26/02/2026
Kasabay sa ika-54 Anibersaryo ng Gosi National High School ngayong araw Pebrero 26 ay ang pagbabahagi ng kopya ng mga Artikulo ng publikasyon ng Ang Liyab.
Ang pagkakataong ito ay hindi lamang pagpapalaganap ng impormasyon kundi pagpapatibay ng pagkakaisa at diwa ng paaralan. Sa suporta ng bago ngunit batikang punong-g**o ng paaralan, Gng. Grace M. Macababbad, higit na naging makabuluhan ang bawat hakbang ng pampaaralang pahayagan.
Ang publikasyon ay patunay ng dedikasyon at pagmamahal sa paglilingkod, sapagkat buong puso nitong inialay ang oras, talento, at panahon upang maging tunay na boses ng paaralan.
Sa bawat artikulo at balitang inilalathala, naipapakita ang diwa, adhikain, at tagumpay ng buong komunidad ng Gosi National High School. Higit pa sa pagsulat, ito ay isang misyon. Ang magbigay-liwanag, maghatid ng katotohanan, at magbuklod sa bawat mag-aaral at g**o tungo sa iisang layunin.