BBHS-Usbong

BBHS-Usbong

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BBHS-Usbong, School, Tarlac.

Ang Usbong ay Opisyal na Pahayagan ng Baras-Baras High School na naglalayong makapaghatid ng mga napapanahong balita at mga isyu sa paaralan,komunidad at bansa.

12/06/2023

School Governance Council kinilala sa Baras-Baras High School

Kinilala ang School Governance Council sa BBHS sa panguguna ni Dr. Mamerto L. Ragel Jr.,Punongg**o ng paaralan.

Alinsunod sa DepEd Order no. 26 s 2022 o Implementing Guidelines of the Establishment of School Governance Council (SGC)tinalakay ni Dr.Ragel ang kahalagahan ng pagkakaroon at pagbuo ng School Governance Council na magiging katuwang ng paaralan sa lahat ng programa at proyekto ng paaralan.

Ang SGC ay magsisilbing daan upang matugunan at maisagawa nang maayos ang anumang usapin sa loob at labas ng paaralan, ito rin ang magsisilbing tagapamahala sa mga School Committees tulad ng School Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Committee, Child Protection Committee (CPC), Supreme Student Government, Faculty Club, Non-Teaching Association at iba pang DepEd-recognized Organizations.

Layunin din ng SGC na magkaroon ng ugnayan ang paaralan sa mga Stakeholders, matulungan ang paaralan sa pagpapaunlad at pagpapanatili ng maayos at de kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral ng BBHS.Magiging kaagapay rin ng paaralan ang SGC sa pagrerekomenda ng mga paraan upang maisaayos ang mga serbisyo ng paaralan na makakatulong upang maging maganda ang School Performance.

Ang mga miyembro ng BBHS-SGC ay laging naglalaan ng oras upang makilahok sa mga proyekto at programa ng paaralan.Sinisig**o ang kapakanan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng paaralan para sa patuloy na pag-unlad ng Baras-Baras High School.

Photos from BBHS-Usbong's post 15/04/2023

Nasa PAGBASA ang Pag-asa..

Patuloy na isinasagawa ng mga g**o ng Baras-Baras High School sa mga asignaturang English at Filipino ang pagpapalawig sa Division Memorandum No.187,s.2022 na naglalayong mapunan at matulungan ang mga mag-aaral na nahihirapan sa pagbabasa.

Alinsunod sa proyekto ng Tarlac City Schools Division na Recovery and Engagement of Struggling readers through Curriculum Updates and Explicit Instruction o Project RESCUE sinisikap ng paaralan na matugunan ang pangagailangan ng mga mag-aaral sa pagbabasa.

Sa pangunguna ng mga Subject Focal Persons na sina Ma'am Fides C. Bondoc(English) at Lea Joy C. Tabaquero-Espinosa(Filipino), Reading Coordinators Ma'am Ma.Fatima C. Felix at sa pag gabay ni Dr.Mamerto L. Ragel, Jr.,School Principal, patuloy na isinasagawa ang pagtuturo at pagpapabasa sa mga mag-aaral na nabibilang sa Non-Decoders at Non-Comprehenders.

Sinisikap ng paaralan na maisakatuparan ang layunin ng Project RESCUE na ang bawat mag-aaral ay nakakabasa at nakakaunawa.Kasalukuyan ring isinasagawa ng mga g**o ang Midyear Assessment upang patuloy na mabigyang pansin ang mga mag-aaral na nangangailangan ng atensyon sa pagbabasa.

Ang pagbasa ay maituturing na pag-asa para sa mga mag-aaral hindi lamang sa kasalukuyan maging sa kanilang hinaharap.




29/11/2022

Mahalagang aral ang iniwan ni G*t. Andres Bonifacio sa kanyang akdang tula na "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa" sapagkat dito ay ibinahagi niya na ang pagmamahal para sa bansa ay hindi pansarili, bagkus iniisip niya rin ang mga taong nakapaligid dahil isinasaalang-alang niya ang kapakanan at kabutihan para sa lahat.

Ngayong Nobyembre 30, ating gunitain ang ika-159 anibersaryo ng kapanganakan ng Ama ng Himagsikang Pilipino at Supremo ng Katipunan na si G*t. Andres Bonifacio.

Nararapat na tularan ang hangarin ng bayani sapagkat ito ang sumisimbolo ng
masidhing pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan.

Photos from DepEd Tayo Youth Formation - Baras-Baras High School's post 16/11/2022
15/11/2022

HEADS UP, BBHSians!

Congratulations to all qualifiers for the BBHSians Got Talent!
Also, we would like to take this opportunity to thank all auditionees who showcased their skills and talents.

See you tomorrow for the Semi-Finals!





Photos from Mayor Cristy Angeles's post 15/11/2022
Photos from OK sa DepEd - Baras-Baras High School's post 11/11/2022
Photos from BBHS-Usbong's post 10/11/2022

OPLAN 3in1..Kalusugan,Kabataan at Ligtas na Pamayanan

Matagumpay na naisakatuparan ang pagsasagawa ng Seminar tungkol sa Mental Health at National Drug Education Program(NDEP) sa Baras-Baras High School,November 10,2022.

Naging maayos ang pagsasagawa ng Seminar tungkol sa Mental Health bilang bahagi ng Oplan Kalusugan(OK sa Deped)One Health Week Celebration ngayong araw sa pamumuno ni Dr.Mamerto L. Ragel Jr.kasama ang mga masisipag na G**o na sina Ma'am Jenalyn R.Pamintuan,Health Leader at Ma'am Mary Jane S. Madriaga,Guidance Designate ng BBHS.

Kasama rin sa nasabing seminar ang pagpapaliwanag sa masamang dulot ng Droga sa mga Kabataan sa pangunguna ni Barkada Kontra Droga(BKD)Focal Person Ma'am Zipporah Q. Espinosa,katuwang ang mga magagaling na Jail Officers na sina Ma'am Daisy Fawayan at Ma'am Rhodajill Dizon mula sa Tarlac City Jail-Female Dormitory.

Binigyang linaw rin sa Seminar ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa kanilang mga Karapatan bilang pagsunod sa DepEd Order No.28,2018 na Child Abuse and the Rights of the Children at bilang bahagi ng Policy and Guidelines ng Oplan Kalusugan.

Sinalihan ng mga SSG Officers,BKD Officers at mga piling representante ng bawat baitang ang makabuluhang Seminar.

Layunin ng pamunuan ng Baras-Baras High School na matugunan ang panawagan at proyekto ng Kagawaran ng Edukasyon na magkaroon ng wastong Kalusugan,protektadong Kabataan at Ligtas na Pamayanan ang bawat mag-aaral ng BBHS.






📷Ma'am Jenalyn R. Pamintuan

Want your school to be the top-listed School/college in Tarlac?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Tarlac

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm