29/08/2025
TINGNAN I Medical Examination sa mga Student - Athletes
Sa paghahanda sa nalalapit na kompetisyon para sa mga batang atleta upang masig**o ang kanilang kalusugan at fitness, ngayong araw , nagsagawa ng pag-eksimin sa siyam na mga batang atleta sa Paaralang Elementarya ng San Agustin sa pangunguna nina Nurse Byron at Nurse Vivien.
Ang nasabing eksaminasyon ay naglalayong tukuyin ang mga kondisyong medikal na maaring makaapekto sa kanilang pagganap at kaligtasan habang sila ay nakikilahok sa mga aktibidad sa palakasan.
Sa pamamagitan ng medical examination, layunin ng paaralan na protektahan ang kalusugan ng mga mag-aaral at bigyan sila ng wastong gabay upang makapaglaro nang ligtas at may kumpiyansa.
BIYERNES I 29 AGOSTO 2025