25/11/2025
🎁"Munting Regalo ng Pagmamahal at Pag-asa, Handog ay Ngiti at Saya sa mga Bata" 🤩
Ramdam na ramdam ang maagang pamasko sa Maniniog Elementary School.
Ngayong araw, ang aming munting paaralan ang kanilang napili—kahit malayo, narating pa rin kami ng Tarlac Provincial Group sa pangunguna ni PCOL Franklin P. Estoro, Acting Provincial Director kasama ang Mayantoc Police Station sa pangunguna ni Acting Chief of Police, PMAJ Christine A. Camacho.
Sa bawat ngiti ng aming mga bata, ramdam ang init ng kanilang malasakit. 😊
May munting sorpresa para sa lahat ng mga mag-aaral: school supplies, tsinelas at meryinda. May karagdagan pang bigas sa mga piling mag-aaral at cash prizes para sa mga batang sumayaw at nagpasaya.🥰
Hindi rin nakalimutan ang aming mga g**o- health kits at bond papers ang kanilang handog bilang pagkilala sa aming serbisyo.❤️
Hindi lang regalo ang dala nila…
Ito ay pag-abot ng pag-asa, pagmamahal, at inspirasyon sa bawat isa sa amin.❣️
Mula sa aming puso at sa aming paaralan sa pangunguna ng aming butihing puning-g**o na si Dr. Lemwell Lagunero maraming, maraming salamat po sa inyong lahat. 🙏
Ang araw na ito ay mananatiling nakatatak sa aming ala-ala bilang araw ng kabutihan at Pasko. ❤️
Nawa'y patuloy po kayong pagpalain ng ating Panginoon 🙏