10/07/2026
Masusing Bantay, Mas Ligtas na Paaralan: LNHS Tumanggap ng Dalawang Metal Detector
Bilang bahagi ng pinaigting na programa ng Pamahalaang Lungsod ng Tuguegarao para sa kaligtasan at seguridad sa mga paaralan, ipinagkaloob ng LGU sa pangunguna ni Mayor Maila Ting-Que ang mga metal detector sa mga pampublikong paaralan sa lungsod. Kabilang sa mga benepisyaryo ang Linao NHS na tumanggap ng dalawang (2) metal detector.
Nagbunga agad ang hakbang ng Pamahalaang Lungsod upang palakasin ang seguridad sa mga paaralan matapos makumpiska ang isang v**e sa isinagawang inspeksyon gamit ang mga bagong metal detector.
Kabilang sa mga tumanggap metal detector ang Linao NHS. Ang mga kagamitang ito ay inilaan upang higit na mapahusay ang pagpapatupad ng mga hakbang pangseguridad at maiwasan ang pagpasok ng mga ipinagbabawal o mapanganib na kagamitan sa loob ng paaralan.
Sa mga unang araw ng paggamit ng metal detector sa LNHS, natukoy ng mga tagapagpatupad ng seguridad ang isang mag-aaral ng Senior High School na may dalang v**e, na agad na nakumpiska alinsunod sa umiiral na mga patakaran ng paaralan. Ipinakita ng insidenteng ito ang kahalagahan ng paggamit ng makabagong kagamitang pangseguridad sa pagpapanatili ng kaayusan at disiplina sa loob ng kampus.
โMalaking tulong ang dalawang metal detector sa pagpapanatili ng kaligtasan at disiplina sa aming paaralan. Sa mga unang araw pa lamang ng paggamit nito ay napatunayan na ang kahalagahan nito sa pagpapatupad ng aming mga patakaran. Taos-puso kaming nagpapasalamat kay Mayor Que sa kanyang patuloy na suporta sa kapakanan ng aming mga mag-aaral at kawani.โ Pahayag ni Redemptor Lauigan, Head Teacher
Patunay ang inisyatibong ito na ang pamumuhunan sa mga kagamitang pangseguridad ay may mahalagang papel sa paglikha ng isang ligtas at kaaya-ayang kapaligiran sa pagkatuto. Sa patuloy na pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Tuguegarao at ng mga paaralan, higit na napagtitibay ang pangangalaga sa kapakanan ng bawat mag-aaral at ang pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod ng disiplina, kaligtasan, at kalidad ng edukasyon.