25/05/2026
Inaanyayahan po ang lahat na makilahok at makibahagi sa paparating na Brigada Eskwela 2026!
Magsisimula po ito mula Hunyo 1, at magtatapos sa Hunyo 5, 2026, at gaganapin sa ating pinakamamahal na paaralan, ang Tubao National High School! Ang Brigada Eskwela ay taunang paghahanda sa mga pampublikong paaralan para sa ligtas at maayos na pagbubukas ng darating na klase.
Kaya't kung kayo po ay may angking kakayahan sa pagkukumpuni, at pagkakarpintero, mabubuting katangian gaya ng pagkamasipag, lalo na sa paglilinis, pagtatanim, at bukas palad na pagtulong sa anuman pong paraan, kami po sa Tubao National High School ay lubos na nagpapasalamat ngayon pa lang sa inyong paglalaan ng inyong oras sa amin, sa mga araw po na nabanggit.
Lahat po ng ito ay ginagawa natin para po sa mga Bata, at sa ating Mahal na Inang Bayan.
Maraming Salamat po!
Kita kits! ๐๐