DepEd Tumbaga II Elementary School

Call Contact the school

DepEd Tumbaga II Elementary School Elementary School

๐ŸŒŸ ๐—œ๐—ก๐—ฉ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—˜๐— ๐—ข๐—ก๐—ฌ & ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ ๐——๐—”๐—ฌ ๐—–๐—”๐— ๐—ฃ 2026 ๐ŸŒŸ๐Ÿ“… Setyembre 8, 2026Isang makabuluhan at masayang araw ang ipinagdiwang sa...
09/09/2026

๐ŸŒŸ ๐—œ๐—ก๐—ฉ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—˜๐— ๐—ข๐—ก๐—ฌ & ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ ๐——๐—”๐—ฌ ๐—–๐—”๐— ๐—ฃ 2026 ๐ŸŒŸ
๐Ÿ“… Setyembre 8, 2026

Isang makabuluhan at masayang araw ang ipinagdiwang sa Tumbaga II Elementary School sa pamamagitan ng Investiture Ceremony o Pagtatalaga sa mga Bagong Kasapi sa Scouting at School Day Camp. โšœ๏ธ

Ang seremonyang ito ay isang mahalagang hakbang sa buhay ng ating mga batang Scoutโ€”isang simbolikong pagtanggap sa kanilang panibagong tungkulin, disiplina, pananagutan, at paglilingkod. Sa pangunguna at paggabay ng ating mga masisipag at dedikadong Troop Leaders, naging makabuluhan at matagumpay ang bawat gawain ng ating mga batang Scout. ๐Ÿ’š

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa aming Punong-g**o Ma'am Thelma P. Luna at sa Sangguniang Barangay sa patuloy na suporta at pakikiisa sa mga programa at gawain ng ating paaralan. Maraming salamat din sa SPTA Officers, sa pangunguna ng ating masipag na SPTA President, Pres. Neil Ryan Resureccion, sa inyong walang sawang suporta at pakikipagtulungan para sa kapakanan at paghubog sa ating mga mag-aaral. ๐Ÿคโค๏ธ

Lubos din ang aming pasasalamat sa mga magulang at sa mga naging sponsor ng ating mga batang Scout sa inyong suporta, tiwala, at pakikiisa. Ang inyong paggabay at presensya ay malaking bahagi ng tagumpay ng ating Scouting program. ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ๐Ÿ’–

Sa ating mga bagong Scouts at sa lahat ng kasapi, nawa'y dalhin ninyo sa inyong puso ang mga aral ng Scoutingโ€”disiplina, pagiging responsable, pagkakaisa, katapatan, pagmamahal sa kapwa, at kahandaang maglingkod. โšœ๏ธ๐ŸŒฟ

Mabuhay ang ating mga bagong Scout!
Mabuhay ang Scouting sa Tumbaga II Elementary School! ๐ŸŽ‰โšœ๏ธ










๐ŸŒŸ ๐ŸŒŸ 26๐ญ๐ก ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ ๐Š๐š๐ฐ๐š๐ง ๐‡๐จ๐ฅ๐ข๐๐š๐ฒ 2026 ๐ŸŒŸ ๐ŸŒŸIsang masiglang pagbati sa ating mga batang KAB at KID Scouts ng Tumbaga II Eleme...
16/08/2026

๐ŸŒŸ ๐ŸŒŸ 26๐ญ๐ก ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ ๐Š๐š๐ฐ๐š๐ง ๐‡๐จ๐ฅ๐ข๐๐š๐ฒ 2026 ๐ŸŒŸ ๐ŸŒŸ

Isang masiglang pagbati sa ating mga batang KAB at KID Scouts ng Tumbaga II Elementary Schoolna buong sigla at pagmamalaki na nakilahok sa 26th Council Kawan Holiday! โšœ๏ธ๐Ÿ•๏ธ

Ang gawaing ito ay naging makabuluhang pagkakataon para sa ating mga kabataan na malinang ang disiplina, pamumuno, pakikipagtulungan, pagkakaibigan, at pagmamahal sa kapwa at bayan. โค๏ธ๐Ÿ’™

Lubos din ang aming pasasalamat sa ating masisipag at dedikadong Troop /Langkay Leaders na sina Scouter Anna Jean Ramirez, Scouter Risa Ibarrola, Scouter Janice Reyes at Scouter Liezel Ann Diaz. Maraming salamat sa inyong walang sawang paggabay, oras, at malasakit sa ating mga batang Scouts. Sa aming Punong g**o Ma'am Thelma P. Luna, maraming salamat. ๐Ÿ™โค๏ธ

Pasasalamat sa mga magulang at guardians ng ating mga KAB at KID Scouts sa walang sawang pagsuporta sa bawat gawaing Scout. ๐Ÿ™โšœ๏ธ

Sa ating mga KAB at KID Scouts, congratulations! ๐ŸŽ‰ Ipinakita ninyo ang tunay na diwa ng pagiging Scout, Laging handa, disiplinado, matulungin, responsable, at laging handang maglingkod.

Patuloy nating hubugin ang mga kabataan tungo sa pagiging mabubuting mamamayan at responsableng lider ng kinabukasan.
Laging Handa! โšœ๏ธ







Sariaya East District Festival of Talents (DisFOT) ๐Ÿ†โœจIsang taos-pusong pagbati at pagpupugay sa ating mga mag-aaral at t...
16/08/2026

Sariaya East District Festival of Talents (DisFOT) ๐Ÿ†โœจ

Isang taos-pusong pagbati at pagpupugay sa ating mga mag-aaral at tagapagsanay sa dedikasyon at buong husay at sipag na kumatawan sa Tumbaga II Elementary School sa Sariaya East District Festival of Talents ๐ŸŽ‰๐Ÿ‘

๐Ÿ† DISH GARDENING AND EXTENSION CORD WITH ASSEMBLY
๐Ÿฅˆ SECOND PLACE
Norzeth Nabua at Jim Khiel dela Roca
Coaches: Ma'am Normita V. Lopez, Ma'am Anna Jean Ramirez, at Sir Alejandro Sta. Ana

๐ŸŽจ PINTA BULILIT
Rhiunna Marie Mendoza
Coaches: Ma'am Leizel Evangelista at Ma'am Risa Ibarrola

๐Ÿ’ƒ INDAK NG LAHI
Hannah Cristell De Leon
Ashley Jeneil Canlas
Hilary Kate Montes
Khianna Raylyn Quejano
Kiev Charles Abdon
Franz Ethan Real
Franz Nathan Real
Xyro Akieh Pascual
Jacob David
Coaches: Ma'am Liezel Manalo at Sir Alejandro Sta. Ana

Sa inyong lahat, maraming salamat sa inyong ipinakitang talento, tiyaga, tapang, at pagmamahal sa sining at kultura.Anuman ang naging resulta, kayo ay tunay na mga batang kampeon na karapat-dapat ipagmalaki! โค๏ธ๐Ÿ‘

Isang malaking PASASALAMAT din sa aming minamahal na Punong G**o, Ma'am Thelma P. Luna, sa walang sawang suporta, paggabay, at paghikayat sa ating mga mag-aaral at g**o. ๐Ÿ’

Taos-pusong pasasalamat din kay Ma'am Donna V. Sarmiento, School Festival of Talents Coordinator, kay Ma'am Raquel Galvez at sa lahat ng g**o ng paaralan sa kanilang dedikasyon at suporta upang maging matagumpay ang ating paglahok. Sa Non-teaching Personnel Sir Robert Nicerio, Mr. Melecio Umali at Mrs. Janice Baon sa tulong at supporta.

Maraming salamat din sa mga magulang at guardians na patuloy na sumusuporta, naghihikayat, at gumagabay sa kanilang mga anak. โค๏ธ

Lubos din ang aming pasasalamat sa Sangguniang Barangay at sa lahat ng nag abot ng tulong pinansiyal at suporta para sa ating mga kalahok. Tunay na malaking bagay ang inyong pagtutulungan para sa paghubog at pagpapaunlad ng talento ng ating mga kabataan. ๐Ÿ™

Congratulations, dear learners and coaches!๐ŸŽ‰
Patuloy ninyong ipakita ang inyong talento, sipag, at husay. Tumbaga II Elementary School is proud of you!๐Ÿ’š๐Ÿ†

Mabuhay ang talento ng Batang Tumbagahin!


09/08/2026
๐ŸŒฟ๐Ÿฑ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ก๐˜‚๐˜๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต ๐—–๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ๐ŸŒฟSa pagdiriwang ng Ika-52 Nutrition Month ang Tumbaga II Elementary School ay buon...
30/07/2026

๐ŸŒฟ๐Ÿฑ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ก๐˜‚๐˜๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต ๐—–๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ๐ŸŒฟ

Sa pagdiriwang ng Ika-52 Nutrition Month ang Tumbaga II Elementary School ay buong-pusong nakikiisa sa kampanya para sa sapat at wastong nutrisyon sa ilalim ng temang โ€œSa PPAN: Sama-Sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat!โ€ at sub-theme na โ€œNutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan.โ€๐ŸŒฑ๐Ÿ’š

Bilang bahagi ng pagdiriwang, isinagawa ng paaralan ang iba't ibang classroom-based activities na naglalayong gawing mas makabuluhan at masaya ang pagkatuto tungkol sa wastong nutrisyon. Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, nabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong matuto, lumikha, at maisabuhay ang mga simpleng paraan ng pagpapanatili ng malusog na pangangatawan at pangangalaga sa kalikasan.

๐Ÿ“Œ Mga Gawaing Isinagawa:

๐ŸŽจPoster Making
Naipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain at pag-unawa sa kahalagahan ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng makukulay at makabuluhang poster.

๐Ÿ–๏ธColoring Activity
Sa pamamagitan ng masayang coloring activity, natutuhan ng mga mag-aaral ang pagkilala sa masustansyang pagkain at ang kahalagahan ng pagpili ng healthy food.

๐Ÿฑ Nutri Baon
Hinikayat ang mga mag-aaral na magdala ng masustansya at balanseng baon bilang praktikal na paraan ng pagsasabuhay ng healthy eating habits.

๐Ÿ“š Nutrition Integration sa mga Aralin
Isinama sa mga angkop na aralin at classroom activities ang mga konsepto tungkol sa nutrisyon, kalusugan, at pangangalaga sa kalikasan upang maiugnay ang mga ito sa pang-araw-araw na karanasan ng mga mag-aaral.

Ang mga gawaing ito ay nagsilbing daan upang higit na maunawaan ng ating mga mag-aaral na ang wastong nutrisyon ay hindi lamang tungkol sa pagkain, kundi bahagi ng isang malusog na pamumuhay at responsableng pangangalaga sa ating kapaligiran.** ๐ŸŽ๐Ÿฅฆ๐ŸŒฟ

Lubos ang aming pasasalamat sa mga g**o, mag-aaral, magulang, at buong Tumbaga II Elementary School community sa kanilang pakikiisa at suporta. Ang ating sama-samang pagkilos ay mahalagang hakbang tungo sa paghubog ng mga batang malusog, aktibo, responsable, at may malasakit sa kalikasan. ๐Ÿ’š๐Ÿ‘





๐ŸŽ‰โœจ WELCOME TO THE TUMBAGA II ELEMENTARY SCHOOL FAMILY! โœจ๐ŸŽ‰With great joy and pride, we warmly welcome Ma'am LIEZEL ANN M....
25/06/2026

๐ŸŽ‰โœจ WELCOME TO THE TUMBAGA II ELEMENTARY SCHOOL FAMILY! โœจ๐ŸŽ‰

With great joy and pride, we warmly welcome Ma'am LIEZEL ANN M. DIAZ as our Newly Hired Teacher I in the Department of Education and an official member of the Tumbaga II Elementary School Family.

๐Ÿ’™๐Ÿ’› Congratulations on this new chapter of your teaching journey!

๐Ÿ“ข ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐€๐๐๐Ž๐”๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“In compliance with DepEd Order No. 007, s. 2026 (Media Management Guidelines), we would like to i...
22/06/2026

๐Ÿ“ข ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐€๐๐๐Ž๐”๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“

In compliance with DepEd Order No. 007, s. 2026 (Media Management Guidelines), we would like to inform our school community that the official page of Tumbaga II Elementary School has been updated to follow the Department of Education's prescribed naming convention for official school social media accounts.

๐Ÿ”„ ๐๐ซ๐ž๐ฏ๐ข๐จ๐ฎ๐ฌ ๐๐š๐ ๐ž ๐๐š๐ฆ๐ž:
๐ƒ๐ž๐ฉ๐„๐ ๐“๐š๐ฒ๐จ ๐“๐ฎ๐ฆ๐›๐š๐ ๐š ๐ˆ๐ˆ ๐„๐’ โ€“ ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ž

โœ… ๐—ก๐—ฒ๐˜„ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ก๐—ฎ๐—บ๐—ฒ:
๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—˜๐—ฑ ๐—ง๐˜‚๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—œ๐—œ ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น

This update aims to strengthen our official communication platform, promote a unified identity across DepEd schools, and ensure compliance with the Department's Media Management Guidelines.

We encourage all learners, parents, alumni, stakeholders, and community partners to continue following and supporting our official page for verified school announcements, updates, programs, accomplishments, and other important school activities.

Thank you for your continued support and cooperation as we work together in strengthening our school's official communication channels.

๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ: ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—˜๐—ฑ ๐—ง๐˜‚๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—œ๐—œ ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น ๐—˜๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐—น: 109172@๐—ฑ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฑ.๐—ด๐—ผ๐˜ƒ.๐—ฝ๐—ต
๐—–๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฐ๐˜ ๐—ก๐˜‚๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€: (042) 784-5126 | (042) 719-1096๐—น


๐Ÿ“ข 2๐—ป๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜„๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฒ๐—ผ๐˜‚๐˜€ ๐—˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ต๐—พ๐˜‚๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ ๐——๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—น (๐—ก๐—ฆ๐—˜๐——) 2026 | ๐—›๐˜‚๐—ป๐˜†๐—ผ 18, 2026Bilang pakikiisa sa programang isinus...
18/06/2026

๐Ÿ“ข 2๐—ป๐—ฑ ๐—ค๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜„๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฒ๐—ผ๐˜‚๐˜€ ๐—˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ต๐—พ๐˜‚๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ ๐——๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—น (๐—ก๐—ฆ๐—˜๐——) 2026 | ๐—›๐˜‚๐—ป๐˜†๐—ผ 18, 2026

Bilang pakikiisa sa programang isinusulong ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang higit na mapaigting ang kahandaan sa panahon ng lindol, matagumpay na nakiisa ang Tumbaga II Elementary School sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026 ngayong ika-18 mg Hunyo 2026

Sa pangunguna ng Punongg**o, Ma'am Thelma P. Luna at School Disaster Risk Reduction and Management (SDRRM) Team, aktibong nakibahagi ang mga mag-aaral, g**o, at mga kawani ng paaralan sa pagsasagawa ng tamang "Duck, Cover, and Hold" procedure, maayos na paglikas patungo sa ligtas na evacuation area, at accountability check upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Layunin ng gawaing ito na mapalakas ang kamalayan, kahandaan, at tamang pagtugon ng komunidad ng paaralan sa oras ng lindol at iba pang sakuna. Ang mga regular na pagsasanay tulad nito ay mahalagang bahagi ng pagtataguyod ng isang ligtas, handa, at matatag na paaralan.

Ang Tumbaga II Elementary School ay nananatiling kaisa ng Department of Education sa pagsusulong ng kultura ng kahandaan at kaligtasan para sa lahat.

๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™๐™–๐™ฃ๐™™๐™–๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฎ ๐™จ๐™ช๐™จ๐™ž ๐™จ๐™– ๐™ ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™ฉ๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ.





๐Ÿ’™๐Ÿ“š๐๐‘๐ˆ๐†๐€๐ƒ๐€ ๐„๐’๐Š๐–๐„๐‹๐€ ๐‡๐„๐‘๐Ž ๐Ÿ“š๐Ÿ’™Ang  Paaralang Elementarya ng Tumbaga II ay lubos na nagpapasalamat sa isa sa ating mga Brigada...
09/06/2026

๐Ÿ’™๐Ÿ“š๐๐‘๐ˆ๐†๐€๐ƒ๐€ ๐„๐’๐Š๐–๐„๐‹๐€ ๐‡๐„๐‘๐Ž ๐Ÿ“š๐Ÿ’™

Ang Paaralang Elementarya ng Tumbaga II ay lubos na nagpapasalamat sa isa sa ating mga Brigada Hero, Ma'am Luningning Endozo de Villa, alumni ng ating mahal na paaralan na kinatawan ng ating Alumni President na si Mrs. Normelinda Umali, sa kanyang bukas-palad na pagbibigay ng mga school supplies para sa ating mga mag-aaral.

Ang inyong kabutihang-loob at malasakit ay tunay na nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa ating mga batang mag-aaral. Ang mga kagamitang inyong ipinagkaloob ay hindi lamang mga simpleng school supplies kundi mga kasangkapan upang matulungan silang maabot ang kanilang mga pangarap at magkaroon ng mas masigla at makabuluhang pagkatuto.

Bilang isang alumni ng Tumbaga II Elementary School, ipinakita ninyo na ang pagmamahal sa ating paaralan ay nananatili sa puso ng bawat dating mag-aaral. Ang inyong pakikiisa sa adhikain ng Brigada Eskwela ay patunay na sa pamamagitan ng bayanihan at pagtutulungan mas napapalakas natin ang suporta para sa edukasyon ng ating mga kabataan.

Mula sa aming mga g**o, mag-aaral, mga magulang at buong komunidad ng Tumbaga II Elementary School, maraming maraming salamat po, Ma'am Luningning Endozo de Villa at Mrs. Normelinda Umali sa inyong walang sawang suporta at malasakit.

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, kasaganaan at higit pang pagkakataong makapagbahagi ng biyaya sa iba.

Mabuhay ang ating mga Brigada Hero! Sama-sama para sa dekalidad na edukasyon at mas maliwanag na kinabukasan ng bawat batang Tumbagahin.

"๐‘จ๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’Ž๐’–๐’๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’•๐’–๐’๐’๐’๐’ˆ ๐’‚๐’š ๐’๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’ˆ๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’๐’‚๐’Œ๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’ˆ-๐’‚๐’”๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’‘๐’–๐’”๐’ ๐’๐’ˆ ๐’Š๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’ˆ ๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’“๐’‚๐’‘."





๐Ž๐๐‹๐€๐ ๐๐€๐‹๐ˆ๐Š ๐„๐’๐Š๐–๐„๐‹๐€ ๐Ÿ“šโœจ๐Ž๐๐„๐๐ˆ๐๐† ๐Ž๐… ๐‚๐‹๐€๐’๐’๐„๐’ | ๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹ ๐˜๐„๐€๐‘ 2026โ€“2027 ๐Ÿ“šโœจSa pagsisimula ng School Year 2026โ€“2027, buong galak ...
09/06/2026

๐Ž๐๐‹๐€๐ ๐๐€๐‹๐ˆ๐Š ๐„๐’๐Š๐–๐„๐‹๐€
๐Ÿ“šโœจ๐Ž๐๐„๐๐ˆ๐๐† ๐Ž๐… ๐‚๐‹๐€๐’๐’๐„๐’ | ๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹ ๐˜๐„๐€๐‘ 2026โ€“2027 ๐Ÿ“šโœจ

Sa pagsisimula ng School Year 2026โ€“2027, buong galak na sinalubong ng Tumbaga II Elementary School ang unang araw ng klase na puno ng pag-asa, pananabik, at bagong oportunidad para sa pagkatuto at paghubog ng kinabukasan ng bawat mag-aaral.

Ang matagumpay na pagbubukas ng klase ay bunga ng sama-samang pagtutulungan ng ating mga mag-aaral, mga magulang, mga stakeholder, at ng masisipag at dedikadong Teaching at Non-Teaching Personnel ng paaralan. Sa pamamagitan ng kanilang suporta at pakikiisa, naging maayos, ligtas, at makabuluhan ang pagsisimula ng panibagong taon ng pag-aaral.

Pinangunahan ni Maโ€™am Thelma P. Luna, Punongg**o ng Tumbaga II Elementary School, ang pagtanggap sa mga mag-aaral at mga magulang, gayundin ang pangangasiwa sa maayos na pagpapatupad ng mga programa at gawain kaugnay ng pagbubukas ng klase. Kasabay nito ang patuloy na pagsubaybay upang matiyak ang kahandaan ng paaralan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral.

Lubos ang aming pasasalamat sa ating mga mag-aaral sa kanilang masiglang pagbabalik-eskwela at sa kanilang determinasyong matuto, mangarap, at magtagumpay. Kayo ang inspirasyon ng aming patuloy na paglilingkod.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa mga magulang at tagapag-alaga na walang sawang sumusuporta at nakikipagtulungan sa paaralan upang matiyak ang kalidad ng edukasyon at kapakanan ng bawat bata.

Higit sa lahat, kinikilala namin ang sipag, dedikasyon, at malasakit ng buong Tumbaga II Elementary School Teaching and Non-Teaching Personnel sa paghahanda ng mga silid-aralan, learning resources, at iba pang pasilidad upang matiyak ang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa pagkatuto.

Sa pagtutulungan ng bawat isa, nawaโ€™y maging mabunga, masaya, at matagumpay ang School Year 2026โ€“2027 para sa buong komunidad ng Tumbaga II Elementary School.

Maligayang Pagbabalik-Eskwela, mga Batang Tumbagahin! ๐Ÿ’™๐Ÿ’›
Sama-sama para sa de-kalidad na edukasyon at mas maliwanag na kinabukasan!




Address

Tumbaga 2
Tumbaga
4322

Telephone

+639988565022

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tumbaga II Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Tumbaga II Elementary School:

Shortcuts

Share

Category