11/07/2024
Ang ating muling pagbabalik sa komunidad. 🫶🏻
Maraming salamat Pamahalaang Barangay San Isidro, Taytay, Rizal at SK San Isidro, Taytay, Rizal 🩷💚 sa mainit na pagtanggap sa ating programa para sa bata, at para sa bayan. 🫶🏻🇵🇭
21/06/2024
Ngayong araw ay nakipag usap tayo sa principal ng Felix M. Sanvictores Elementary School na si Mrs. Neldina G. Dela Torre, pamunuan ng SK San Isidro, Taytay, Rizal at sa Pamahalaang Barangay San Isidro, Taytay, Rizal para sa nalalapit na partnership para sa pagtatag ng Community Learning Hub sa kanilang Brgy. at pag adapt na din ng programang inilunsad ng Angat Buhay na Bayan Ko, Titser Ko.
Nagagalak ang aming puso sa pagnanais at pagtanggap nila sa programang ating ibinabahagi.
Maraming Salamat Brgy. San Isidro sa p**ikinig at pagtanggap sa programa, lagi't lagi para sa bata, para sa bayan.
14/03/2024
Excited na ba kayong makasama kaming muli, kagaya ng pananabik naming makasama kayo ulit? ☺️
Antabay lang po tayo sa ating muling pagsasama-samang bumasa at matuto, dahil di na lang tayo mananatili sa iisang lugar at kami na rin po ang pupunta sa inyo. 🤩
Dahil, lagi't lagi para sa bata, para sa bayan ang ating pangsiserbisyo.
28/11/2023
STRATPLAN PARA SA KINABUKASAN 🌸
Maraming salamat po sa pag-imbita at pagsali sa ating Brgy. Sta. Ana Community Learning Hub- Taytay, Rizal.
Lagi't lagi
16/11/2023
Maraming salamat po Kap Michael Tisoy Cruz sa ilang taong suporta sa ating Brgy. Sta. Ana Community Learning Hub- Taytay, Rizal. Hindi po namin at ng mga bata makakalimutan kung paano nyo po ginabayan at sinuportahan ang ating programa para sa mga batang mag-aaral.
Ang inyo pong pagsiserbisyo ay hindi namin makakalimutan. Muli maraming salamat po!
01/10/2023
Magandang gabi po.
Para po sa mga parents na ang anak ay may session ng Monday & Tuesday, balik na po ang session nila bukas, same time po ng session sila ng mga nagdaang araw. Pasuyo na din po pa add ang Lupang Arenda Clh para po mai-add po namin ulit kayo sa grpup chat.
Maraming salamat po.
26/09/2023
Magandang Araw po!
Sa lahat po ng magulang ng mga batang may session sa ating Brgy. Sta. Ana Community Learning Hub- Taytay, Rizal, hinihiling po naming p**i add ang ating bagong facebook account ang Lupang Arenda Clh para po sa ating komunikasyon.
Maraming salamat po.
20/09/2023
Magandang gabi po.
Malungkot po naming ipinababatid na ang facebook account ng ating Community Learning Hub ay sinuspende. Amin na po itong inaksyunan at naghihintay na lamang po kami ng kasagutan. Sa ngayon po para sa ating komunikasyon lalo na po sa mga magulang ng mga bata na may on going session dito na lamang po namin iaanunsyo ang kanilang schedule. Kung kayo naman po ay may katanungan dito na lamang din po ninyo ipadala sa ating page. Paantabay na lamang po sa ming mga susunod na annoucement.
Maraming salamat po.
06/08/2023
Maraming salamat po Angat Buhay, Atty. Leni Robredo, and Sir Barry Codera sa mga bagong supplies and equipment na magagamit sa ating Brgy. Sta. Ana Community Learning Hub- Taytay, Rizal.
Maraming salamat din po kay Konsehal Tobit Cruz sa pagsama sa ating mga tutor para kunin ang mga gamit, at kay Kap Michael Tisoy Cruz sa pag apruba sa sasakyan.
Lagi't lagi
06/08/2023
Maraming salamat po kina Mr. Jonathan and Mrs. Qweenei Chanlugay sa mga school supplies na kanilang ibinigay sa ating Brgy. Sta. Ana Community Learning Hub- Taytay, Rizal para sa mga bata, sa pamamagitan ng pamilya ni SK Kag. Teng Mabini. Pagpalain pa po kayo ng Panginoon.
Muli, maraming salamat po.
19/07/2023
Halina't samahan kaming balikan ang makasaysayang kuwento ni Lola Ana at ng Isdang Banak.
Sabay-sabay nating p**inggan ang kuwento na pinagmulan ng Brgy. Sta. Ana at ang dahilan kung bakit ating ipinagdiriwang ang piyesta ng Banak.
Handog ng Sangguniang Kabataan ng Sta Ana, Taytay Rizal kasama ang Brgy. Sta. Ana Community Learning Hub- Taytay, Rizal at Barangay Sta. Ana Reading Center and E-Library sa p**iki-isa sa selebrasyon ng Pamahalaang Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal.
Abangan ang aming pagkukuwento sa mga sumusunod na petsa at oras:
📍July 20, 2023
Lupang Arenda - Community Learning Hub
9:00 A.M
📍July 21, 2023
Pag-asa - Armal Village Multipurpose Hall
9:00 A.M
📍July 24, 2023
Exodus - Exodus Open Court
9:00 A.M
📍July 25, 2023
Central - Sta. Ana Elementary School
9:00 A.M