04/06/2025
๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ ๐๐๐ 201 '23-'24 ๐๐ถ๐ฎ๐ฟ๐,
ang daming nangyari sa dalawang taon na magkakasama tayong lahat no? mula sa mga naipanalong events, sa isang araw na naka corporate attire tayo kasi inobserve tayo ni ma'am principal, sa napalanunang best reading nook, sa best radio drama, sa successful na flair event at mga businesses natin sa entrep, hanggang sa aircon na one week free trial lang yung lamig, sa mga sirang upuan na sana di mapunta sa atin, sa mga bintana na kung hindi basag ay napakahirap isara, pati na rin yung projector natin na kalahi ata ni shrek dahil sa kulay. di rin makakalimutan yung mga laro at tiktoks pag walang teacher, hiraman ng make up, hingian ng papel, sigawan sa ml, mga naconfiscate na speaker at cellphone na nakacharge, singilan ng class funds, nagtatakasan na cleaners, mga nawawalan ng ballpen, pati na rin yung mga maliliit o minsan malalaki na alitan/sumbatan/away sa classroom. masaya rin alalahanin yung halloween party, mga nangyari nung intrams pati nung general assembly, mga christmas party, teacher day celebrations, and mga closing party natin.
sana ngayong nasa kaniya-kaniyang mga univs na tayo ay nakakagawa pa rin kayo ng ganiyang kasasaya, minsan nakakabaliw na memories. i hope na always well kayong lahat (physically, emotionally and mentally). sana di niyo rin pinepressure mga sarili niyo masiyado. pwedeng-pwede magkamali, pwedeng-pwede bumagsak sa mga quizzes at exams, pwedeng-pwede matalo sa mga competitions, wag ka lang susuko, ilaban mo lang ulit. (shet si motivational speaker pala to e)
yakap sa inyong lahat
With all my love,
Lawin ๐ฆ
๐