuna Eskwela Municipal Launching, isinagawa sa BESKalusugan ay kayamanan—bakuna ang sandata!       Isang makabuluhang ...
06/10/2025

Bakuna Eskwela Municipal Launching, isinagawa sa BES

Kalusugan ay kayamanan—bakuna ang sandata!

Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas malusog na kabataan ang isinagawa sa Bololmala Elementary School ngayon, ika-5 ng Oktubre 2025 sa pamamagitan ng opisyal na paglulunsad ng Bakuna Eskwela ,School-Based Immunization(SBI), Municipal Launching Program.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Health Office sa pakikipagtulungan ng Department of Education, na layuning mapalakas ang kalusugan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng bakuna laban sa mga sakit gaya ng Measles-Rubella (MR) at Titanus-Diphtheria (Td) vaccine para sa mga mag-aaral ng Una at Ikapitong Baitang at Humanpapilloma Virus (HPV) vaccine naman para sa mga babaeng mag-aaral sa ikaapat na baitang.

Inaasahang magpapatuloy sa iba pang paaralan sa munisipalidad ang nasabing programa,bilang bahagi ng mas malawak na kampanya para sa kalusugan ng kabataan.

Address

Bololmala, South Cotabato
Tupi
9505

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Y'Talu- Ang Boses posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share