01/08/2026
Warning: Para sa nagnanais lang na magbasa at magsuri.
I had the unfortunate experience of listening to Sara Duterte’s entire speech in The Hague. Mahigit thirty minutes ng maling batas, baluktot na kasaysayan, conspiracy theories at allegations na ginawang “proven” dahil lang sinigawan ng crowd ng “correct.”
May nabilang akong 45 false, misleading o unsupported claims.
Hindi natin mababasa ang isip niya para sabihing sinadya ang bawat mali. Pero kayang patunayan ng public records, batas at simpleng logic na unreliable ang 45 claims na ito.
I. ANG PINAKAGLARING NA KASINUNGALINGAN AT HISTORICAL REVISIONISM
1. Noong 2016 lang daw unang narinig ang EJK at Davao Death Squad.
Ito ang isa sa pinakanakakabahalang kasinungalingan sa speech.
Noong 2009 pa, may detalyadong Human Rights Watch report, CHR hearings at public documentation tungkol sa alleged Davao Death Squad. May reports pang tumutukoy sa mga pagpatay mula late 1990s at early 2000s.
Hindi inimbento ni Trillanes noong presidential campaign ang issue. Election issue na noong 2016 ang alegasyong mahigit isang dekada nang public.
Hindi ito memory lapse. Pagbura ito sa kasaysayan ng mga pinatay.
2. “President Duterte never did anything against Trillanes.”
Ito ang pinakamadaling pasinungalingan dahil may Supreme Court decision.
Si Duterte mismo ang naglabas ng Proclamation No. 572 para bawiin ang amnesty ni Trillanes at buhayin ang criminal cases na dismissed na.
Idineklara ng Supreme Court na unconstitutional ang revocation at lumabag sa due process, equal protection, double jeopardy at prohibition against ex post facto laws.
“Never did anything” daw—habang may buong desisyon ang Korte Suprema na nagdedetalye kung ano ang ginawa niya at kung bakit labag sa Konstitusyon.
3. “Mar Roxas was the candidate of Trillanes.”
Diretsong mali.
Grace Poe ang official presidential candidate na inendorso ng Magdalo. Tumakbo namang independent vice-presidential candidate si Trillanes at hayagang nangampanya para kay Poe.
Ginamit ni Sara ang maling detalye para mag-imbento ng motive na inatake ni Trillanes si Duterte para protektahan si Roxas.
Maling premise, kaya bagsak ang conclusion.
4. “Walang ibang kaso ang ICC maliban kay Duterte.”
Mali sa antas na kayang sagutin ng isang visit sa ICC website.
May cases at situations ito sa Afghanistan, Bangladesh–Myanmar, Burundi, Côte d’Ivoire, Darfur, Georgia, Kenya, Libya, Mali, Palestine, Uganda, Ukraine at iba pa.
Hindi private courtroom ni Digong ang The Hague.
5. Si Duterte raw ang “one and only” accused o detainee.
Marami nang suspects, accused persons, detainees, convicted persons at fugitives ang dumaan sa ICC system.
Ang pagiging sentro ng political universe ng pamilya Duterte ay hindi nangangahulugang siya rin ang nag-iisang defendant sa buong planeta.
6. Mula raw 30,000, naging 13,000, tapos 32 na lang.
Pinaghalo niya ang magkakaibang categories para magmukhang umurong ang kaso.
Ang 30,000 ay broad estimate ng national drug-war deaths. Ang ibang figures ay official police counts, charged incidents, identified victims o allegations laban sa ibang accused persons.
Hindi lumiit ang iisang listahan. Nagpalit lang siya ng units habang umaasang walang makakapansin.
7. “32 counts” lang daw ang kaso ni Duterte.
Pinaghalo niya ang counts, incidents at victims.
Ang count ay legal charge. Ang incident ay pangyayari. Ang victim ay tao.
Hindi interchangeable ang tatlo. Kapag mali ang units mo, hindi legal analysis ang resulta—word problem na bagsak.
8. “Hindi maaaring maging crime against humanity ang government program.”
Baliktad ang batas na ipinaliwanag niya.
Sa Article 7 ng Rome Statute, maaaring maging crime against humanity ang criminal acts na bahagi ng widespread o systematic attack at isinagawa pursuant to or in furtherance of a state or organizational policy.
Hindi lahat ng government program ay krimen. Pero walang immunity ang krimen dahil nilagyan ito ng pangalan, logo at government budget.
9. Ang zero-tolerance policy laban sa droga raw ang ginagawang krimen.
Straw man.
Walang nagsasabing crime against humanity ang pagiging kontra-droga. Ang allegation ay ipinatupad umano ang campaign sa pamamagitan ng widespread o systematic unlawful killings.
Hindi ang slogan ng policy ang sinusuri. Ang alleged method of implementation ang usapin.
10. Kapag may namatay sa implementation, bad governance lang daw iyon.
Ang mabagal na serbisyo, sablay na procurement at maling rollout ay maaaring bad governance.
Kung mapatutunayang deliberate, widespread o systematic unlawful killings ang nangyari, hindi na iyon simpleng administrative error.
Hindi “operational lapse” ang bangkay.
II. ANG NUMBER-GAMES AT PAGBURA SA MGA BIKTIMA
11. Hindi raw matukoy kung drug-war victims talaga ang mga nasa kaso.
Hindi random listahan ng lahat ng homicide sa Pilipinas ang sinusuri ng ICC.
May specific incidents, dates, locations, alleged perpetrators, documents, witnesses at contextual evidence.
Hindi pa nito pinatutunayang guilty si Duterte. Pero mali ring sabihing hindi alam ng korte kung anong incidents ang hawak nito.
12. Baka raw love triangle, hold-up o personal na away lang ang mga pagpatay.
Hindi depensa ang pag-imbento ng alternative scenario na walang incident-specific evidence.
Para mapasinungalingan ang prosecution, kailangang ipakita niyang ang mismong charged incidents ay bunga ng selosan, hold-up o private conflict.
Ang “posible” ay hindi awtomatikong “malamang,” lalo na kung wala kang pruweba.
13. Isang libro lang daw ng isang taong kaduda-duda ang pundasyon ng kaso.
Mali ang paglalarawan.
Ang ICC proceedings ay may witness testimony, official statements, documents, police-related records, open-source evidence, legal submissions at multiple judicial decisions.
Hindi book report ang kaso. Hindi rin isang tao lang ang kabuuan ng evidentiary record.
14. Kapag kuwestiyonable ang isang author o witness, bagsak na raw ang buong kaso.
Hindi ganoon gumagana ang evidence.
Maaaring ma-discredit ang isang witness habang nananatili ang documents at testimony ng iba. Maaaring mali ang isang source pero corroborated ng independent evidence ang isang fact.
Hindi puwedeng “ayaw ko sa isang author, delete all.”
III. ANG ALTERNATE HISTORY LABAN KAY TRILLANES
15. Si Trillanes raw ang original at halos nag-iisang complainant na gumawa ng ICC case.
Mali.
Si lawyer Jude Sabio ang nagsumite ng unang communication noong April 24, 2017. Supplemental communication lamang ang isinampa nina Trillanes at Gary Alejano noong June 2017.
At kahit sino pa ang nag-submit, prosecutor at judges ang independently nag-assess ng information.
Hindi naging Trillanes v. Duterte ang pangalan ng kaso.
16. Dalawang taon daw pagkatapos ng withdrawal bago nagsimula ang anumang inquiry.
Selective chronology.
Binuksan ni Prosecutor Fatou Bensouda ang preliminary examination noong February 2018, higit isang taon bago naging effective ang withdrawal noong March 17, 2019.
Binura ni Sara ang 2018 dahil kapag isinama iyon, guguho ang kuwento niyang saka lamang gumalaw ang ICC nang nakaalis na ang Pilipinas.
17. Si Karim Khan daw ang prosecutor na nagsimula ng investigation.
Mali ang chronology.
Si Fatou Bensouda ang nagbukas ng preliminary examination noong 2018 at humiling ng authorization para sa formal investigation noong May 2021.
Pumalit lamang si Khan habang umaandar na ang proseso. Hindi siya ang gumawa ng kaso mula simula.
IV. ANG SARILING BERSIYON NIYA NG ROME STATUTE
18. Magkakaroon daw ng “300-year investigation” dahil sa withdrawal rule.
Walang unlimited jurisdiction ang ICC sa Pilipinas.
Ang sakop ng situation ay alleged crimes committed habang bound pa ang Pilipinas sa Rome Statute—November 1, 2011 hanggang March 16, 2019.
Hindi ito 300-year subscription plan.
19. Puwedeng kasuhan ang Pilipinas 50 years later para sa mga bagong krimen pagkatapos ng withdrawal.
Mali.
Ang retained jurisdiction ay tungkol sa alleged conduct noong State Party pa ang Pilipinas. Hindi nito awtomatikong sinasakop ang mga bagong krimen pagkatapos maging effective ang withdrawal.
Nilabanan niya ang legal rule na siya rin ang nag-imbento.
20. Dahil nag-withdraw ang Pilipinas, burado raw agad ang jurisdiction.
Hindi iyon ang sinasabi ng Article 127.
Nakasulat doon na hindi binubura ng withdrawal ang obligations na nabuo habang State Party ang isang bansa at hindi nito pinipinsala ang continued consideration ng matter na under consideration na bago naging effective ang withdrawal.
Puwedeng tutulan ang interpretation ng ICC. Hindi puwedeng magkunwaring walang Article 127.
21. Dahil hindi agad binuksan ang full investigation, nawawala raw ang jurisdiction.
Walang automatic expiration rule na ipinakitang legal basis si Sara.
Ang relevant questions ay kailan nangyari ang alleged crimes, kailan naging effective ang withdrawal at kung under consideration na ang matter—not kung gaano kabilis gumalaw ang prosecutor.
22. Dahil gumagana ang mga korte sa Pilipinas, automatic nang bawal ang ICC.
Hindi building inspection ang complementarity.
Sa Article 17, ang tanong ay kung genuinely iniimbestigahan o pinoprosecute ng state ang parehong tao at substantially the same conduct.
Puwedeng gumagana ang judiciary sa libo-libong kaso ngunit kulang ang genuine proceedings sa partikular na alleged crimes.
Ang “may courthouse tayo” ay hindi magic password.
23. Anumang ICC involvement ay awtomatikong insulto sa sovereignty.
Ang Pilipinas mismo ang nag-ratify sa Rome Statute noong 2011.
Ang treaty obligation ay hindi foreign invasion. Isa itong obligasyong boluntaryong tinanggap ng isang sovereign state.
Kasama sa sovereignty ang kapangyarihang pumasok sa treaties. Hindi puwedeng tawaging panghihimasok ang rules ng kasunduang tayo rin ang pumayag.
24. Hindi raw maaaring gamitin ng ICC ang public statements nila.
Walang rule sa Rome Statute na ginagawang legally invisible ang public speeches ng politicians at supporters.
May freedom of expression sila. Pero kung relevant ang statements sa intent, knowledge, network, witness influence o flight risk, maaaring suriin iyon ng korte.
Freedom of speech means puwede kang magsalita. Hindi ibig sabihin na mabubura ang recording pagkatapos.
25. Hindi raw maaaring isaalang-alang ang rallies at international support.
Hindi krimen ang rally at hindi krimen ang pagsuporta kay Duterte.
Pero kung ang issue ay lawak ng network, resources, international contacts o mga taong maaaring tumulong sa relocation, relevant ang evidence ng support system.
Hindi punishment ang pag-consider nito. Risk assessment iyon.
26. Dahil walang nagbabawal sa kanilang magsalita, hindi na raw magagamit ang sinabi.
Category error.
Walang nagbabawal sa isang suspect na magpa-interview, pero maaaring gamitin ang interview bilang evidence. Walang nagbabawal mag-text, pero puwedeng maging exhibit ang text.
Pinaghalo ni Sara ang “lawful to say” at “irrelevant to the case.” Hindi pareho iyon.
27. “Kinidnap” si Duterte—parang final legal finding na.
Ang established fact: inaresto siya ng Philippine authorities batay sa ICC warrant at isinuko sa korte.
Ang “kidnapping” ay legal characterization ng kanyang pamilya at defense, hindi final judicial finding.
Puwedeng kuwestiyunin ang legality ng local arrest. Pero ang disputed argument ay hindi nagiging settled fact dahil sinigaw sa rally.
28. Sinabi raw ng ICC na hindi mahalaga kahit paano o saan hinuli ang isang tao.
Caricature ito ng legal issue.
Magkaiba ang tanong kung regular ang local arrest at kung nawawalan ba ng jurisdiction ang international court dahil sa alleged irregularity sa surrender.
Hindi ibig sabihin ng distinction na “okay lang sa ICC ang kidnapping.” Pinadali niya ang doctrine hanggang maging mas madaling ikagalit ng crowd.
V. ANG RELEASE ARGUMENT NA PARANG PHYSICAL-EDUCATION TEST
29. Kailangan daw mawala ang lahat ng tatlong risks bago maaaring i-detain.
Basahin ang Article 58: appearance at trial, obstruction, “or,” where applicable, continuation of crimes.
“Or,” hindi “and.”
Hindi kailangang sabay-sabay na mapatunayan ang tatlong grounds. Isang two-letter word lang ang kailangan niyang basahin, pero doon pa nadulas ang legal lecture.
30. Hindi raw flight risk si Duterte dahil hirap siyang maglakad.
Ang flight risk ay hindi 100-meter dash.
Maaaring mailipat ang physically weak person gamit ang sasakyan, private arrangements, money, political contacts at supporters.
Kaya network at resources ang sinusuri ng korte—not kung kayang tumakbo papuntang airport.
31. Popular support lang daw ang basehan ng flight risk.
Misleading.
Maaaring tingnan sa assessment ang resources, political influence, international contacts, supporters at kakayahang maitago o mailipat sa ibang lugar.
Pinalabas niyang dahil lang maraming sumigaw ng “Bring him home,” ikinulong ang kanyang ama. Mas komplikado ang law kaysa attendance count sa rally.
32. Dahil matanda at may sakit, awtomatikong dapat i-release.
Seryosong humanitarian concern ang edad at kalusugan at dapat itong independently monitored.
Pero hindi automatic legal eraser ang old age. Kailangang timbangin ang medical findings, ability to participate, risks at available safeguards.
Ang family testimony ay hindi kapalit ng independent clinical assessment.
33. Hindi raw obstruction risk dahil nakapagsalita sina Matobato at Lascañas.
Non sequitur.
Ang hindi pagpigil sa dalawang publicly known witnesses ay hindi nagpapatunay na imposibleng maimpluwensiyahan ang ibang witnesses, documents o proceedings.
Para itong pagsasabing hindi mo ginalaw ang dalawang halaman, kaya imposibleng nakasira ka ng hardin.
34. Ang pagtanggi ni Duterte na makipag-cooperate ay patunay na hindi siya nag-obstruct.
Hindi.
Ang noncooperation ay maaaring legal o political position. Pero hindi ito certificate na wala siyang kakayahang impluwensiyahan ang investigation.
Magkaiba ang “hindi ako tutulong” at “imposible akong manghimasok.”
35. “Nothing has happened” sa kaso nang mahigit isang taon.
Mali kahit tingnan lang ang court calendar.
Nagkaroon ng warrant, arrest, surrender, initial appearance, evidence disclosures, jurisdictional motions, detention proceedings at iba pang judicial actions.
Maaaring sabihing mabagal. Hindi puwedeng sabihing walang nangyari habang may bundok ng pleadings at decisions.
VI. ANG KARIM KHAN DISTORTION
36. Dahil nagkaroon ng conflict issue si Khan, void na raw ang buong kaso.
Seryoso at legitimate ang appearance-of-bias issue at tama lamang na ma-disqualify ang conflicted official.
Pero hindi nito awtomatikong binubura ang documents, witness evidence, prosecution filings at rulings ng independent judges.
Ang misconduct o conflict ng isang prosecutor ay dapat imbestigahan. Hindi iyon delete button para sa buong judicial record.
37. Lihim na nakipagnegosasyon si Marcos sa ICC habang kabaligtaran ang sinasabi sa publiko.
Nasaan ang document? Sino ang negotiator? Kailan ang meeting? Ano ang agreement? May email, minutes, transcript o direct witness ba?
Wala siyang ipinakita.
“His left hand was doing negotiations” sounds cinematic. Pero creative writing is not evidence.
VII. ANG “TUTA” AT MALETA CONSPIRACY
38. “Tuta ni Marcos at Trillanes ang ICC.”
Ang ICC ay pinamamahalaan ng Assembly of States Parties na binubuo ng 125 bansa. Ang budget nito ay inaaprubahan at pinopondohan sa pamamagitan ng assessed contributions ng mga bansang gaya ng Japan, Germany, France, Canada, Australia at South Korea.
Wala nang boto ang Pilipinas dahil effective ang withdrawal natin noong March 17, 2019.
Kaya paano naging “tuta” ng dalawang politiko mula sa bansang hindi na miyembro ang isang institusyong pinopondohan at pinangangasiwaan ng 125 sovereign states?
Hindi geopolitics ang argument niya. Fan fiction iyon na may microphone.
39. “Proven” na raw na may perang ipinadala para pondohan ang ICC case.
Hindi. May affidavits at allegations.
Ang affidavit ay sworn allegation, hindi automatic certificate of truth. Kailangan pa rin itong patunayan sa pamamagitan ng documents, corroborating witnesses, bank records at cross-examination.
May mga perjury at cyberlibel proceedings pang kaugnay ng ilan sa mga paratang. Kaya ang tamang salita ay “alleged,” hindi “proven.”
40. Napatunayan na raw na ICC investigators ang tumanggap ng pera.
Kahit mapatunayan pang may nagpalit ng piso sa dolyar at naghatid ng maleta, hindi pa rin nito pinatutunayang ICC official ang final recipient.
Sino ang tumanggap? Saan ibinigay? May acknowledgment ba? May bank trail? May communication?
Nilaktawan ni Sara ang buong chain of custody at dumiretso sa conspiracy.
41. Nabili raw ng pera ang buong imbestigasyon.
Walang ipinakitang pangalan ng sinuhulang investigator, financial trail papunta sa ICC, internal order, communication o judicial finding na naimpluwensiyahan ng pera ang kaso.
Ang ICC budget ay may formal approval process at independent auditing. Hindi ito sari-sari store na mabibili ng isang maletang hindi nga matukoy kung kanino napunta.
42. “Traitors” sina Marcos at Trillanes dahil sa ICC.
Puwedeng gamitin ang “traydor” bilang political insult. Pero hindi iyon automatic legal conclusion.
Sa Article 114 ng Revised Penal Code, may partikular na elements ang treason: paglevy ng war laban sa Pilipinas o pag-adhere sa enemies at pagbibigay sa kanila ng aid or comfort.
Hindi puwedeng palitan ni Sara ang Revised Penal Code ng vocabulary niya sa rally.
43. Ginawang “Asian poster boy” raw si Duterte dahil kailangan ng ICC ng token Asian.
Walang policy, memorandum, witness o dokumentong nagsasabing may racial quota ang ICC at kailangan nitong kumuha ng Asian defendant.
Nag-imbento siya ng motive, walang ipinakitang ebidensiya, saka ipinahayag na parang institutional fact.
Kapag mahina ang legal argument, apparently puwedeng gumawa ng imaginary casting call.
44. “Tapos na ang ICC sa Blacks.”
Mali. May nagpapatuloy na cases at situations sa Darfur, Libya, Mali, Uganda, Democratic Republic of the Congo, Central African Republic at iba pang African states.
Legitimate na punahin ang historical concentration ng ICC sa Africa. Pero ang “tapos na sila sa Blacks” ay racial caricature, hindi legal analysis.
45. Hindi raw kayang habulin ng ICC ang mga puti.
Mali. May warrants ang ICC laban sa Russian officials, kabilang si Vladimir Putin, at may proceedings sa Ukraine, Georgia at iba pang non-African situations.
Puwedeng punahin ang unequal enforcement. Hindi puwedeng sabihing walang puting hinahabol habang naka-post sa sariling website ng ICC ang mga warrant.
ANG BOTTOM LINE
Ito ang formula ng speech ni Sara:
Kapag affidavit ng kakampi: “proven.”
Kapag official court record laban sa kanila: “walang basehan.”
Kapag adverse ruling: bayaran ang korte.
Kapag walang ebidensiya: secret negotiations.
Kapag mali ang bilang: paghaluin ang death estimates, legal counts, incidents at victims.
Kapag mali ang history: isigaw nang malakas bago makapag-Google ang audience.
At kapag hindi kayang sagutin ang ebidensiya, siraan ang complainant, prosecutor, judges, victims at buong institution.
Hindi ito legal analysis.
Propaganda ito na humawak ng mikropono at umasa na sapat ang palakpak para maging jurisprudence ang kasinungalingan.