27/04/2025
“𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐁𝐔𝐓 𝐃𝐄𝐀𝐃𝐋𝐘”
𝙳𝚎𝚗𝚐𝚞𝚎 𝚖𝚘𝚜𝚚𝚞𝚒𝚝𝚘𝚎𝚜 𝚍𝚘𝚗’𝚝 𝚖𝚊𝚔𝚎 𝚊 𝚋𝚞𝚣𝚣𝚒𝚗𝚐 𝚜𝚘𝚞𝚗𝚍 𝚠𝚑𝚎𝚗 𝚝𝚑𝚎𝚢 𝚏𝚕𝚢 — 𝚝𝚑𝚎𝚢’𝚛𝚎 𝚜𝚗𝚎𝚊𝚔𝚢!
✅ 𝐇𝐨𝐰 𝐭𝐨 𝐬𝐭𝐚𝐲 𝐩𝐫𝐨𝐭𝐞𝐜𝐭𝐞𝐝:
• 𝘼𝙥𝙥𝙡𝙮 𝙢𝙤𝙨𝙦𝙪𝙞𝙩𝙤 𝙧𝙚𝙥𝙚𝙡𝙡𝙚𝙣𝙩 𝙙𝙖𝙞𝙡𝙮 — 𝙚𝙫𝙚𝙣 𝙞𝙣𝙙𝙤𝙤𝙧𝙨!
• 𝙒𝙚𝙖𝙧 𝙡𝙞𝙜𝙝𝙩-𝙘𝙤𝙡𝙤𝙧𝙚𝙙, 𝙡𝙤𝙣𝙜-𝙨𝙡𝙚𝙚𝙫𝙚𝙙 𝙘𝙡𝙤𝙩𝙝𝙚𝙨
• 𝙍𝙚𝙜𝙪𝙡𝙖𝙧𝙡𝙮 𝙘𝙡𝙚𝙖𝙣 𝙨𝙪𝙧𝙧𝙤𝙪𝙣𝙙𝙞𝙣𝙜𝙨 𝙩𝙤 𝙙𝙚𝙨𝙩𝙧𝙤𝙮 𝙢𝙤𝙨𝙦𝙪𝙞𝙩𝙤 𝙗𝙧𝙚𝙚𝙙𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙩𝙚𝙨
🦟 𝚁𝚎𝚖𝚎𝚖𝚋𝚎𝚛: 𝙹𝚞𝚜𝚝 𝚋𝚎𝚌𝚊𝚞𝚜𝚎 𝚢𝚘𝚞 𝚌𝚊𝚗’𝚝 𝚑𝚎𝚊𝚛 𝚝𝚑𝚎𝚖, 𝚍𝚘𝚎𝚜𝚗’𝚝 𝚖𝚎𝚊𝚗 𝚝𝚑𝚎𝚢’𝚛𝚎 𝚗𝚘𝚝 𝚝𝚑𝚎𝚛𝚎. 𝚂𝚝𝚊𝚢 𝚊𝚕𝚎𝚛𝚝 𝚊𝚗𝚍 𝚜𝚝𝚊𝚢 𝚙𝚛𝚘𝚝𝚎𝚌𝚝𝚎𝚍!
27/04/2025
“𝐃𝐀𝐘 𝐁𝐈𝐓𝐄𝐑𝐒, 𝐍𝐎𝐓 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓 𝐅𝐈𝐆𝐇𝐓𝐄𝐑𝐒”
𝙳𝚎𝚗𝚐𝚞𝚎 𝚖𝚘𝚜𝚚𝚞𝚒𝚝𝚘𝚎𝚜 (𝙰𝚎𝚍𝚎𝚜 𝚊𝚎𝚐𝚢𝚙𝚝𝚒) 𝚋𝚒𝚝𝚎 𝚖𝚘𝚜𝚝𝚕𝚢 𝚍𝚞𝚛𝚒𝚗𝚐 𝚝𝚑𝚎 𝚍𝚊𝚢, 𝚎𝚜𝚙𝚎𝚌𝚒𝚊𝚕𝚕𝚢 𝚎𝚊𝚛𝚕𝚢 𝚖𝚘𝚛𝚗𝚒𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚍 𝚕𝚊𝚝𝚎 𝚊𝚏𝚝𝚎𝚛𝚗𝚘𝚘𝚗.
✅ 𝐇𝐨𝐰 𝐭𝐨 𝐩𝐫𝐨𝐭𝐞𝐜𝐭 𝐲𝐨𝐮𝐫𝐬𝐞𝐥𝐟:
• 𝙒𝙚𝙖𝙧 𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙨𝙡𝙚𝙚𝙫𝙚𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝙥𝙖𝙣𝙩𝙨 𝙬𝙝𝙚𝙣 𝙜𝙤𝙞𝙣𝙜 𝙤𝙪𝙩𝙙𝙤𝙤𝙧𝙨
• 𝘼𝙥𝙥𝙡𝙮 𝙢𝙤𝙨𝙦𝙪𝙞𝙩𝙤 𝙧𝙚𝙥𝙚𝙡𝙡𝙚𝙣𝙩 (𝙚𝙨𝙥𝙚𝙘𝙞𝙖𝙡𝙡𝙮 𝙤𝙣 𝙖𝙣𝙠𝙡𝙚𝙨, 𝙖𝙧𝙢𝙨, 𝙖𝙣𝙙 𝙣𝙚𝙘𝙠!)
• 𝙆𝙚𝙚𝙥 𝙬𝙞𝙣𝙙𝙤𝙬𝙨 𝙨𝙘𝙧𝙚𝙚𝙣𝙚𝙙 𝙤𝙧 𝙘𝙡𝙤𝙨𝙚𝙙 𝙙𝙪𝙧𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙚𝙖𝙠 𝙝𝙤𝙪𝙧𝙨
• 𝙐𝙨𝙚 𝙢𝙤𝙨𝙦𝙪𝙞𝙩𝙤 𝙣𝙚𝙩𝙨 𝙛𝙤𝙧 𝙗𝙖𝙗𝙞𝙚𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝙮𝙤𝙪𝙣𝙜 𝙘𝙝𝙞𝙡𝙙𝙧𝙚𝙣 𝙙𝙪𝙧𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙥 𝙩𝙞𝙢𝙚
𝙳𝚘𝚗’𝚝 𝚕𝚎𝚝 𝚢𝚘𝚞𝚛 𝚐𝚞𝚊𝚛𝚍 𝚍𝚘𝚠𝚗 𝚓𝚞𝚜𝚝 𝚋𝚎𝚌𝚊𝚞𝚜𝚎 𝚒𝚝’𝚜 𝚜𝚞𝚗𝚗𝚢 𝚘𝚞t!🌞
20/04/2025
“𝐅𝐀𝐒𝐇𝐈𝐎𝐍 𝐯𝐬. 𝐅𝐀𝐍𝐆𝐒”
𝚆𝚎𝚊𝚛𝚒𝚗𝚐 𝚕𝚒𝚐𝚑𝚝-𝚌𝚘𝚕𝚘𝚛𝚎𝚍 𝚌𝚕𝚘𝚝𝚑𝚎𝚜 𝚑𝚎𝚕𝚙𝚜 𝚛𝚎𝚙𝚎𝚕 𝚖𝚘𝚜𝚚𝚞𝚒𝚝𝚘𝚎𝚜 𝚋𝚎𝚝𝚝𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚊𝚗 𝚍𝚊𝚛𝚔 𝚘𝚗𝚎𝚜. 𝙳𝚞𝚛𝚒𝚗𝚐 𝚎𝚊𝚛𝚕𝚢 𝚖𝚘𝚛𝚗𝚒𝚗𝚐 𝚘𝚛 𝚕𝚊𝚝𝚎 𝚊𝚏𝚝𝚎𝚛𝚗𝚘𝚘𝚗 𝚠𝚑𝚎𝚗 𝚍𝚎𝚗𝚐𝚞𝚎 𝚖𝚘𝚜𝚚𝚞𝚒𝚝𝚘𝚎𝚜 𝚊𝚛𝚎 𝚖𝚘𝚜𝚝 𝚊𝚌𝚝𝚒𝚟𝚎, 𝚖𝚊𝚔𝚎 𝚒𝚝 𝚊 𝚑𝚊𝚋𝚒𝚝 𝚝𝚘:
✅𝙒𝙚𝙖𝙧 𝙡𝙞𝙜𝙝𝙩-𝙘𝙤𝙡𝙤𝙧𝙚𝙙 𝙘𝙡𝙤𝙩𝙝𝙚𝙨
✅𝘾𝙤𝙫𝙚𝙧 𝙖𝙧𝙢𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝙡𝙚𝙜𝙨
✅𝙐𝙨𝙚 𝙢𝙤𝙨𝙦𝙪𝙞𝙩𝙤 𝙧𝙚𝙥𝙚𝙡𝙡𝙚𝙣𝙩 𝙖𝙨 𝙚𝙭𝙩𝙧𝙖 𝙥𝙧𝙤𝙩𝙚𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣
11/04/2025
“𝐈𝐓 𝐎𝐍𝐋𝐘 𝐓𝐀𝐊𝐄𝐒 𝐀 𝐂𝐀𝐏𝐅𝐔𝐋”
𝙹𝚞𝚜𝚝 𝚊 𝚌𝚊𝚙 𝚘𝚏 𝚠𝚊𝚝𝚎𝚛 𝚌𝚊𝚗 𝚑𝚊𝚝𝚌𝚑 𝚑𝚞𝚗𝚍𝚛𝚎𝚍𝚜 𝚘𝚏 𝚖𝚘𝚜𝚚𝚞𝚒𝚝𝚘𝚎𝚜!
𝚃𝚑𝚊𝚝’𝚜 𝚠𝚑𝚢 𝚒𝚝’𝚜 𝚜𝚘 𝚒𝚖𝚙𝚘𝚛𝚝𝚊𝚗𝚝 𝚝𝚘 𝚌𝚑𝚎𝚌𝚔 𝚢𝚘𝚞𝚛 𝚜𝚞𝚛𝚛𝚘𝚞𝚗𝚍𝚒𝚗𝚐𝚜 — 𝚏𝚕𝚘𝚠𝚎𝚛𝚙𝚘𝚝 𝚜𝚊𝚞𝚌𝚎𝚛𝚜, 𝚙𝚎𝚝 𝚋𝚘𝚠𝚕𝚜, 𝚜𝚘𝚍𝚊 𝚋𝚘𝚝𝚝𝚕𝚎 𝚌𝚊𝚙𝚜, 𝚘𝚕𝚍 𝚝𝚒𝚛𝚎𝚜, 𝚊𝚗𝚍 𝚎𝚟𝚎𝚗 𝚛𝚘𝚘𝚏 𝚐𝚞𝚝𝚝𝚎𝚛𝚜!
𝘿𝙤 𝙮𝙤𝙪𝙧 𝙥𝙖𝙧𝙩!
𝙁𝙡𝙞𝙥. 𝙀𝙢𝙥𝙩𝙮. 𝙎𝙘𝙧𝙪𝙗. 𝙍𝙚𝙥𝙚𝙖𝙩 𝙬𝙚𝙚𝙠𝙡𝙮!
𝙋𝙧𝙚𝙫𝙚𝙣𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙨𝙩𝙖𝙧𝙩𝙨 𝙖𝙩 𝙝𝙤𝙢𝙚.
25/03/2025
KASO NG DENGUE SA CAGAYAN, UMABOT NA SA MAHIGIT 500 SA UNANG QUARTER NG 2025 AYON SA PHO
Umabot na sa 532 ang naitalang kaso ng dengue sa lalawigan ng Cagayan mula Enero 1 hanggang Marso 24, 2025, batay sa datos ng Provincial Health Office (PHO).
Sa pinakahuling ulat ng PHO, pinakamataas ang bilang ng kaso ng dengue sa bayan ng Gonzaga na may 49, kasunod ang Tuguegarao City at Baggao na may 41 at ang mga bayan ng Gattaran na may 37 na kaso.
Ang iba pang bayan na may mataas na bilang ng dengue cases ay ang Alcala na nakapagtala ng 34, Aparri (27), Tuao at Abulug (25), Pamplona (24), Sta. Ana at Lasam (23).
Ayon kay Nestor Santiago, Provincial Surveillance Officer ng PHO, isa sa mga nakikitang dahilan ng pagtaas ng kaso ay ang limitadong saklaw ng search and destroy operations sa mga barangay.
Bilang tugon, inatasan na ng PHO ang mga barangay captain, kagawad, at mga health teams sa bawa't bayan na suyurin ang pinakaliblib na bahagi upang matiyak na walang natitirang lugar na maaaring pamugaran ng lamok.
"As part of the interventions made by the PHO through the coordination sa ating Municipal Health Office or the RHUs sinabihan na natin lahat ng barangay captain at lahat ng kagawad and all the health teams in the municipal level na suyurin lahat ng pinaka suluksulukan ng kanilang zone areas ng sa ganon we can ensure na lahat ay malinisan,"pahayag ni Santiago.
Naniniwala rin si Santiago na isa rin sa dahilan ng pagtaas ng kaso ay ang pagtaas ng kamalayan ng publiko, na nagiging daan upang mas marami ang natutukoy ng health teams at agad na nabibigyan ng karampatang lunas.
Kaugnay rito, ikinababahala rin ng PHO na karamihan sa mga nagkakasakit o tinamaan ng dengue virus ngayon ay mga batang edad isa hanggang sampung taong gulang, kaya pinaiigting nila ang kampanya sa maagang konsultasyon. Gayunpaman, nagpaalala rin sila na ang sakit na dengue ay walang pinipiling edad at maaaring makaapekto sa sinuman.
Samantala, binigyang-diin din ni Santiago na ang "environmental sanitation" o kalinisan sa kapaligiran ang pinakamadali at epektibong paraan upang mapigilan ang pagkalat ng dengue.
Nagpaalala naman ito sa publiko na agad magpakonsulta sa pinakamalapit na health facility kung makaranas ng lagnat, pananakit ng tiyan, pagsusuka, o iba pang sintomas na may kaugnayan sa nasabing sakit.
"Kapag nakaranas po kayo ng sintomas gaya ng lagnat, sakit ng tiyan, pagsusuka and any forms of symptoms related to dengue huwag na po natin patagalin at dalhin agad sa nearest health facility para ma-check agad," pagtatapos ni Santiago.
Patuloy rin ang panawagan ng PHO kaugnay sa pagsasagawa ng 5S o ang Search and destroy, Self-protection, Seek early consultation, Support fogging and spraying, at Sustain hydration upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na dengue. (Jovy Andres)
25/03/2025
Protect your home, protect your community! The Dengue Prevention Program is a vital initiative aimed at raising awareness, eliminating mosquito breeding grounds, and ensuring a safer environment for everyone. Together, we can stop the spread of dengue and keep our families healthy. Let’s take action today!