08/06/2026
📌Mga Dapat Gawin Bago, Habang, at Pagkatapos ng Lindol
Bago ang Lindol (Kahandaan sa Paaralan at Tahanan)
1. Maghanda ng Emergency Go-Bag: Maglagay ng potable water, non-perishable na pagkain, flashlight, extrang baterya, first aid kit, at mga importanteng dokumento.
2. I-secure ang mga Gamit: Siguraduhing nakabitin nang maayos ang mga mabibigat na paintings o cabinets. Huwag maglagay ng mga babasagin sa matataas na lugar.
3. Regular na Earthquake Drills: Makilahok sa mga simulation drills upang maging pamilyar sa mga evacuation routes at ligtas na lugar.
Habang Lumilindol (Duck, Cover, and Hold)
1. Duck: Yumuko o lumuhod malapit sa sahig.
2. Cover: Takpan ang iyong ulo at leeg (o ang buong katawan) gamit ang matibay na mesa o ang iyong mga braso.
3. Hold: Kumapit nang mahigpit sa iyong pinagtataguan hanggang sa tumigil ang pagyanig.
🔖Mahalagang Paalala🔖
*Kung nasa labas: LUMAYO sa mga puno, kuryente, poste, at matatayog na gusali. Pumunta sa mga BUKAS NA LUGAR O OPEN AREAS.
*Kung nasa loob ng gusali: Huwag gumamit ng elevator. Manatili sa loob kung nandoon ka na, at lumayo sa mga salamin o bintana.
Pagkatapos ng Lindol (Paglikas at Pagtutok)Maging Kalmado:
1. Suriin ang sarili at ang mga kasama kung may sugat.
2. Pumunta sa Evacuation Area: Isa-isang lumabas ng silid o gusali nang maayos at tahimik.
3. Sundin ang mga itinalagang daan ng mga awtoridad o g**o.
4. Makinig sa mga Awtoridad: Maging alerto sa mga posibleng aftershocks. Makinig sa mga update mula sa inyong lokal na pamahalaan at sa NDRRMC lalo na kung malapit kayo sa baybayin.