Life4Kids

Life4Kids

Share

Mark 10:14

Photos from Life4Kids's post 11/05/2026

Life4Kids πŸ’•
Sa 2nd week namin, pinag-aralan namin ang kwento ng paralytic man na dinala ng kanyang mga kaibigan kay Jesus.
Kahit puno ang bahay at hindi sila makapasok sa pinto, hindi sila sumuko. Umakyat sila sa bubong, gumawa ng butas, at ibinaba ang kaibigan nila para lang madala siya kay Jesus.

Dito natin makikita na ang tunay na kaibigan ay handang tumulong at magdala ng iba palapit kay Jesus, kahit mahirap o hindi madali ang paraan.

Mula sa kwentong ito, natutunan ng kids na ang tunay na kaibigan ay hindi sumusuko, hindi nang-iiwan, handang tumulong, magdasal, at magdala ng iba palapit kay Jesus kahit mahirap ang sitwasyon.

"May mga taong dumating na may dalang isang paralitiko, at buhat siya ng apat na tao."
Mark 2:3



Photos from Life4Kids's post 07/05/2026

Friendship is one of God’s beautiful gifts. πŸ’›

This month of May, our theme is all about friendship.
For our first activity, our kids made letters for their friends and people who make them feel loved and appreciated. βœ‰οΈ
Sa murang edad, gusto naming matutunan nila na ang tunay na friendship ay may kindness, encouragement, at love na galing kay Lord.



26/04/2026

This is not just watching over kids.
This is planting God’s Word, shaping hearts, and building a strong foundation of faith.

What we do today will impact who they become tomorrow.
We are raising the next generation for Christ.

Be part of what God is doing.
Join Life4Kids! ✨

Photos from Life4Kids's post 25/04/2026

Last month of Joy & Gratitude theme 😊

Ending this month with grateful hearts.
From laughter to little victories, nakita namin ang kabutihan ni Lord sa bawat bata.

Joy and Gratitude indeed! πŸ™Œ



Photos from Life4Kids's post 18/04/2026

DVBS 2026 Photobooth 🫢🏻

Photos from Life4Kids's post 18/04/2026

DVBS 2026 Awarding... πŸ…
Congratulations sa lahat ng kids! πŸ‘
We’re so proud of you sa inyong effort at participation.
Keep growing and keep sharing God's love! πŸ’›

Photos from Life4Kids's post 18/04/2026

Daily Vacation Bible School GRADUATION DAY! πŸŽ“

Natapos na ang 5 days na DVBS, at sobrang saya ng journey na 'to kasama ang mga batang ito.
Everyday, nakita namin kung paano sila natuto, nag-enjoy, magpatawad, makinig, at unti-unting mas nakilala si Jesus.

Nakaka-proud kayo, kids! πŸ‘
Dalhin niyo sana ang mga natutunan niyo at patuloy kayong mag-grow at i-share si Jesus sa iba 😊

Lord, maraming maraming salamat po sa lakas, provision, at guidance mula Day 1 hanggang Day 5. Lahat ng ito ay para sa Inyo. ☝🏻

Taos puso po kaming nagpapasalamat sa aming mga sponsors sa inyong suporta, tulong at kabutihan. Hindi na po namin mababanggit lahat pero malaking tulong po kayo para maging posible ang DVBS na ito. Pagpalain pa kayo ng ating Panginoon. πŸ’š

At sa aming mga teachers, maraming salamat sa inyong time, effort, at sacrifices. Nakita namin kung paano niyo minahal at inalagaan ang bawat bata.
Nakita ng Panginoon lahat ng yun. 🫢🏻

Sa Diyos ang lahat ng Papuri! ✨

Photos from Life4Kids's post 18/04/2026

DVBS Day 5 DONE! πŸŽ‰

Last day na namin today and grabe, nandun yung saya at learnings.

From Day 1 hanggang Day 5, nakita namin kung paano kumilos si God sa bawat bata. Nakita namin ang joy, participation, at mga pusong unti-unting nakikilala si Jesus.

Sa huling araw, natutunan nila na hindi lang itatago ang faith kundi mag GO at ibahagi si Jesus sa iba!

Katulad ng isang stop light ang paglilingkod natin sa Panginoon ay kailangan ng;
STOP- ang kasalanan
WAIT- maging handa at lumago (magbasa ng bible, mag pray at sundin si Lord)
GO- ibahagi si Jesus sa iba

Thank you sa lahat ng teachers, volunteers at sponsors na tumulong sa amin sa gawain ng Panginoon. At syempre, sa lahat ng kids.

we are so proud of you! πŸ’š




Photos from Life4Kids's post 17/04/2026

54 kids attended on our 4th day! 🫢🏻



Photos from Life4Kids's post 17/04/2026

DVBS Day 4! ☝🏻πŸ₯³

Isa na namang araw ng saya, pagod, at pagpapala! Sobrang nakakatuwa makita yung consistency ng mga batang ito. Grabe yung eagerness nila makinig, sumali sa activities, at matuto pa lalo tungkol kay Lord.

Thank You Lord sa strength at joy na binibigay Mo sa amin araw-araw. Nakita namin agad yung pagbabago nila. Hindi man madali, pero sobrang worth it makita ang mga batang ito na unti-unting nahuhubog. 🫢🏻

Konti na lang, patapos na ang DVBS! πŸ™Œβœ¨



Want your school to be the top-listed School/college in Taguig?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Tangpuz Street
Taguig
1630