26/08/2026
Tara!
BAGAY TAYO: PANITIKAN AT KASAYSAYAN
Webinar for a Cause para kay Jerry B. GrΓ‘cio
May mga pagkakataong ang panitikan ay hindi lang tungkol sa mga kuwentong binabasa at isinusulat natin. Minsan, nagiging paraan din ito para mag-abot ng tulong sa kapwa manunulat.
Ngayong Agosto 31, 2026, samahan ang Valenzuela Arts and Literary Society (VALS) sa isang Webinar for a Cause para kay Sir Jerry Gracio, kasama sina Jonathan Balsamo, German Gervacio, at Eros Atalia, para sa isang hapon ng kuwentuhan at talakayan tungkol sa panitikan at kasaysayan. Magbibigay naman ng closing remarks si Joselito Delos Reyes. Katuwang din ng VALS sa pag-oorganisa ng webinar si Beverly Wico Siy.
Malapit kay Sir Jerry ang kasaysayan ng VALS. Sa nakalipas na walong taon, ilang ulit siyang naging speaker at panelist ng Valenzuela Writersβ Workshop, at isa rin siya sa mga manunulat at cultural workers na tumulong magbigay-daan sa pagsisimula at pagpapatuloy ng palihan. Higit sa pagiging panauhin sa aming mga programa, naging mentor siya sa maraming batang manunulat at kasapi ng VALS.
Kaya sa pagkakataong ito, kami naman ang nais na makapagbalik.
Lahat ng malilikom mula sa registration fee ay direktang ilalaan bilang tulong kay Sir Jerry Gracio.
π
August 31, 2026
π 1:00 PMβ5:00 PM
π» Via Zoom Meeting
ποΈ Registration Fee: β±499 per head
Mag-register po dito: https://forms.gle/9djuzr31d8t2hEd26
Makinig. Makipagkuwentuhan. Makibahagi.
Dahil minsan, ang pinakamagandang paraan para suportahan ang isang manunulat ay ang magsama-sama para sa kaniya.