14/08/2022
Sa opisyal na paglulunsad ng Oplan Balik Eskwela para sa SY 2022-2023 ngayong araw, sama-sama tayong manalangin para sa maayos na pagsasagawa ng mga preparasyon para sa mas ligtas na balik-aral.
12/06/2022
Ang Kagawaran ng Edukasyon ay kaisa ng buong sambayanan sa pagdiriwang ng ika-124 anibersaryo ng proklamasyon ng kasarinlan ng Pilipinas na may temang "Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas".
Sa paggunita ng Araw ng Kalayaan ngayong taon, ating sariwain ang naging bayanihan ng bawat isa upang malampasan ang mga hamon ng nagdaang panahon upang magbigay-daan sa isang mapagpalayang bukas.