Deped Tayo - Tanjay City Division

Website

Deped Tayo - Tanjay City Division The Official page of DepEd Tanjay City Division.

20/09/2026
20/09/2026

Sa harap ng insidente ng karahasan sa mga paaralan, batid natin na kailangan ang mas maagap na aksyon—hindi lamang matapos ang insidente, kundi upang maiwasan ito.

Patuloy na pinaiigting ng DepEd ang mga polisiya at programang naglalayong protektahan ang bawat mag-aaral at ang buong school community.

Ngunit hindi ito kayang gawin ng isang ahensya lamang. Kailangan ang sama-samang pagkilos ng mga ahensya, LGUs, paaralan, pamilya, at buong komunidad.

Kaya itinutulak ng DepEd ang Joint School Safety Task Force kasama ang DILG at PNP, upang palakasin ang koordinasyon at agarang tugunan ang mga safety gaps.

20/09/2026

Tiniyak ni Education Secretary Sonny Angara na priyoridad ng DepEd ang pagbibigay ng sapat at angkop na suporta sa buong school community upang makayanan at makabangon mula sa matinding karanasang dulot ng insidente.

20/09/2026

Ibinahagi ni Education Secretary Sonny Angara ang pakikipagtulungan ng DepEd sa DILG at PNP upang masuri at mapalakas ang mga polisiya at hakbang para sa seguridad sa paaralan, at matugunan ang mga kakulangan sa pagpapatupad nito.

20/09/2026
20/09/2026

Sa gitna ng naganap na insidente sa Banga, South Cotabato, muling binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang pagtutok sa mental health at kapakanan ng mga kabataan.

19/09/2026

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 136, s. 2026, suspendido ang trabaho sa mga ahensya at instrumentalities ng National Government, kabilang ang GOCCs at state universities and colleges, sa September 28, 2026, simula 1:00 PM.

Magpapatuloy naman ang operasyon ng mga ahensyang nagbibigay ng basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo.

Ang hakbang ay bahagi ng paggunita sa 34th National Family Week at Kainang Pamilya Mahalaga Day 2026.

Basahin: https://www.officialgazette.gov.ph/tFb8bC

Address

North National Highway, Opao, Brgy IX
Tanjay
6204

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Deped Tayo - Tanjay City Division posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share