21/08/2026
DAY 2 LEADERSHIP TRAINING || ๐๐๐๐, ๐๐๐๐โฆ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐? ๐ง๐ค
Sa pangalawa at huling araw ng aming pagsasanay, hindi lamang kaalaman ang aming natamo, kundi mga aral na maaaring magsilbing gabay sa pagharap namin sa mga hamon bilang isang kabataan.
Sa pamamagitan ng Juvenile Act Awareness, mas napalalim ang aming pag-unawa sa aming karapatan, pananagutan, at proteksiyong nararapat para sa aming mga kabataan. Natutunan natin na ang pagiging isang kabataan ay hindi lamang tungkol sa pribilehiyo, kundi pati na rin ang pag-unanawa sa ating desisyon, kilos, at pananagutan.
Samantala sa Project CALM ay binigyan tayo ng pagkakataong huminto sandali, huminga, makinig, at kilalanin ang ating sarili. Sa mga pag-uusap tungkol sa kalusugang pangkaisipan gaya ng HIV at AIDS, pag-iwas sa pag-abuso ng sigarilyo, v**e, at drugs, teenage pregnancy, at puberty education, mas naging bukas ang ating mga mata sa mga isyung tunay na kinakaharap ng mga kabataan.
Ang pagsasanay na ito ay tuluyang nang natapos, ngunit ang mga aral na ating natutunan ay dala natin sa pagharap sa mga susunod na araw.
Sa pagsagot sa katanungan na โ๐๐๐ญ๐, ๐๐๐ญ๐โฆ ๐ฉ๐๐๐ง๐จ ๐ค๐ ๐ง๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐ก๐๐ง๐๐?โ Sa kaalaman, sa malawak na pag-unawa, sa tapang, at sa mga taong handang makinig, gumabay, at sumabay sa iyong paglalakbay. ๐ฉถ