05/07/2026
Embarks 2026 Clean-Up Drive sa Feliciano Cabuco Elementary School Annex
📍 Sunshine Ville Phase 4 Covered Court
📅 Mayo 23, 2026
🕕 6:00 AM
Isinagawa ng mga g**o ng FCES-Annex, sa pangunguna ng aming Officer-in-Charge, Ma'am Marichu M. Ibias, kasama ang aming mga Master Teacher, Ma'am Jovita B. Abraham at Sir Uldarico Baluca Jr., at ng Sangguniang Barangay, sa pangunguna nina Mark Aries Montehermoso, RV Sarmiento, at Mitchel D. Tejedor.
Nagkaisa ang lahat sa layuning makalikha ng isang malinis, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran ng paaralan bilang paghahanda sa nalalapit na Brigada Eskwela 2026. Ang inyong pakikilahok at suporta ay may malaking ambag sa pagbuo ng mas maayos na lugar ng pagkatuto para sa ating mga mag-aaral. Bawat tulong, gaano man kaliit, ay mahalagang bahagi ng ating sama-samang adhikain.
Maraming salamat sa lahat ng mga boluntaryo, magulang, g**o, at mga stakeholder sa inyong oras, pagsisikap, at taos-pusong dedikasyon.
Bayanihan para sa mas maayos na paaralan!