26/04/2023
MANDATORY ROTC, DAPAT BA NA MAISABATAS? 🤔🤔🤔
Mataas na Presyo ng mga bilihin at gasolina, Krisis sa West Philippines Sea, Issue sa Jeepney Modernization, at iba pa. Sa panahon ng mga problema at krisis, satingin mo bilang isang estudyante masmahalaga nga ba na pagtuunan ng pansin at maisabatas ang ROTC ❓⁉️
Ang Reserve Officers’ Training Corps 🪖 🪖 o ROTC ay isang programa ng gobyerno na gustong mabigyan ang mga estudyante na nasa baitang 11-12 ng pagsasanay sa kanilang katawan at disiplina. Ito’y nagkaroon ng atensyon noong disyembre 2022, nakatuon ang kurikulum nito sa pagtugon at pamamahala sa kalamidad, mga teknik sa paunang lunas at kaligtasan, at pagpapalaganap ng pagtupad sa mga tungkulin sa sibiko. Ito’y ginagawa rin dahil pinaniniwalan ito ng iba na maaaring paraan ng pagpapakita ng pagiging makabayan ng isang mag-aaral at pwede rin ito gawing paraan upang sumunod ang mga mag-aaral sa mga awtoridad o mga nakatataas sa kanila. Marami ang gustong ipatupad na magiging mabuti para sa lipunan, bansa, at pangkalahatan na kalagayan ng ating seguridad. Samantala, mayroon ring mga negatibong epekto ang ROTC. Isa na dito ang kakulangan sa pondo ng Pilipinas upang masustentuhan ang programang ito. May kaakibat din itong negatibong epekto sa mga pakikibahagi sa ROTC, katulad na lamang ng pambubully. ❌❌🙅🙅
Dagdag na school works🤦🤦, dagdag na gastos💸💸, at dagdag pahirap sa ating mga g**o ang naka-ambang pagsasabatas ng Mandatory ROTC para sa mga Senior High School at College students. Hindi namin hahayaan na maisabatas ito nang hindi kinukumusta ang kalagayan ng mga mag-aaral. Anong masasabi mo bilang isang estudyante o g**o sa isyu na ito❓🤔🤔⁉️
25/04/2023
23/04/2023
22/04/2023