04/10/2025
Maligayang Pagbati sa Iyong Kaarawan, ERIN AIN LUDIA!!
Ang masipag, magaling, at maaasahan naming Vice President! 🌟
Mula sa buong Filipino Club, kami’y taos-pusong nagpapasalamat sa iyong walang sawang pamumuno, sipag, at dedikasyon sa bawat gawain ng ating samahan. Lagi kang naaasahan. Ang iyong husay sa pamumuno at malasakit sa bawat miyembro ay tunay na kahanga-hanga.
Nawa’y maging makulay, masaya, at puno ng biyaya ang iyong kaarawan!
– FILIPINO CLUB 💞
05/08/2025
Let the celebration begin! 🇵🇭
Opisyal nang nagsimula ang Buwan ng Wika sa IBA HIGHSCHOOL!
Salamat sa mga g**o at mag-aaral na nakibahagi sa opening announcement.
Sama-sama nating ipagdiwang ang ating wika, kultura, at pagkakaisa. 💛
26/07/2025
Maligayang Pagbati sa Iyong Kaarawan, JAZZTT MORALES!
Ang masigasig naming External Secretary!
Mula sa buong Filipino Club, kami’y lubos na nagpapasalamat sa iyong walang sawang pakikipag-ugnayan, sipag, at dedikasyon para sa ikauunlad ng ating samahan.
Nawa’y naging masaya, makabuluhan, at hitik sa biyaya ang iyong kaarawan. Patuloy kang pagpalain at magsilbing inspirasyon sa kapwa kabataan!
Mabuhay ka, at muli—Maligayang Kaarawan! 🎉🇵🇭
-FILIPINO CLUB 💞
16/07/2025
Maligayang Pagbati sa Iyong Kaarawan Angeline monique R. Corpuz!, Ang mahal Naming Ingat-Yaman!
Mula sa buong Filipino Club, kami’y lubos na nagpapasalamat sa iyong sipag, tiyaga, at malasakit para sa ating samahan. Nawa’y maging masaya, makabuluhan, at puno ng biyaya ang iyong kaarawan.
Mabuhay ka, at muli—Maligayang Kaarawan! 🎉🇵🇭
-FILIPINO CLUB💞
03/07/2025
Alamin, yakapin, paunlarin, at tangkilikin ang sariling atin!
✍️ Maging bahagi ng Filipino Club sa SY 25-26!
22/09/2024
Goodl luck and God bless you all 😊
01/04/2024
Kaisa ang SAMAHANG FILIPINO ng Mataas na Paaralan Ng Iba sa pagkilala at pagtataguyod ng iba't ibang uri ng panitikan sa bansa, lalo na sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikang Pambansa ngayong taon.
Ang Abril ay Buwan ng Panitikang Pambansa! 📝📖
Kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon ng buong bansa sa pagkilala at pagtataguyod ng iba't ibang uri ng panitikan sa bansa, lalo na sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikang Pambansa ngayong taon.
May temang “Ang Panitikan at Kapayapaan,” layunin ng pagdiriwang ngayong taon na magbigay-daan sa malayang pagtalakay kung ano ang mga kahalagahan at kontribusyon ng panitikan sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng kapayapaan sa bansa at sa mga komunidad. Sa pamamagitan nito, lalong mapagyayaman ang diskurso sa konsepto ng kapayapaan at maipararating sa mamamayang Pilipino ang papel ng panitikan sa lipunan.
Pinangungunahan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ang paggunita sa Buwan ng Panitikang Pambansa o National Literature Month ay alinsunod sa Proklamasyon Blg. 968, s. 2015.
Para sa updates kaugnay ng pagdiriwang, tumutok dito sa official page ng DepEd Philippines.