Samahan ng Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino - STWF Talavera

Samahan ng Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino - STWF Talavera

Share

Ang opisyal na page ng STWF NEUST-MGT

04/10/2022

Maraming Salamat, aming G**o!

Oktubre 5 ay isang pagdiriwang alay sa ating pangalawang mga magulang, ang ating mga G**o, araw ng pagpupugay at pagbibigay parangal sa kanilang dedikasiyon, kagitingan at sakripisyo.

Kaya sa Sandaling ito atin silang pasalamatan upang higit nilang maramdaman ang kanilang tungkulin sa pang araw-araw.

Photos from Samahan ng Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino - STWF Talavera's post 31/08/2022

Sertipiko ng Pagkilala!

Lubos na nagpapasalamat ang STWF - Samahan ng Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino sa lahat ng mga Mag-aaral at G**o na nagbigay ng kanilang buong puso na dedikasyon at kakayahan upa ng maisagawa ang Birtuwal na pagdiriwang ng Kulminsayon para sa Buwan ng Wika 2022.

Narito ang mga Mag-aaral at G**o na aming gagawaran ng Sertipiko ng Pagkilala para sa kanilang Dedikasyon.

Pagbati!

Photos from Samahan ng Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino - STWF Talavera's post 31/08/2022

Sertipiko ng Pagkilala!

Tunay na ang Puso, Talento, at Kakayahan ng MGTian"s ay hindi patitinag sa kahit anong larangan.

Narito ang lahat ng nagwagi at nagpamalas ng kanilang angking galing sa lahat ng patimpalak na ating ginanap birtuwal sa NEUST-MGT.

Pagbati

28/08/2022

Tuwing ika-29 sa buwan ng agosto ay ating ginugunita ang Araw ng mga Bayani, ito ay bilang pagpupugay sa kanilang mga kadakilaan, kahusayahan, katalinuhan at lakas na ibinigay para sa ating inang bayan.

Sa panahon ng pandemiya atin din kilalanin ang mga nagsilbing makabagong bayani sa ating lipunan, ang nag-alay ng kanilang sarili para sa kapakanan ng mga tao sa kanilang paligid.

Isang pagpupugay sa lahat ng bayani ng ating bansang minamahal, ang bansang pilipinas!

Photos from Samahan ng Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino - STWF Talavera's post 25/08/2022

Mga Opisyales at Nagsisilbing Tagapayo ng STWF sa taong Pamunuuan 2022-2023

Photos from Samahan ng Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino - STWF Talavera's post 25/08/2022

Isang Pagbati!

Pormal ng iprinoklama at nanumpa ang mga Opisyales ng STWF - SAMAHAN NG TAGAPAGTAGUYOD SA WIKANG FILIPINO sa Pangunguna ng mga G**ong Tagapayo Gng. Patricia A. Diaz at Ericson L. Nepomuceno, PhD.

Ang mga Opisyales ay nanumpa sa harapan ng Ating Administrador Gng. Marciana DC. Soriano.

24/08/2022

Isang pagbati!

Maligayang Kaarawan sa Masipag, Maaasahan at Laging nandiyan na nakasuporta sa Ina ng STWF, Gng. Patricia Alcantara Diaz, Nawa ay patuloy ka pang pagpalain at Biyayaan ng Malusog at Malakas na pangangatawan at isipan, upang iyong magampanan ang lahat ng tungkulin na iniatang sa iyo.

Muli, Maligayang Kaarawan po!🥳

Photos from Samahan ng Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino - STWF Talavera's post 24/08/2022

Isang Pagbati!

Tunay na ang Puso, Dedikasyon at Kakayahan ng MGTian's ay isang Palaban!

Pagbati sa ating mga piling mag-aaral na Nagkamit ng Pwesto sa Patimpalak na Ginanap ng Buong NEUST kaugnay sa Selebraryon ng Buwan ng Wikang Pambansa 2022 na may Tema: " Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha"

Pagpupunyagi din sa Lahat ng Dalubturo na walang sawa na sinubaybayan ang bawat Kalahok!

07/08/2022

MGTians's, Handa ka na ba?

Eto na! Siguradong-sigurado na. Papunta na tayo sa Exciting Part dahil Pormal ng Pasisimulan ang Eskwela para sa Taong 2022-2023.

Manatili sa Inyong mga Tahanan at Ang Iyong Panulat at Papel ay ihanda!

Lagi ninyong tatandaan, hindi ka nag-iisa, Kasama mo ang SMTF sa Pagtuklas ng Bukas.

Photos from Samahan ng Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino - STWF Talavera's post 06/08/2022

MAGANDANG ARAW MGA MAG-AARAL NG NEUST-MGT!

Ngayong Agosto ay pinagdiriwang natin ang Buwan ng ating Wika! Ang wikang nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan at ang kaluluwa ng ating bansa.

Para sa pagsalubong natin sa selebrasyon ng Buwan ng Wika, narito ang ilan sa mga patimpalak na maaari ninyong salihan! Ito ay bukas para sa lahat ng mag-aaral mula sa NEUST-MGT.

Kaya ano pang hinihintay mo, kaibigan? Tara na! Ipakita ang iyong natatanging talento at ibandera ito sa madla! Hihintayin ka namin!😉

Para sa mga nagnanain sumali, magpadala lamang kayo ng mensahe gamit ang messenger sa mga taong nakatalaga sa bawat kurso/programa.

Para sa mga mag-aaral mula sa BEEd:
Dominic Mimis Antonio
Emy Rose Gargoles
Maybeline Cordero

Para sa mga mag-aaral mula sa BSBA:
Fredrhick Dimalanta
Jamaica Ados Dionisio
Mariane Manuel

Para sa mga mag-aaral mula sa BSIT
Rafael Torres
Augusto Alcaraz
John Elder Mendoza
Blessie Nazar

Photos from Samahan ng Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino - STWF Talavera's post 06/08/2022

SA TAGISAN NG KAKISIGAN AT KAGANDAHAN, ANG NEUST-MGT AY HINDI 'YAN AATRASAN!

Ang bawat ningning ng bituin ay may kaakibat na layunin,
Kagandahan at kakisigan ay hahamunin.
Ginoo, at binibining may natatanging adbokasiya,
Pagpapahalaga sa wika ay inyong ipakita.

Narito ang Ginoo at Binibing Buwan ng Wika 2022! Ipakita sa sa mga tao ang pagiging malikhain at iparinig ay iyong natatanging layunin.

Ito ay bukas sa lahat ng mag-aaral mula sa NEUST-MGT. Para sa mga nagnanais na sumali, sagutin lamang ang ilang katanungan na makikita sa googe form na nakalagay sa ibaba.

Kaibigan, ang kagandan at kakisigan, hindi tinatago 'yan!😉

Google forms link: https://docs.google.com/forms/d/1z8yDuFbXykNvk6GCfQqmuEaLkeX7PjalwquiWPzYM1M/edit

Want your school to be the top-listed School/college in Talavera?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


NEUST-MGT
Talavera
3114