Bedan Theatre Guild

Bedan Theatre Guild

Share

The Bedan Theatre Guild is an accredited organization of the Junior High School unit of SBU.

Photos from Bedan Theatre Guild's post 29/03/2026

Isang Masining Na Pagbati Mula Sa Bedan Theatre Guild! 🎭

Sa bawat pagtatapos ay may bagong simula, at ngayon ay ipinagdiriwang namin ang inyong mga naabot—hindi lang bilang mga miyembro ng Bedan Theatre Guild, kundi bilang mga Bedista na patuloy na lumalaban, nangangarap, at nagtatagumpay.

Ang inyong dedikasyon, sipag, at puso sa ginagawa ninyo ay nagbunga ng mga tagumpay na tunay ninyong pinaghirapan. Hindi naging madali ang lahat, pero pinili ninyong magpatuloy at ngayon, nandito kayo.

Malugod namin kayong binabati:

✨ Cloud S. Asajar
BTG President AY 2025–2026
With Honors
Recipient of Deportment Badge
Gold, Bedan Theatre Guild

✨ Nethanielle A. Yambot
BTG Vice President AY 2025–2026
Silver, Bedan Theatre Guild

✨ Franz Baraquiel B. Lacsamana
Junior Member
Certificate, Bedan Theatre Guild

✨ Ma. Rosanna Gabrielle M. Mina
BTG Documentation Committee Chair AY 2025–2026
Senior Member
Recipient of Deportment Badge

✨ Maria Isabella Soledad P. Ocampo
Junior Member

Pagbati sa inyong lahat! Ipagpatuloy ninyo ang pag-abot ng inyong mga pangarap at dalhin ang lahat ng natutunan ninyo sa susunod ninyong tatahakin

✍️: Gianna David
🖼️: Zednic Catabay

Padayon sa inyong susunod na yugto! 🎓

27/03/2026

Isang Masining Na Pagbati Mula Sa Bedan Theatre Guild! 🎭

Ngayong World Theatre Day, ipinagdiriwang natin ang sining ng teatro—isang sining na nagbibigay-boses sa mga damdaming minsang hindi nasasabi at sa mga kwentong kailangang marinig. Sa entablado, bawat linya, kilos, at emosyon ay buhay na kwento na nag-uugnay sa atin sa isa’t isa at sa mundo sa paligid natin.

Sa Bedan Theatre Guild, sama-sama kaming naglilingkod at nagpapahayag ng kwento, bawat isa ay mahalaga at may papel sa bawat pagtatanghal. Sa inspirasyon at mahusay na pamumuno ni Gregorio C. Simangan, na siyang puso at isip ng aming mga produksyon at pagtatanghal, patuloy kaming nagagabayan at nagiging mas mahusay sa sining ng teatro. Sa bawat hakbang, isinasabuhay namin ang aming motto: Para sa Diyos, Bayan, at Sining.

Mabuhay ang Teatro! 🎭✨ Patuloy nating ipagdiwang ang sining na nagbubukas ng puso at isip ng bawat isa, nagbibigay inspirasyon, at nag-uugnay sa bawat kwento sa entablado.

✍️: Gianna David
🖼️: Zednic Catabay

12/03/2026

Isang Masining na Pagbati mula sa Bedan Theatre Guild! 🎭

“Hindi si Kian ang unang kwento, pero siya lang ang kwentong nasaksihan niyo” - Aling Regina

Ngayong National Women’s Month, kinikilala at ipinagdiriwang natin ang lakas, tapang, at ambag ng bawat babae sa lipunan—mula sa mga bayaning naging pundasyon ng ating kasaysayan, hanggang sa mga lider, manggagawa, ina, at kabataang patuloy na humuhubog sa ating kinabukasan.

Sa aming pagtatanghal noong nakaraang Enero, nasaksihan natin ang karakter ni Aling Regina—isang ina at labandera na sa kabila ng hirap ng buhay at bigat ng pagdadalamhati, ay nananatiling matatag para sa katarungan at para sa kanyang anak. Si Aling Regina ang simbolo ng libu-libong kababaihang Pilipino na hindi sumusuko, na ang pagmamahal ay nagsisilbing liwanag sa gitna ng karahasan at kawalang-katarungan.

Sa pamamagitan ng sining at teatro, patuloy nating itinatanghal ang mga kwento ng kababaihan—mga kwentong puno ng pakikibaka, tagumpay, at pag-asa. Dahil ang boses ng isang babae, tulad ni Aling Regina, ay boses na dapat pakinggan at hindi kailanman dapat mapatahimik.

Kasama ninyo ang Bedan Theatre Guild sa paninindigan: WE for Gender Equality & Inclusive Society. 💜✊

✍️: Gianna David
🖼️: Zednic Catabay



25/02/2026

🎭 Isang Masining Na Pagbati Mula Sa Bedan Theatre Guild!

“Kapag lumaki ako, gusto kong maging journalist. Para maprotektahan ang bayan natin at masiguradong walang magtataksil sa katotohanan.”
— Kian

Ngayong Pebrero 25, nakikiisa ang JHS Bedan Theatre Guild sa paggunita ng EDSA People Power Revolution. Nawa’y ang ating mga entablado ay patuloy na maging lunsaran ng katotohanan at tinig. ✊🏼

Noong 1986, ang katotohanan ang naging sandata ng bayan. Hindi dahas. Hindi takot. Kundi tapang na magsalita, tapang na manindigan, at tapang na hindi magbulag-bulagan.

Sa temang “Tayo ang People Power: Noon, Ngayon, Bukas,” muling hinahamon ang bawat isa: Sino ang magtatanggol sa katotohanan kung ang kabataan ay p**iliing manahimik? Sino ang maninindigan kung ang bayan ay matatakot magsalita?

Ang People Power ay hindi lamang isang petsa sa kasaysayan.
Ito ay isang paalala na ang kapangyarihan ng bayan ay nagsisimula sa tinig ng bawat isa. Sa bawat henerasyon, may sandaling kailangang pumili – manahimik o magsalita, umatras o tumindig, manood o makialam.

Noon, nagkaisa ang bayan.
Ngayon, tayo ang tinatawag na magtakda ng kasaysayan.

Photos from The Bedan Roar - Rizal's post 02/02/2026

✊🏽

27/01/2026

🎭 Isang Masining Na Pagbati Mula Sa Bedan Theatre Guild!

Sa San Miguel Arkanghel, ang dasal ay paulit-ulit na inuusal, ngunit ang katotohanan ay patuloy na iniiwasan. Sa likod ng banal na katahimikan, may mga kasalanang piniling hindi pansinin at mga pangyayaring tinanggap sa pananahimik.

Isang bayan na sanay magdasal, ngunit takot managot. Isang katahimikan na hindi inosente.

“Ipanalangin N’yo Kami, Walang Kasalanan” ay isang dula sa panulat at direksyon ni Gregorio C. Simangan na haharap sa pananahimik, pananagutan, at sa bayang mas piniling magbulag-bulagan, magbingi-bingihan, at hindi magsalita kaysa manindigan.

Abangan ang pagtatanghal sa mga sumusunod na petsa at oras:

🗓️ January 28, 2026
• 2:00 PM — Show for SHS-R Grade
• 4:00 PM — Gala Show for Family and Friends

🗓️ January 29, 2026
• 10:00 AM — Show for JHS Grades 7 & 8

🗓️ January 31, 2026
• 10:00 AM — Show for JHS Grades 9 & 10
• 1:00 PM — Show for SHS-R Grade 11

Maghanda sa isang dulang hahamon sa katahimikan at maglalantad ng katotohanang matagal nang tinatalikuran.
Ikaw ba ay saksi sa malagim na pangyayari — o isa ka rin sa mga piniling maging pipe, bingi, at bulag?

Viva! Viva! Viva, Sto. Niño! 🎉

✍️: Gianna David
🖼️: Rob Flores

27/01/2026

Marami na ang bulung-bulungan sa bayan ng San Miguel Arkanghel. Sino nga ba ang may gawa ng kababalaghan? At sino ang tunay na saksi sa malagim na pangyayari?

Isang masining na pagbati mula sa Bedan Theatre Guild! 🎭

Abangan ang “Ipanalangin N’yo Kaming Walang Kasalanan”,
sa panulat at direksyon ni G. Gregorio C. Simangan, ngayong darating na:

📅 January 28, 2026 | 2:00 PM – Show for SHS-R Grade 12
📅 January 28, 2026 | 4:00 PM – Gala Show for Family and Friends
📅 January 29, 2026 | 10:00 AM – Show for JHS Grades 7 and 8
📅 January 31, 2026 | 10:00 AM – Show for JHS Grades 9 and 10
📅 January 31, 2026 | 1:00 PM – Show for SHS-R Grade 11

Kilalanin kung sino sa amin ang p**i, bulag, o bingi—
at hindi makaramdam. O baka naman ikaw ang tunay na saksi sa malagim na pangyayari?

Viva! Viva! Viva! Sto. Niño! 🎉

27/01/2026

Isang Masining na Pagbati mula sa Bedan Theatre Guild! 🎭

Sa likod ng mga dasal at rosaryo ng San Miguel Arkanghel, may mga lihim na unti-unting nilalamon ng katahimikan. Ang pananahimik ay naging ugali, at ang pagtalikod sa katotohanan ay tila normal na lamang sa araw-araw na buhay ng bayan.

Ang Ipanalangin N’yo Kaming Walang Kasalanan ay isang dulang nagbubukas ng sugat na matagal nang tinatakpan—isang paalala na ang hindi pagkilos ay may bigat ding pananagutan.
Sa panulat at direksyon ni G. Gregorio C. Simangan.

[Lyrics]




✍️: Kayl Wagan
🖼️: Rob Flores & Krysten Lu

19/01/2026

Isang Masining Na Pagbati Mula Sa Bedan Theatre Guild! 🎭

Sa tahimik na bayan ng San Miguel Arkanghel, puno ng dasal ang bawat sulok ngunit ang mga tao’y piniling maging bulag sa mali. Sa bawat pangyayaring hindi dapat palampasin, nananatili silang tahimik, nanonood lamang habang umiikot ang mundo sa kanilang paligid.

Ang katahimikan ay tila kapayapaan, ngunit sa ilalim nito, nagtatago ang katiwalian at kasalanan. Sa bawat dasal na walang gawa, sa bawat panalangin na walang aksyon, lumalaki ang tanong: hanggang kailan tatanggapin ng bayan ang dilim sa likod ng kanilang liwanag?

Abangan ang “Ipanalangin N’yo Kami, Walang Kasalanan”—isang dulang puno ng tanong at salamin ng lipunan, sa panunulat at direksyon ni G. Gregorio C. Simangan.

Bakit para kang duwag unti unting umaatras,
Isa ka bang tunay na duwag nakatikom kahit alam mong nangyayari?



✍️: Gianna David
🖼️: Rob Flores

Want your school to be the top-listed School/college in Taytay?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Havila Main Road, Brgy. San Juan
Taytay
1920