12/08/2026
MUNICIPAL BUILDING INSPECTION SA TALISAY ELEMENTARY SCHOOL
Bilang bahagi ng patuloy na pagtitiyak sa kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at buong school community, isinagawa ang Municipal Building Inspection sa Talisay Elementary School, Brgy. Talisay, Tiaong, Quezon noong August 11, 2026 kasunod ng naganap na lindol noong August 7, 2026.
Nagsagawa ng inspeksyon at assessment sa mga gusali at pasilidad ng paaralan ang mga kinatawan mula sa Municipal Engineering Office, Bureau of Fire Protection (BFP), at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Tiaong.
Kabilang sa isinagawang pagsusuri ang kondisyon ng mga silid-aralan, kisame, bubong, dingding, electrical components, at iba pang bahagi ng school facilities upang matukoy ang anumang posibleng pinsala o panganib na maaaring dulot ng lindol.
Ang naturang inspeksyon ay mahalagang hakbang upang matiyak na ang paaralan ay nananatiling ligtas, matatag, at handa para sa pagpapatuloy ng ligtas na pagkatuto ng ating mga mag-aaral.
Lubos ang aming pasasalamat sa Municipal Engineering Office, BFP, at MDRRMO–Tiaong sa kanilang agarang pagtugon, technical assessment, at pakikipagtulungan sa pagpapanatili ng kaligtasan ng Talisay Elementary School.
🤝 Kaligtasan at kahandaan—pananagutan nating lahat.
📍 Talisay Elementary School
Brgy. Talisay, Tiaong, Quezon