DepEd Tayo Talisay SHS - Batangas

DepEd Tayo Talisay SHS - Batangas

Share

The only Public Senior High School in Talisay, Batangas.

21/05/2026

๐Ÿ“ฃ๐‡๐š๐ง๐๐š ๐ง๐š ๐›๐š ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ? ๐€๐ง๐จ? ๐“๐š๐ซ๐š! ๐Ÿ‘จ๐Ÿปโ€๐Ÿ”ง๐Ÿงน๐Ÿงด

๐€๐›๐š๐ง๐ ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐€๐ง๐ฎ๐ง๐ฌ๐ฒ๐จ
Para sa iba pang impormasyon, mangyaring nakasubaybay sa ating page
DepEd Tayo Talisay SHS - Batangas


Photos from DepEd Tayo Talisay SHS - Batangas's post 20/05/2026

๐Ÿ“ข๐—ข๐—ฃ๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž ๐—˜๐—ฆ๐—ž๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng Taong-Panuruan 2026โ€“2027, ang Talisay Senior High School ay aktibong nakikiisa sa Oplan Balik Eskwela 2026.
Narito ang mahahalagang petsa na dapat tandaan:

โœ…๏ธ Enrollment Period & Brigada Eskwela: June 1-5, 2026
โœ…๏ธOplan Balik Eskwela: June 01-11, 2026
โœ…๏ธSimula ng Klase: June 08, 2026

Para sa maayos na pagbabalik-eskwela, narito ang Oplan Balik Eskwela 2026 โ€“ Public Assistance Command Center (OBE-PACC) na nakahandang sumagot sa inyong mga katanungan o alalahanin.



Photos from DepEd Tayo Talisay SHS - Batangas's post 18/05/2026

๐—ฆ๐˜๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ด๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฆ๐—›๐—ฆ ๐—–๐˜‚๐—ฟ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜‚๐—น๐˜‚๐—บ, ๐˜๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ผ๐—ฟ๐˜†๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป; ๐—ง๐—ต๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ-๐—ง๐—ฒ๐—ฟ๐—บ ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ฟ, ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น, ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก| Matagumpay na naisagawa ng Talisay Senior High School ang oryentasyon tungkol sa Three-Term Calendar at Strengthened SHS Curriculum na dinaluhan ito ng mga mag-aaral sa Grade 11 at Grade 12 kasama ang kanilang mga magulang at guardian bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng Taung-Panuruan 2026โ€“2027, Mayo 18, 2026.

Sa pambungad na pananalita, hinikayat ni Lea H. Sangalang ang mga magulang at mag-aaral na suportahan at makiisa sa mga bagong polisiya at programang ipinatutupad ng Kagawaran ng Edukasyon para sa ikabubuti ng pag-aaral at kinabukasan ng mga kabataan.

Sa isinagawang oryentasyon, tinalakay ang ibaโ€™t ibang mahahalagang usapin kaugnay ng pagbubukas ng klase gaya ng ipinaliwanag ni Dr. Lorena M. Polon, Assistant Princioal ang tungkol sa three-term school calendar at ang mga pagbabagong kaakibat nito sa iskedyul ng pag-aaral ng mga mag-aaral.

Samantala, ibinahagi naman ni Ma'am Alreen Mitzchell S. Alvarez ang mahahalagang detalye tungkol sa Strengthened Senior High School Curriculum, kabilang ang mga bagong tampok at layunin nito upang higit na mapaunlad ang kalidad ng edukasyon para sa mga mag-aaral.

Hinimay rin ni Sir Nestot B. De Torres ang Landas Toolkit upang matulungan ang mga mag-aaral na makapili ng angkop na cluster at elective subjects na tutugma sa karerang pipiliin ng mag-aaral.

Tinalakay rin ni Ma'am Roselyn L. Caviente ang kahalagahan ng Brigada Eskwela at hinikayat ang pakikiisa ng mga magulang, mag-aaral, at iba pang stakeholder upang matiyak ang maayos, ligtas, at handang paaralan para sa pagbubukas ng klase.

Nagsagawa rin ng plan of study para sa mga mag-aaral sa Grade 11 na pinangunahan ni Ma'am Vanessa P. Vasquez upang matukoy ang mga nais na cluster at elective subjects ng mga mag-aaral alinsunod sa kanilang interes at napiling larangan.

Bukod sa oryentasyon, namahagi rin ng libreng school supplies ang LGU Talisay sa lahat ng mag-aaral sa pangunguna ni Mayor Nestor D. Natanauan na malaking tulong ito sa mga mag-aaral at magulang bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase.

Bagamaโ€™t hindi nakadalo si Ma'am Jaena N. Dela Cerna dahil sa napakahalagang gawain sa dibisyon, pinaabot pa rin niya ang kanyang pakikiisa at suporta sa matagumpay na pagsasagawa ng gawain para sa kapakanan ng mga mag-aaral at ng buong komunidad ng paaralan.

Nagbigay rin ng mensahe ng suporta si Rheanna Amiel Hernandez SSLG President at Mr. Mardel Acebo, SPTA President.

Ipinaabot naman ni Dr. Agnes J. Parma ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang, mag-aaral, g**o, at stakeholder na dumalo at nakiisa sa nasabing oryentasyon.


Photos from DepEd Tayo Talisay SHS - Batangas's post 18/05/2026

๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐˜†, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜‚๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น ๐˜€๐˜‚๐—ฝ๐—ฝ๐—น๐—ถ๐—ฒ๐˜€

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก| Patunay ng tunay na malasakit sa edukasyon ang isinagawang pamamahagi ng school supplies ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay sa pangunguna ni Nestor D. Natanauan, Mayo 18, 2026.

Malaki ang maitutulong ng mga ipinamahaging school supplies sa mga mag-aaral at magulang, lalo na sa paghahanda para sa pagbubukas ng Taung-Panuruan.

Sa panahon ng patuloy na pagtaas ng gastusin, ang ganitong programa ay nagsisilbing kagaanan sa mga pamilya at suporta upang mas mapagtuunan ng pansin ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral nang may kumpiyansa.

Sa mensahe naman ni Mayor NDN, ipinarating niya ang kanyang patuloy na suporta sa paghahatid ng makabuluhang edukasyon sa bawat batang Talisenyo kaya puspusan ang kanyang pagtulong na mapabuti ang bawat paaralan sa Talisay at paghahatid ng pag-asa sa mga kabataan.

Buong pusong nagpapasalamat ang Talisay Senior High School sa pangunguna ni Maโ€™am Jaena N. Dela Cerna, School Principal, kasama ang mga Assistant Principal na sina Dr. Lorena M. Polon at Dr. Lea H. Sangalang sa walang sawang suporta ng lokal na pamahalaan.

Ang bawat lapis, kuwaderno, at school supplies na ipinagkaloob ay hindi lamang kagamitan sa pag-aaral, kundi simbolo rin ng pagmamalasakit at paniniwala sa kakayahan ng bawat kabataan na maabot ang kanilang mga pangarap.

Maraming salamat po, LGU Talisay!

Maraming salamat po, Mayor NDN!

17/05/2026

Happy Birthday to our SSLG President, Rheanna Amiel Hernandez!

As you begin your journey of leadership this coming S.Y 2026-2027, may you continue to lead with confidence, wisdom, and a genuine heart for service. Your school community believes in your potential and looks forward to the positive impact you will create.

May this year bring you happiness, strength, and success both as a student and as a leader. Keep shining and inspiring others in your own simple yet meaningful ways.

Happy Birthday, Rheanna!

โ€Ž๐ŸŽ‰ ๐‡๐€๐๐๐ˆ๐„๐’๐“ ๐๐ˆ๐‘๐“๐‡๐ƒ๐€๐˜ ๐ญ๐จ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐’๐’๐‹๐† ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ, ๐€๐ข๐ฆ๐ข๐ž๐ฅ ๐‡๐ž๐ซ๐ง๐š๐ง๐๐ž๐ณ! ๐ŸŽ‰
โ€Ž
โ€ŽOn this special day, we celebrate not only your birthday but also the amazing person and leader that you are. Your kindness, dedication, confidence, and passion continue to inspire many students and make a positive difference in our school community. Thank you for always leading with courage, responsibility, and a genuine heart.
โ€Ž
โ€ŽMay this new chapter of your life be filled with endless blessings, happiness, success, and unforgettable memories. May you continue to achieve your dreams and inspire others with your strength and determination. Always remember that your SSLG family appreciates all of your hard work, efforts, and the care you give to everyone around you.
โ€Ž
โ€ŽWe hope your day is filled with laughter, love, surprises, and all the things that makes your heart happy. You truly deserve all the good things life has to offer. Never stop shining and believing in yourself because you are capable of achieving great things. ๐ŸŒปโœจ
โ€Ž
โ€Ž๐‘‚๐‘›๐‘๐‘’ ๐‘Ž๐‘”๐‘Ž๐‘–๐‘›, ๐ป๐‘Ž๐‘๐‘๐‘ฆ ๐ต๐‘–๐‘Ÿ๐‘กโ„Ž๐‘‘๐‘Ž๐‘ฆ, ๐ด๐‘–๐‘š๐‘–๐‘’๐‘™! ๐ธ๐‘›๐‘—๐‘œ๐‘ฆ ๐‘ฆ๐‘œ๐‘ข๐‘Ÿ ๐‘ ๐‘๐‘’๐‘๐‘–๐‘Ž๐‘™ ๐‘‘๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘Ž๐‘›๐‘‘ ๐‘š๐‘Ž๐‘ฆ ๐บ๐‘œ๐‘‘ ๐‘๐‘œ๐‘›๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘ข๐‘’ ๐‘ก๐‘œ ๐‘”๐‘ข๐‘–๐‘‘๐‘’ ๐‘Ž๐‘›๐‘‘ ๐‘๐‘™๐‘’๐‘ ๐‘  ๐‘ฆ๐‘œ๐‘ข ๐‘Ž๐‘™๐‘ค๐‘Ž๐‘ฆ๐‘ . ๐ŸŽ‚๐ŸŽˆ
โ€Ž
โ€Ž๐–๐ข๐ญ๐ก ๐ฅ๐จ๐ฏ๐ž,
โ€Ž-๐™Ž๐™Ž๐™‡๐™‚ ๐™๐˜ผ๐™ˆ!๐ŸŽ€
โ€Ž

15/05/2026

Warmest birthday wishes, Sir Mark!

On your special day, we just want to remind you how deeply you are lovedโ€”today and always.

Thank you for your passion, dedication, and unwavering commitment that have truly transformed the learning journey of every TaliSHenyoS.

You donโ€™t just teachโ€”you inspire, empower, and shape futures.

Because of you, classrooms become spaces of growth, confidence, and possibility.

May your birthday mark the beginning of another year filled with purpose, beautiful moments, and continued success.

Happy birthday, our dear Sir Mark!

Photos from DepEd Tayo Talisay SHS - Batangas's post 15/05/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฎ๐˜€ | ๐—ข๐—ฟ๐˜†๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป

Inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral ng Grade 12 at lahat ng mga mag-aaral na nag-enrol sa Grade 11, kasama ang inyong mga magulang na dumalo sa gaganapaing oryentasyon ngayong Mayo 18, 2026, 7:30 AM sa School Multi-Purpose Covered Pathway, kasabay rin nito ang pamamahagi ng school supplies mula sa LGU Talisay.

Narito ang mga mahahalagang paksang tatalakayin:
โ€ข Strengthened SHS Curriculum
โ€ข Three-Term School Calendar
โ€ข LANDAS Toolkit
โ€ข Brigada Eskwela

Mahalaga ang inyong pagdalo upang maging malinaw ang inyong mga katanungan tungkol sa mga bagong polisiya ng DepEd at maging handa sa pagbubukas ng panibagong Taung-Panuruan 2026-2027.

Sama-sama nating tahakin ang landas tungo sa kalidad na edukasyon at tagumpay.

Inaasahan po namin ang inyong 100% na pagdalo. Magdala rin po ng inuming tubig at pamaypay dahil sa inaasahanh init ng panahon.

Photos from DepEd Tayo Talisay SHS - Batangas's post 14/05/2026

๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž | A heartfelt birthday surprise was prepared for Dr. Lea H. Sangalang, our Assistant Principal in celebration of her special day.

The celebration became a meaningful expression of appreciation for her inspiring leadership, unwavering dedication, and motherly care for the entire school community.

We truly love and appreciate you, Maโ€™am Lea. โค๏ธ

Photos from DepEd Tayo Talisay SHS - Batangas's post 14/05/2026

๐—ง๐—ฆ๐—›๐—ฆ, ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ป ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜†๐˜€๐˜๐—ฒ๐—บ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฒ๐˜€

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก| Nakiisa ang Talisay Senior High School sa Regional Orientation on Learning System Reform Policies na isinagawa pamamagitan ng simultaneous online orientation na ginanap sa isinagawa sa NDN Resorts and Events Place, Mayo 14, 2026.

Layunin ng nasabing oryentasyon na mapalalim ang kaalaman ng mga g**o hinggil sa mga polisiya at repormang pang-edukasyon na nakatuon sa pagpapabuti ng kalidad ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.

Tinalakay rin dito ang mahahalagang estratehiya at programang magsisilbing gabay sa mas epektibong implementasyon ng mga learning reforms sa mga paaralan.

Isang pribilehiyo naman na kasama ng Talisay Sub-office si Dr. Marites A. Ibaรฑez, CESO V, Schools Division Superintendent.

Dumating din si Dr. Jessa Guerra, kinatawan ng SDO Batangas Province para i-monitor ang pakikilahok ng Talisay Sub-office.

Nagpapasalamat naman ang paaralan sa
pangunguna ni Maโ€™am Jaena N. Dela Cerna, School Principal, kasama sina Dr. Lea H. Sangalang at Dr. Lorena M. Polon, mga Assistant Principal sa LGU Talisay sa pangunguna ni Mayor Nestor D. Natanauan pagsuporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng komportableng venue at pagkain gayundin kay Dr. Ginalyn U. Macaraig, PSDS na naging daan upang maging posible ito.

Patuloy namang ipinapakita ng Talisay SHS ang aktibong pakikiisa at suporta nito sa mga programang naglalayong maisulong ang dekalidad at inobatibong edukasyon para sa bawat mag-aaral.






Photos from DepEd Tayo Talisay SHS - Batangas's post 13/05/2026

๐—ฆ๐˜‚๐—บ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฅ๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ, ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜†-๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก| Tuloy-tuloy ang implementasyon SHS Summer Remediation Program para sa Pagbasa at Matematika bilang bahagi ng malawakang adhikain ng Kagawaran ng Edukasyon na matugunan ang mga pangangailangang akademiko ng mga mag-aaral.

Kudos rin sa mga g**ong pagtuloy na naglalaan ng oras para maglingkod sa mga Batang TaliSHenyoS.

12/05/2026

A school becomes a home when it is led by someone with a motherโ€™s heart, nurturing, guiding, inspiring, and caring for everyone beyond duty and responsibility.

Today, we celebrate the birthday of the woman who serves as the loving mother of Talisay Senior High School, our dear Assistant Principal, Dr. Lea H. Sangalang.

Your warmth brings comfort, your wisdom gives direction, and your unwavering dedication strengthens the entire school community. Like a true mother, you uplift every learner, support every teacher, and lead the school with compassion, grace, and genuine care.

Thank you for being a source of inspiration, strength, and kindness to the Talisay SHS family. Your presence continues to make our school not just an institution, but a home filled with purpose and hope.

May your birthday be filled with the same love and joy you generously share with others every day. May God continue to bless you with good health, happiness, and more years of meaningful service.

Happy Birthday, Dr. Lea!

Want your school to be the top-listed School/college in Talisay?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Tumaway
Talisay
4220

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm