DepEd Bacao ES - Batangas Province

Call Contact the school

DepEd Bacao ES - Batangas Province For good of pupils in BacaoES

Happy Birthday, Ma'am Roxanne Laygo!🥳🎁Wishing you a day filled with joy, love, and beautiful memories. May this special ...
12/07/2026

Happy Birthday, Ma'am Roxanne Laygo!🥳🎁

Wishing you a day filled with joy, love, and beautiful memories. May this special day bring you endless happiness, good health, and countless blessings. Thank you for your dedication, kindness, and passion for shaping the minds and hearts of your learners.

May God continue to guide and strengthen you as you inspire others through your service and commitment. Here's to another wonderful year of success, laughter, and dreams come true.

-BESFam🥰

Maligayang Kaarawan, Sir Baltazar Ortega!🥳Maraming salamat sa inyong walang sawang dedikasyon, sipag, at pagmamahal sa p...
11/07/2026

Maligayang Kaarawan, Sir Baltazar Ortega!🥳

Maraming salamat sa inyong walang sawang dedikasyon, sipag, at pagmamahal sa pagtuturo. Ang inyong malasakit at pagiging mabuting halimbawa ay nagsisilbing inspirasyon sa inyong mga mag-aaral, kapwa g**o, at sa buong komunidad ng Bacao Elementary School.

Nawa'y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at mas marami pang taon ng masaya at makabuluhang paglilingkod. Hangad namin ang patuloy ninyong tagumpay at katuparan ng lahat ng inyong mga pangarap.

-BacaoESFam🥰

📢 ANNOUNCEMENT BACAO ELEMENTARY SCHOOLHINAY (Ease-in)Alinsunod sa DepEd Order No. 14, s. 2026 o 4H Learning Continuity P...
09/07/2026

📢 ANNOUNCEMENT

BACAO ELEMENTARY SCHOOL
HINAY (Ease-in)

Alinsunod sa DepEd Order No. 14, s. 2026 o 4H Learning Continuity Plan, ipatutupad ng Bacao Elementary School ang HINAY (Ease-in) na antas ng pagpapatuloy ng pagkatuto, ngayong araw, Hulyo 10, 2026.

Ang HINAY ay nangangahulugang mas magaan, mas mabagal, at mas nababagay na pagpapatuloy ng pagkatuto sa panahon ng mga sitwasyong maaaring makaapekto sa regular na pagpasok sa paaralan. Layunin nitong matiyak ang kaligtasan, kalusugan, at kapakanan ng mga mag-aaral habang nagpapatuloy ang kanilang pagkatuto.

Paalala sa mga Magulang at Mag-aaral:
✅ Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng paaralan at gc ng bawat baitang.
✅ Ihanda at isagawa ang mga learning materials at iba pang pangangailangan sa pag-aaral sa loob ng tahanan sa patnubay ng mga magulang.
✅ Unahin ang kaligtasan ng bawat miyembro ng pamilya.
✅ Makipag-ugnayan sa adviser para sa mga karagdagang tagubilin.

Mag-ingat, makiisa, at manatiling ligtas, mga Batang Bacaon! 💚💛

Ang Bacao Elementary School ay matagumpay na naisagawa ang School Parents-Teachers Association (SPTA) Election para sa T...
08/07/2026

Ang Bacao Elementary School ay matagumpay na naisagawa ang School Parents-Teachers Association (SPTA) Election para sa Taong Panuruan 2026–2027.

Ang halalang ito ay isang mahalagang hakbang sa pagpapatibay ng ugnayan ng paaralan, mga magulang, at komunidad upang higit na masuportahan ang pagkatuto at kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng mga magulang na naglaan ng oras at aktibong nakiisa sa gawaing ito. Binabati rin namin ang mga bagong halal na opisyal ng SPTA. Nawa’y magsilbi kayong huwarang lider at katuwang ng paaralan sa pagtataguyod ng mga programang makatutulong sa ating mga mag-aaral.

Sa pagkakaisa ng paaralan at tahanan, mas matatag nating mabubuo ang kinabukasan ng bawat batang Bacaon.

Maraming salamat at mabuhay ang Bacao Elementary School! Mabuhay SPTA OFFICERS 2026-2027.

Warmest birthday wishes to two wonderful members of the Bacao Elementary School family!Happy Birthday, Ma'am Karoleen Fa...
06/07/2026

Warmest birthday wishes to two wonderful members of the Bacao Elementary School family!

Happy Birthday, Ma'am Karoleen Fajilagutan!🥳
Your dedication, patience, and passion as a Grade 1 Teacher inspire young learners to dream, grow, and succeed. Thank you for nurturing the minds and hearts of your pupils with love and excellence. May your special day be filled with happiness, good health, and countless blessings.

Happy Birthday, Ma'am Ruth Banaag!🥳
As the Administrative Officer II of Bacao Elementary School, your commitment, efficiency, and unwavering support contribute greatly to the success of our school. Thank you for your hard work and dedication. May God continue to bless you with wisdom, strength, good health, and abundant joy.

May this new year of your lives bring you endless opportunities, beautiful memories, and continued success in both your personal and professional journeys.

Wishing you both a day filled with love, laughter, and God's richest blessings.🎂🎈🎁

🎉 Happy Birthday, Ma'am Karoleen Fajilagutan and Ma'am Ruth Banaag!🎂

-BESFam🥰

06/07/2026
Bacao Elementary School joins the nation in the Simultaneous Flag Raising Ceremony in commemoration of the 10th Annivers...
06/07/2026

Bacao Elementary School joins the nation in the Simultaneous Flag Raising Ceremony in commemoration of the 10th Anniversary of the 2016 South China Sea Arbitral Award.

Today, we honor a significant milestone in Philippine history that upholds our nation's sovereignty, maritime rights, and commitment to the rule of law. Through this activity, we continue to instill patriotism, national pride, and civic responsibility among our learners.

As one school community, we stand united in promoting awareness of the importance of safeguarding our country's rights and preserving peace through respect for international law.

Alinsunod sa rekomendasyon ng ating MDRRMO, suspendido ang Face to Face classes dahil sa heavy rainfall outlook dulot ng...
01/07/2026

Alinsunod sa rekomendasyon ng ating MDRRMO, suspendido ang Face to Face classes dahil sa heavy rainfall outlook dulot ng LPA ngayong Hulyo 1, 2026.

Ang Bacao ES ay nasa status na HINAY ( EASE IN). Ang bawat gawain sa alinmang asignatura ay iaakma sa pamamagitan ng flexible learning arrangements upang matiyak na magpapatuloy ang edukasyon habang inuuna ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o at kawani.

Pinapayuhan ang mga mag-aaral at magulang na makipag-uganayan sa kanilang mga g**o sa pamamagitan ng opisyal na paraan ng kanilang komunikasyon kapag ganitong nasa flexible learning modality.

Inaasahan din ang patnubay ng mga magulang sa kanilang mga bata.

Sa lahat ng pagkakataon panatilihin ang pagiging mabuti, responsable, alerto at may respeto.

Gabay sa Class Suspension at Learning ContinuityPara sa kaalaman ng lahat ng mag-aaral, magulang, at mga g**o ng Bacao E...
30/06/2026

Gabay sa Class Suspension at Learning Continuity

Para sa kaalaman ng lahat ng mag-aaral, magulang, at mga g**o ng Bacao Elementary School, mahalagang maging handa sa panahon ng tag-ulan. Alinsunod sa DepEd Learning Continuity Framework (Hayo-Hinay-Hinga-Hinto), layunin nating matiyak ang kaligtasan ng lahat habang ipinagpapatuloy ang de-kalidad na edukasyon.



Mga Antas ng Paghahanda:

HAYO (Normal Operations): Walang banta ng baha, passable ang lahat ng kalsada, at normal ang panahon.
Action: Regular ang pasok sa paaralan.

HINAY (Mild Disruption): May yellow rainfall warning at TCWS 2-2.
Action:Magpapatuloy ang klase na may kaukulang adjustments ayon sa payo ng School DRRM Team.

HINGA (Significant Disruption): May orange rainfall warning.
Action: Suspendido ang in-person classes; magpapatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng modular at home activities.

HINTO (Emergency Level): May red rainfall warning at malawakang pagbaha.
Action: Suspendido ang lahat ng klase. Prayoridad ang life safety at pag-activate sa School DRRM Response Clusters.

Proseso ng Pagdedesisyon at Class Suspension:

Ang proseso ng pagdedesisyon ay nakasalalay sa mahigpit na koordinasyon ng paaralan at lokal na pamahalaan.

Para sa class suspension, may mga pagkakataong awtomatikong ipinatutupad batay sa umiiral na mga patakaran ng DepEd at PAGASA. Sa mga localized na sitwasyon tulad ng pagbaha, masamang panahon, o iba pang kalamidad na nakaaapekto sa ating bayan, ang opisyal na deklarasyon ng class suspension ay maaaring ipalabas ng Punong Bayan (Mayor) bilang Local Chief Executive, batay sa assessment at rekomendasyon ng MDRRMO, MDRRMC, mga paaralan, at iba pang kinauukulang ahensya. Ang impormasyon ay nanggagaling sa Class Adviser at School DRRM Coordinator, na ipapasa sa School Head at School District Supervisor para sa kaukulang aksyon.

Paalala:
Mangyaring laging sumubaybay sa ating Official School page, class group chats, at text messages para sa pinakahuling opisyal na anunsyo.

Ligtas na paaralan, tuloy-tuloy na pagkatuto!

14/06/2026

🎉 **WRAP-UP OF OPENING BLOCK ACTIVITIES** 🎉

Bacao Elementary School successfully concluded its **Opening Block Activities** from **June 8–11, 2026.

Throughout the four-day Opening Block, our learners actively participated in various activities designed to promote a positive learning environment, strengthen classroom routines, establish school expectations, foster social and emotional development, and ensure readiness for meaningful learning experiences.

The school extends its heartfelt appreciation to our dedicated teachers, supportive parents, stakeholders, and learners for their cooperation and active participation, which contributed to the successful conduct of these activities.

As we move forward, we are now ready to embark on the **Instructional Block**, where focused teaching and learning experiences will further nurture the knowledge, skills, values, and competencies of our learners.

Together, let us continue to make this school year productive, engaging, and successful for every child.



Address

Taysan
4228

Telephone

+639456021303

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Bacao ES - Batangas Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Bacao ES - Batangas Province:

Shortcuts

Share

Category