17/08/2026
HINAY IMPLEMENTATION, IPINATUTUPAD SA PALAWIT ELEMENTARY SCHOOL – ANNEX
Agosto 17, 2026 | Lunes
“Patuloy ang Pagkatuto, Ngunit Sa Mas Ligtas, Magaan, at Flexible na Paraan”
Patuloy na ipinatutupad ngayong Lunes, Agosto 17, 2026, ang DepEd HINAY response level sa Palawit Elementary School – Annex bilang tugon sa patuloy na sama ng panahon dulot ng Southwest Monsoon o Habagat, na pinalalakas din ng isang Low Pressure Area (LPA) na patuloy na mino-monitor habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Dahil sa nararanasang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan, binibigyang-prayoridad ng paaralan ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at mga magulang habang sinisig**o na hindi napuputol ang proseso ng pagkatuto.